Chapter 19

181 7 3
                                    

Ilang buwan din ang itinagal ng pangliligaw ng binata at sinagot niya ito saka nag-propose sa kanya ng kasal.

Sabi nga ng iba, bakit pa papatagalin kung ito na ang tamang panahon para sa inyo!

Simula ng  ipakilala niya sa mga magulang wala namang tutol ang mga ito basta maayos at mahal nila isa't isa kaya naman inayos agad ang mga papel para sila ay maikasal.

Napangiti siya kapag naalala ang effort ng binata makuha lang matamis niyang oo.

Naglalakad siya sa altar ng oras na iyon at tila may kaba ang puso niya ilang sandali  lang at tuluyang maselyuhan ang pagmmahalan nila ng binata.

Nakita niya ang mga kaibigan niya na tila kilig na kilig, ang mga mga magulang ni Blake at pamilya niya na masaya at matiyang naghihitay sa unahan ng simbahan.

Habang palapit sa altar ang tila nakalutang siya sa saya lalo na ng makitang nag-iintay doon si Blake.

I love you!

Nakita niyang senyas nito at titig na titig sa kanya habang palapit siya.

I love you, too.

Nakangiting bulong niya sa hangin.

Halos hindi matawaran ang saya niya nang oras na iyon. Her heart is overflowing. Masayang-masaya siya dahil makakapiling na niya habambuhay ang taong naghihintay sa kaniya sa altar.

Pagdating niya sa tapat nito ay hindi na ito nakapagpigil pang yakapin siya.

“Hijo! Bawal iyan!” nanggigilalas na saway rito ng magiging byenan niya.

Nagkatawanan naman ang lahat ng mga naroroon, pati na rin siya.

“I’m sorry. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. You look marvelous on your gown,” anito.

“Oh, siya, sige na. Bago pa tayo mapunta sa kung saan, lumakad na kayo sa harap. Naiinip na ang pari,” anang kaniyang ama.

“Salamat, Tay.” Hinalikan niya ito sa pisngi pati na ang kaniyang ina— na mahigpit siyang niyakap at tila ayaw pakawalan.

“Balae, masama na ang tingin sa atin ni father,” harap ng ina ni Blake.

Mabilis siyang pinakawalan ng ina. “Pasensya na, balae. Nadala lang ako.” Tiningnan sila nito ni Blake. “Pakamamahalin ninyo ang isa’t isa. Mag-away man kayo, palagi niyo pa ring pipiliing mahalin at unawain ang isa’t isa. Iyon lang ang susi sa matagumpay na pagsasama,” bilin nito.

Sabay silang tumango ni Blake. Pareho rin silang nakangiti sa mga magulang bago nagpaalam sa mga ito. Maingat siyang inalalayan nito patungo sa unahan.

“I couldn’t wait less,” bulong pa nito sa kaniya.

Namula siya. Iba kasi ang dating ng sinabing iyon nito sa kaniya. May halong panunudyo.

She felt excited. Kahit siya hindi na rin makapaghintay pa.

“We are all gathered here to witness the union of these two people; Aliyah and Blake. May I request for you guidance to watch this couple as they will embark the new chapter of their lives,” simula ng pari. Matamang nakinig sila sa mga sinasabi nito.

Tumigil ito pansumandali at nilingon si Blake. “Blake Falcon, do you take Aliyah Castro to be your lawfully wedded wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?” the priest asked.

“I do,” mabilis na sagot ni Blake. Ngumiti pa ito nang pagkatamis sa kaniya.

Siya naman ang nilingon ng pari, “Aliyah Castro, do you take Blake Falcon to be your lawfully wedded husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?”

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon