Chapter 8
Nakatingin siya sa mga kaibigan na may mga partner nang oras na iyon. Malapit na ang seremonya ngunit wala pa si Blake. Parang siya ang ikakasal na hindi sisiputin ng groom. Pinapawisan na siya sa suot niya kahit aircon ang loob ng simbahan.
“Bhe, asan na? Asan na sinasabi mong partner mo? Baka palabasin ka ng simbahan ni Thaira,” bulong ni Jhen sa kaniya.
Tabingi ang mukhang hinarap niya ito. “Ewan ko ba sa lalaking iyon. Mukhang hindi na siya darating,” nakasimangot na tugon niya.
Naiinis na siya. Maayos naman ang usapan nila kagabi, pero bakit parang mang-i-indian na naman ito? Ugali na ba iyon ng lalaki?
“Yung totoo, meron ka bang dadalhin o palusot mo lang lahat?” Nakatingin sa kaniya ang naniningkit na mata ni Charlotte.
“Oo nga! Hindi palulusutin ni Thaira iyang dahilan mo!” kantyaw ni Nicole na may nakalolokong ngiti sa mga labi.
“Okay, fine! Kung hindi siya dumating— tatanggapin ko na lang ang parusa,” sumusukong sagot niya. Hindi naman siya mananalo sa mga kaibigan kapag nagkaisa ang mga ito.
Palihim niyang iginala ang mga mata sa paligid. Nagbabakasaling makita kahit anino ng lalaki, pero wala pa rin ito.
Ano na ba’ng nangyari sa lalaking iyon? Tanong niya sa sarili.
Umupo muna siya sa isang bakanteng upuan at nagpunas ng tissue sa mukha. Pakiramdam niya nawala na ang make-up niya sa tension at kakaisip.
Ilang minuto pa silang nag-intay bago dumating si Thaira. Lulan ito ng isang magarang sasakyan na para bang anak ng hari at reyna ng London ang dating.
Bago pa makababa ang kaibigan biglang may humintong sasakyan sa likuran ng nito. Napaawang ang mga labi niya nang makita kung sino ang bumaba roon. Nagmamadali si Blake na naglakad patungo sa kinaroroonan niya.
Natulala siya. The was screaming hotness on his cream Amerikana and skin-toned leather shoes. Halos matabulgan na nito ang lahat ng kalalakihan na naroon, pati na ang groom.
“I’m sorry, I’m late,” bungad nito saka biglang humalik sa noo niya.
Hindi siya nakaimik. Umikot na lang ang mga mata niya at kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nina Jhen, Nicole at Charlotte.
Halos magkulay kamatis ang mukha niya sa oras na iyon. Hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon dahil bigla na lang kumikilos ang binata nang walang paalam sa kaniya, o kahit isang signal man lang.
Bago pa siya makapag-react, narinig nila ang boses ng isang usherette.
“Hello, everyone! We need to start walking from here to your corresponding chair with your partners. Then, the grand entrance of our beautiful bride.”
Pumwesto na sila sa mga itinalagang lugar sa kanila. Pero hindi pa rin nakaligtas sa kaniya ang nanunudyong tingin ng mga kaibigan. Hindi siya sanay sa senaryong iyon kaya hindi siya mapalagay kung saan siya pupwesto, hanggang sa naramdaman niya ang mga kamay ni Blake at pinagsalikop ang mga palad nila.
“Gusto mo bang maging successful ang araw na ito?” bulong ng binata sa kaniya. Marahan siyang tumango. “Then, sumunod ka lang sa lahat ng gagawin ko.”
Ngumiti ito nang matamis sa kaniya na lalong nagpalala sa nararamdaman niyang kaba. Halos lumabas na ang kaniyang puso sa dibdib sa lakas ng tibok niyon.
“Sir, Ma’am. . . kayo na po ang next,” singit ng usherrette na nag-aayos ng pila.
Napatungo siya at tumingin dito. “Sorry.” Kung para saan ang paghingi niya ng paumanhin ay hindi niya rin alam.

BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...