Chapter 10

206 9 5
                                    

Lumipas ang ilang araw at hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Blake sa hotel.

Nagising siya na maayos na ang lahat; iba na ang sasakyan na ginamit nila, at ang mga isinuot nilang damit na ipina-laundry ay inihatid ng binata sa boarding house niya kinabukasan.

Nakatitig lang siya sa papel na hawak niya. Ang nakikita niya roon ay ang mukha ng lalaki.

“Blake Falcon!” inis niyang wika sa sarili. Napapitlag pa siya nang biglang tumunog ang phone niya.

Napakisap ang mata niya nang pangalan ni Blake ang nag-appear doon. Urong, sulong ang kamay niya kung sasagutin ba iyon o hindi. Pero sa huli, mas nanaig ang sigaw ng puso niya. Hindi niya maamin sa sarili, pero na-m-miss niya ang lalaki.

Lumunok muna siya bago pinindot ang answer button at itinapat iyon sa tenga. “Yes? Good afternoon,” mahina niyang sagot dahil mukhang kakapusin siya sa paghinga.

“Hi! Did you miss me?” tanong nito sa swabeng boses. Parang kagigising lang nito.

Tumingin siya sa orasan. Pasadong alas-kwatro na ng hapon.

“Mukhang masama ang gising mo at ako ang una mong tinawagan.” Sumimangot siya at umayos sa pagkakaupo.

Narinig niya ang mahinang tawa ng binata. “I was dreaming about you. And you told me, you miss me.”

Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. “Naku! Ako ay huwag mong pag-trip-an sa mga banat mong ganyan. Alam ko mamaya ang dinner natin with your parents— at sisipot ako, kaya hindi mo na kailangan umakto ng ganiyan!”

Mas lumakas ang tawa ng binata. “Oo nga pala, nalimutan ko iyon. I’ll fix myself and wait for me, sweetheart. See you later.”

Bigla na lang nawala ito sa linya, kaya hindi na niya nasabi ang gusto niyang sabihin.

“Unpredictable man!” Natapik niya ang noo niya.

Hindi pa niya masyadong kilala ang lalaki pero bakit parang nagmamadali itong ipakilala ang sarili sa kaniya? May hinahabol ba itong deadline?

Huminga siya nang malalim. Kung anuman ang nais ng binata, sasabay na lang siya. Tutal, maayos naman nitong ginawa ang usapan nila.

“This is my turn!” Kailangan niyang galingan sa pag-arte para hindi naman unfair kay Blake. Sana lang ay kasing galing siya nito.

Nag-umpisa na siyang mag-ayos ng table at nag-retouch, kahit isang oras at kalahati pa ang time out niya. Inayos niya ang uniform at sinipat ang sarili sa maliit na salamin.

Kinakabahan siya sa dinner nila mamaya. First niyang gagawin iyon— ang magpanggap na in love!

*****
“Hey, sweetheart.”

Napatitig siya kay Blake. Naka-plain shirt lang ito at maong na pantalon. Mukhang bagong ligo at fresh na fresh ang dating.

Nailang siyang kaharap ito dahil naka-uniform lang siya at mukhang pagod.

“Blake, nasasanay ka na sa ganiyang endearment sa akin, ah. Wala naman tayo sa harap ng mga kaibigan ko at ng parents mo.” Iyon ang lumabas sa bibig niya para hindi siya nito mahalata.

“It’s okay. Mas madali gumalaw kapag sanay na ako.” Ngumiti ito saka siya pinagbuksan ng pintuan. Tahimik itong nagmaneho sa tabi niya.

“Here. . . Palitan mo muna ang uniform mo. I know, hindi ka comfortable sa suot mo.” Iniliko nito ang sasakyan sa isang subdivision na nadaanan nila sa may Ayala. Malapit lang ito sa pinapasukan niya.

Napatingin siya sa mga guard na nag-assist sa kanila. Sumaludo ang mga ito bago tuluyang pinapasok ang sinasakyan nila. Tumapat ito sa isang magara at napakalaking bahay.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon