Chapter 22

163 10 2
                                    

Nagising siya sa sakit ng ulo at tila binibiyak iyon.

"Aahhhhh!"

Malakas niyang sigaw na agad na bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Nakita niya ang pagpasok ng isang matandang babae.

"Leah! What happened?"

"Masakit po ang ulo ko kagabi pa ito pag-uwi ko galing trabaho."

"Gusto mo bang dalhin kita sa doctor mo?" Nag-alalang wika nito.

"Huwag na po kakayanin ko ito pahinga ko lang. Nagsabi na po ako sa supervisor ko na hindi muna ako papasok ngayon." Nakapikit na wika niya.

"Sige at dadalhan kita ng tubig at makakain dito."

Ito ang nakilala niya nang magising siya. Si Mama Myrna, isang pilipino ito na nakapangasawa ng italyano at biyuda na. May isang anak na lalaki pero mas bata sa kanya.

Sa kwento nito natagpuan siya nito sa tabing ilog na duaguan at walang malay. Pagkagising niya hindi niya maalala ang lahat. Isang buwan din tinagal niya sa ospital at dahil wala siyang kakilala inaruga siya nito hanggang bumalik ang alaala niya, ngunit hanggang ngayon wala pa rin siyang matandaan kahit ano, kung sino ba siya. Kaya hinayaan siya nito magpagaling.

Dalawang taon na rin siyang receptionist ng isang sikat na hotel sa dito. Mabuti na lang kakilala ito ng umaruga sa kanya at naipasok siya para daw malibang.

Sinipat niya ang sarili sa salamin pagkatapos uminom ng gamot. Siya na mismo ang gumagastos niyon dahil sa sobrang mamahal ng mga ito.

Maya-maya pa ay may biglang sumulpot na isang gwapong bata sa harap niya.

Magtatatlong taon na rin ito.

Nalaman niyang nagdadalang tao siya dalawang buwan matapos siyang magising kaya habang nagpapagaling inalagaan niya iyon.

Hindi niya alam ang pinagmulan niya at kung paano siya nagdalang tao. Wala siyang mahagilap na sagot.

"Mama! Buongiorno!"

Nasanay na mag-italyano ang anak niya pero tinutuan niya ito ng tagalog at english para hindi isang lenguwahe lang ang alam nito.

"Magandang umaga, my Señor Daniel!"

Yumakap ito sa kanya.

"Masakit po ba ulo ninyo?"

"Ayos lang ako anak, mawawala rin ito. Bakit maaga kang magising?" wika niya dito.

"Nasa kusina po ako nanonood ng pagluto ni Mama Myrna at gusto kung ipagluto kita ng recipe ko! Pero iisipin ko muna kung ano iyon." Nakangiting wika ng anak.

Parang biglang may naalala siya sa ngiti nito at ang pagiging mahilig sa pagluto. Pero blurred iyon sa alaala niya at sumabay ang sinabi ng lalaki kagabi sa hotel.

"Blake Falcon!"

Hindi niya alam kung saan narinig ang pangalan na iyon pero mas lalong sumakit ang ulo niya.

"Anak! Tell Mama Myrna to come here, please." Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Come Desideri, Mamma!" At mabilis na humalik sa noo niya at tumakbo palabas.

Napangiti siya sa lambing ng anak.

Ito ang makakatulong sa kanya para mabilis siyang maka-recover, hindi niya alam kung kailan pero hindi siya nawawalan ng pag-asa lalo pa at may naghihintay sa kanya. Ang kanyang anak.

Nagpadala siya sa doctor ng araw na iyon para maka-siguro siyang maayos ang kalagayan niya.

"I think, unti-unti ka ng makakaalala kahit blurred at least nagkakaroon na ng function ang brain mo."

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon