Chapter 13

187 8 3
                                    

Abalang muli ang maghapon niya nang araw na iyon.

Maraming kailangang tapusin dahil sa darating na mahabang holiday. Nag-iisip siya kung uuwi ba o magpahinga sa tinitirhan niya.

Sana lang huwag mangulit ang mga kaibigan niya.

Pasadong alas syete na nang gabi ng matapos lahat ang mga ginagawa niya, as usual, pagod na pagod na naman siya.

Inayos niya mga papel sa  harapan at umuwi na.

"Bye, Miss Aliyah!"

Nilingon niya ang boses na iyon.

"Carla, nandiyan ka pa pala?"

"May tinapos po akong report pero paalis na rin." Wika nito.

"Sige, mauna na ako." Ngiti niya.

Pagbaba niya sa lobby, nagulat siya ng makita doon si Blake. Napakagwapo nito sa simpleng pantalon at t-shirt. Napakaaliwalas ng mukha nito.

Biglang sumikdo ang kaba sa kanyang dibdib, gusto niyang umatras pero huli na. Nakatingin ito sa nakabukas na elavator kung saan siya  lalabas.

"Ma'am Aliyah, kanina pa umaangat ang ulo ni sir. Bawat bukas ng elevator, halos mag-two hours na siya na nag-intay saiyo." Bulong sa kanya ng gwardiya.

Magsasalita sana siya nang lumapit ito.

"Let's go?"

Alanganing ngumiti siya dito at tumango.

Tahimik siya na sumunod.

"How's you day?"

Habang inayos nito ang seatbelt.

Nauna na siyang mag-seatbelt at maayos na sumandal sa upuan.

"Maayos naman, medyo pagod."

"Let's take a dinner before you go home."

Seryoso ito at may kinuha sa backseat.

Isang bunbon ng bulaklak.

"For you. . ."

"Blake, hindi ka na dapat nag-abala pa." Kinuha niya iyon. Nalungkot lang siya nang maalala ang nakita noong isang araw.

"I'd like to do this," tila may lungkot sa mga mata nito.

"Thank you for this."

Tumango lang ito at pinaandar ang sasakyan na hindi tumingin sa kanya.

Tumigil sila sa isang restaurant na hindi lang first class, mukhang mayayaman ang pumapasok lang dito.

"Blake. . .kahit hindi na dito."

Ayaw pa niyang bumaba.

"Aliyah, better to come in or else. . ." Pilyo ang mga ngiti nito.

Nagmadali siyang bumaba, hindi niya gusto nag takbo ng utak ng binata baka maulit ang nangyari noong nasa bar sila.

May pagkapalikero din pala ito.

"Sir Blake, nakaayos na po ang table sa VIP." Magalang na wika ng waiter. "Welcome, ma'am."

At yumukod ito.

Naramdaman niya ang paghawak ng binata sa kanyang beywang. Hindi na lang niya pinansin.

Habang palapit sa mesa, nakita niya ang mga crew na sa kanila nakatingin lahat na tila masayang nakangiti. Doon lang noya napansin na bitbit pa rin pala niya ang bulaklak na binigay ng binata. Dapat iniwan na lang niya sa sasakyan.

Napatigil siya sa gitna.

Napakunot noo ang binata sa kanya.

"What's wrong. sweetheart?"

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon