Chapter 9

192 9 6
                                    

"Two rooms, miss," narinig niyang wika ni Blake.

"Sir, there are no available rooms. Only one," wika ng babae.

"Anong ibig mo sabihin, miss?" tanong niya.

"Ma'am, isa na lang po available na room. Malawak naman po ang kama. I mean-"

"Okay, miss. We'll get it," mabilis na putol ni Blake sa sinasabi ng receptionist.

Kahit kinakabahan hindi na siya nag-react pa. Pagod na pagod na siya at ang gusto na lang niya ay magkapagpahinga.

"Let's go. We need to rest."

Kinuha ni Blake ang bag niya saka siya inalalayan patungo sa elevator. Nakaramdam siya ng kakaibang damdaming nang oras na iyon. Damdaming unti-unting pumupukaw sa natutulog niyang puso sa matagal na panahon.

Inilibot niya ang paningin nang marating nila ang kwartong ibinigay sa kanila. Maganda- classy ang dating at mamahalin. It's a VIP suite. Kompleto ang appliances, may maliit na kusina, banyo at malaking kama- na parang hinihila siya para mahiga roon.

Hindi na siya nakatiis pa. Dere-deretso siyang naupo sa gilid niyon. Napapikit pa siya nang maramdaman kung gaano iyon kalambot. Parang gusto na lang niyang matulog at huwag ng maglinis pa ng katawan. Pero baka naman isipin ng kasama niya na dugyot siya.

Tinanggal niya ang sapatos na may limang pulgada ang taas. Kaninang umaga pa niya iyon suot at namimitig na ang mga paa't binti niya dahil sa ngalay.

"Oh!" mahinang ungol niya nang maramdaman ang ginhawa nang mailapat niya ang mga pa sa sahig. Minasahe niya iyon nang bahagya habang nakapikit ang mga mata at nakatungo.

Nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman niya ang isang haplos ng kamay roon. napamulat siya ng mga mata.

Nasa harapan niya si Blake. Mayroon din doong isang planggana na may lamang maligamgam na tubig at rose petals.

Iniangat nito ang mga paa niya at inilubog sa tubig. Napakislot pa siya nang makaramdam ng ginwaha, ngunit larawan pa rin sa mga mata niya ang pagtataka habang nakatingin sa binata.

"I requested this. . . I know you are tired," anito na nabasa ang nilalaman ng isip niya.

Ganoon na ba siya kapagod para hindi man lang mamalayang tumunog ang doorbell ng pintuan?

Napatitig na lang siya sa binata habang itinataas nito ang bumabang long sleeve.

"Here are your things. Just sit there and if you feel better, go to the bathroom, and take a half bath with warm water," patuloy nito na para bang nag-aalala nga sa kaniya. "By the way, do you want to eat or take a glass of milk after take a bath?" Tumayo ito at sumandal sa may closet habang nakapamulsa.

Nakatitig lang siya sa binata.

Ang sarap mo naman mag-alaga, bulong niya sa isip habang nananatiling nakaawang ang mga labi.

"Aliyah, are you okay?" Lumapit ito sa kaniya at dinama ang kaniyang noo gamit ang likod ng palad nito. "Wala ka namang lagnat at mukhang okay naman ang temperature mo," kunot-noong wika nito.

Wala sa oras na ipinilig niya ang ulo. "Ah. . . sorry. Napagod lang yata talaga ako. A glass of milk na lang," aniya saka tiningnan ang mga paa. "Salamat nga pala rito. Maayos na ang pakiramdam ng mga paa ko. Pewede bang mauna na ako sa bathroom?"

Tumango naman ito at naupo sa sofa sa isang tabi.

Nagmamadali siyang tumayo at kumuha ng maisusuot na damit sa bag at underwear. Tumalikod siya rito para hindi nito makita ang kinikuha niya, saka mabilis na humakbang papasok ng banyo.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon