Chapter 12

190 8 5
                                    

Medyo masakit ang ulo niya nang bumangon saka dumeritso sa banyo. Sumalubong ang malamig na tubig mula sa dutsa ng shower at tila naibsan ang sakit ng ulo niya.

Napapikit siya ngunit mukha pa rin ni Aliyah ang nakikita niya. Ramdam pa rin niya ang malambot na labi ng dalaga, pakiramdam niya unti-unti na siyang nahuhulog sa apoy na sinimulan niya.

Yes! Naaliw siyang pagbigyan ang tita at mommy na makipag-blind date para tigilan na siya ng mga ito at nagkataoon na kailangan din ng babae ang tulong niya kaya madali siyang pumayag. At makabawi sa nagawa niya. Pero, bakit ganoon? Tila ayaw siyang lumabayan ng mukha ng dalaga.

I think, unti-unti na niya itong nagustuhan. Simple lang ito at mukhnag hindi sanay sa ganoong sitwasyon. Tahimik na nakikipamuhay at nag-iisang nakikibagay sa paligid.

Mabilis niyang tinapos ang paligo niya dahil may usapan siya ng kapatid niya sa restuarant nila na magkikita.

Ano na naman kayang nakain ng ate niya at ginulo na naman siya?

Mukhang may importante itong kailangan sa kanya.

Napailing siya habang nagbibihis siya.

*****

Tanghali na nang magising si Aliyah at hawak niya ang sariling ulo, hindi niya halos matandaan ang nangyari kagabi. Alam niya hinatid siya ni Blake at umalis ito ng makatulog siya.

Tiningnan niya ang pinto, nakasara iyon.

Kinapa niya ang cellphone sa tabi niya ngunit wala ito sa nakagawiang pwesto.

Napilitan siyang bumangon.

Nakita niya ang bag sa upuan at kinuha doon ang phone saka tiningnan ang oras. Pasado ng alas onse nang umaga.

Napakunot ang noo niya may dalawang mensahe doon. Muli siyang humakbang palapit sa kama at muling nahiga habang binuksan ang mensahe na iyon.

"Good morning, swetheart! Just take your medicine, to lessen your headache. I prepared last night but take your breakfast first."

Biglang lumakas ang tibok ng puso niya ng sandaling iyon.

Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa kanya at may pa-medicine pa ifong nalalaman?

Bigla niyang naalala ang nangyari sa bar.

Ang mainit na halik na ibinigay nito sa kanya.

"Erase! Aliyah, just a simple kiss and part of being~"

Napatigil siya sa naiisip, ayaw niyang haluan ng kung anong damdamin iyon.

Biglang tumunog ang telepono.

This is Charlotte.

"Hello,"

Medyo nawala ang sakit ng ulo niya.

"Ali, are you awake? How's your night. . .nabinyagan na ba?" Isang malutong nahalakhak iyon.

Hindi naman siya kahapon ipinanganak para hindi alam ang sinasabi ng kaibigan.

" Of course not! Yes, I'm awake. Tigilan mo ako sa binyag na iyan. Tahimik at nag-iisa ako dito sa bahay at masakit ang ulo ko." Inikot niya ang mata niya. Akala mo naman kaharap ang kaibigan niya.

Muli niyang narinig ang malutong na tawa nito.

"Mabiti naman, maligo ka na at daanan kita diyan may alam akong magandang restaurant para makahigop ng mainit na sabaw at masarap na pagkain para mawala hangover natin." Wika nito.

"What?! Aalis na naman tayo?"

"Magpapalamig lang, si Nichole lang mahihila natin. Si Thiara, umalis na kaninang umaga at ang asawa niya. Si Jhen, family bonding nila ngayon. Kaya ikaw lang makukulit namin ni Nicole. Ready yourself in one hour dahil mag-aalis tayo ng hangover."

Napilitan siyang sumama sa kaibigan.

Nagtimpla siya ng kape at kinuha ang tinapay sa lagayan at saka nilagyan ng palaman. Nang maubos na ang kape, ininom muna niya ang gamot bago tuluyang pumasok sa banyo.

Mabilis na naligo at kumuha ng isng simple leggings at isang crop top saka tinernuhan ng flat sandals.

Maganda ang leggings sa kanya at kitang-kita ang maumbok niyang pang-upo at sakto ang sukat sa twenty six niyang beywang.

Umikot siya sa salamin, hindi naman malaswang tingnan kaya nag-ready na siya at lumabas ng bahay. Nasa kabilang kanto na ang mga kaibigan at sa labas na siya mag-iintay.

*****

Masayang nagtatawanan silang tatlo sa isang pamilyar na restaurant na iyon. Doon niya unang nakilala at nakabangga si Blake.

Inikot ang paningin niya, mukhang nagkataon lang na doon kumain noon ang binata.

Pinilit niyang ibinalik ang isip sa kinakain at sa dalawa niyang kaibigan pero natigil siya ng makita ang isang lalaki at babae na lumabas sa kung saan at masayang umupo sa isang dulong bahagi ng restaurant. Todo asikaso ang lalaki at maging ang mga staff doon.

Tila isang artista ang babae, maganda ito at makinis. Pang-model ang awra nito. Maamo ang mukha, inalalayan ng lalaki sa pag-upo at nagsenyas sa mga waiter na ipasok ang mga pagkain. Nalula siya sa nakitang pagkain na inilagay doon, nilagyan ng pagkain ang pinggan at masayang nakipagkwentuhan  kaharap ang babae.

Tila hiniwa ang puso niya ng sandaling iyon at nawalan siya ng gana sa pagkaing nasa harap niya.

"Oh, no! Nichole, that is Blake, right?" Biglang bumaling si Nichole sa likuran at tumango.

"Yeah! But~" bumaling ito sa kanya.

"Let's go, guys. Masakit ulo ko at gusto ko muna matulog ulit."

"Hindi mo ba sila lalapitan?"Untag ni Charlotte.

Umiling siya.

"For what? I think, it's over."Mahinang wika niya.

Nagtinginan lang ang dalawa at umiling.

Mukhang lalo pang sumama ang pakiramdam niya ng makita ang tanawing iyon.

"Ako na ang magbabayad nito."  Sensyasan niya ang waiter at binigay ng bayad saka naunang lumabas ng restaurant.

Bakit ba laging pangit ang pagkikita nila ng lalaki sa restaurant na iyon? May sumpa ba sa kanya ng lugar na ito?

Mula sa loob tanaw niya ang mga kaibigan na nag-CR  pa yata bago lumabas sa tagal.

Nakasandal siya sa pintuan ng sasakyan napansin niyang mula sa loob napatingin ang kausap ni Blake na babae sa kanya. Doon niya napansin na nakapatingin sa kanya ang binata. Nagkunwaring hindi niya ito nakita at umiwas ng tingin.

"Let's go!"

Malakas na boses ni Charlotte ng lumabas ang mga ito saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.

"Are you okay?" Tanong ni Nichole.

"I'm okay. . .gusto ko ulit matulog." Maiksing wika niya.

Tahimik na lang ang dalawa na tumingin sa kanya at umalis ng restaurant na iyon.

Habang nasa skyway sila pumikit siya at naisip ang nangyari kagabi saka ang kanina.

Hindi pa nga nagsisimula, nasaktan na siya.

Gusto niyang umiyak dahil sa naramdaman. Ayaw niyang makita ng  mga kaibigan na mahina siya. Talaga sigurong hindi pa nakalaan ang para sa kanya.

Bakit ba apektado siya?

Nagpapanggap lang naman sila pareho at wala naman silang level dalawa.



Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon