Chapter 5

246 10 3
                                    


Naka-set ang blind date ni Aliyah araw ng Martes. Iyon ay ayon na rin sa pagmamanipula ng Tita Angie niya. Ibinigay nito ang ilan sa mga impormasyon ni Blake sa kaniya, pati na ang number nito. Hindi man niya gustong siya ang unang gumawa ng paraan para magkakilala sila, wala na siyang pagpipilian pa. Hindi na siya pwedeng magbagal pa. Palapit na nang palapit ang araw ng kasal ni Thaira at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa siyang partner na pwedeng maiharap sa mga kaibigan. Kaya kahit nahihiya, kinapalan na niya ang mukha at siya na mismo ang unang nag-text sa lalaki.

Mukha naman itong mabait. Dahil madali rin itong nag-reply noong magpakilala siya. Ang sabi pa nito, naunahan niya lang daw ito dahil talagang mag-t-text din ito sa kaniya.

Habang nag-aayos sa sarili sa loob ng kaniyang opisina si Aliyah, iniisip niya kung ano nga bang itsura ng lalaki. Base na rin sa mga kwento ng kaniyang Tita Angie, mukhang magandang lalaki ito. Mukha ring hindi pahuhuli ang pamilya nito gaya nina Jhen. Dahil kung bestfriend ni Tita Angie ang ina ng lalaki, ibig sabihin, iisang sirkulasyon lang ang ginagalawan ng mga ito.

Hindi niya mapigilang hindi kabahan. Isipin pa lang na mayaman ang lalaki o mas higit pa roon ay nakadarama na siya ng takot sa dibdib. Aminin man niya o hindi, isa sa mga dahilan kung bakit NBSB pa siya, kahit marami namang nanliligaw sa kaniya, ay ang kaalamang malayo ang estado ng buhay niya sa mga lalaking iyon. Kahit pa nga sabihing maganda ang trabaho niya, ang magkaroon ng karelasyon na hindi niya kauri ay kailang-ilang pa rin. Lalo na kung ang matapatan niya ay isang matapobreng pamilya. Baka hindi kayanin ng puso niya ang sakit.

Tulalang napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin. Bigla ay nagdalawang-isip siya sa gagawin. Pwede naman nga sigurong hindi naman siya magdala ng date sa kasal ni Thaira. Maiintindihan naman siguro siya nito kapag nagpaliwanag siya.

But you already promised them. At alam mong hindi ka pwedeng sumira roon. Isa pa, hindi ka pa naman sigurado sa maka-d-date mo ngayon. Ngayon pa lang kayo magkikita pero pagkakaroon niyo na agad ng relasyon ang tumatakbo riyan sa isip mo. You're thinking advanced, Aliyah, kastigo ng isang tinig sa isip niya.

Mabilis niyang naipilig ang ulo.

Tama ang tinig na iyon. Wala pa namang sigurado sa gagawin niyang iyon. And this will be their first meeting for God’s sake! Bakit nga kung ano-anong pumapasok sa isipan niya?

“Baka gutom lang iyan,” kausap niya sa sarili.

Nginitian niya ang sarili sa salamin. Sa palagay naman niya ay hindi niya ipahihiya sa ganoong ayos ang kaniyang Tita Angie. She’s wearing an off shoulder biege blouse. Tenernuhan niya iyon ng itim na draped skirt, at sa paa naman niya ay isang puting stiletto. Naglagay na rin siya ng kaunting makeup at lipstick para mas lalo siyang magmukhang sopistikada. Isinuot niya rin ang ternong gold earrings at necklace niya na may heartshape pendant.

Umikot muna siya sandali. She knew she was beautiful. Pero kapag nag-aayos siya, mas lalo siyang gumaganda.

Nang makontento sa itsura niya ay kinuha na niya ang shoulder bag at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang orasan. May isang oras pa para sa pagbyahe niya. Hindi naman siya ma-l-late kahit ma-traffic dahil malapit lang din naman ang restaurant na pagkikitaan nila ni Blake.

“Wow, naman si Ma’am! Mukhang maganda ang pupuntahan ninyo ngayon, ah?” nakangiting bati sa kaniya ng gwardiya sa lobby.

Ngumiti siya rito. “Parang ganoon na nga ho,” tugon niya.

“Naku! Ipagdadasal ko na kaagad na sana maganda ang kalabasan ng lakad ninyo. Sigurado naman akong kung sino man ang ka-date ninyo ngayon ay hindi na iyon makatatanggi pa sa ganda ninyo,” patuloy na papuri nito sa kaniya.

Naiiling na nilagpasan niya ito at tumawag ng taxi. Nagpahatid siya sa restaurant.

Pagdating niya roon ay medyo matao ang loob. Binasa niya ang karatula sa labas. “Miglior Gusto di Falcon.”

Napakunot-noo siya. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Pero base sa narinig niya sa kaniyang Tita Angie, may lahing Italiano ang kaibigan nito.

Huminga siya nang malalim, bago tumuloy sa loob. Agad siyang sinalubong ng waiter doon.

“Good evening, Ma’am. Welcome to Miglior Gusto di Falcon where you can taste all the best food in the world. How may I help you?” nakangiting tanong nito.

Nahawa naman siya at ngumiti rin. “Hi! I’m here under the name of Mr. Blake Falcon,” aniya.

Nakita niyang bahagyang nagulat ang kaharap, pero sandali lang iyon. “This way, Ma’am.” Iginiya siya nito sa isang lamesa na nasa bandang sulok. “Anything you want, Ma’am?” magalang na tanong ng waiter.

“Just water,” aniya.

Tumango naman ito saka nagpaalam sa kaniya.

“Alright. Come in,” anito.

Dahan-dahan namang binuksan ng waiter ang pintuan. Nang tuluyang bumukas iyon ay tumambad sa kaniya ang isang matipunong lalaki. Nakatalikod ito sa kinatatayuan nila at may kung anong binabasa sa kamay.

Napakunot-noo siya nang makita ang suot nitong itim na pang-itaas. Mukhang ang lalaki rin ang chef doon.

“Tuloy na po kayo,” anang waiter sa kaniya.

Tinanguan niya ito, saka tuluyang pumasok sa loob. Akala niya ay susunod ang waiter, pero iniwan na siya nito roon. Hindi tuloy niya maiwasang hindi kabahan. 

Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.

“Ye—” Nabitin ang iba pang sasabihin nito nang makita siya.

Kahit si Aliyah ay nawalan din ng imik. Lalo na nang unti-unti ngumiti ang lalaki sa kaniya.

My! The man had a set of perfect white teeth! Ito na rin yata ang lalaking may pinakamagandang ngiti na nakita niya. At hindi lang ito basta gwapo. Nag-uupaw sa buong silid na iyon ang napaka-hot at sexy na aura nito. Something she could drool over and over again!

Pakiramdam tuloy niya biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo, at tanging sila lamang dalawa ang naroron. Kung sa iba-iba siguro, masasabihan siyang lumalapat na ang panga niya sa lupa.

Because at that very moment, her mouth was wide open while staring back at him!

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon