"Hi! Blake Falcon,"
Napaangat ang ulo niya.
Napanganga siya at ang kaba sa dibdib ay naroon na naman. Sino ba hindi mapapanganga dito, bagong gupit at bagong shave.
Napakaaliwalas ng mukha nito at napakagwapo at tila may pilyong ngiti sa mga labi nito.
Pinilig ang ulo at saka magalang itong hinarap.
"Yes, sir! What can I do for you?"
Nakatitig lang ito sa kanya.
"What's your name?"
Tila lasing nga lang ito ng gabi na iyon at napagkamalan siyang asawa nito.
"Leah Casmir," mabilis niyang sagot niya, ito ang pangalan na binigay sa kanya.
"Nice meeting you!"
At inabot ang kamay nito, ayaw sana niyang kunin pero guest ito at ayaw niyang maging bastos.
"Better if Mrs. Aliyah Falcon, Miss." wika nito.
Tila may kuryenteng dumaloy sa balat niya ng maglapat ang mga kamay nila at tila may pamilyar na sensyasyon iyon. Nahila niyang bigla ang kamay niya saka napahawak sa ulo.
Nataranta ang kaharap.
"Are you okay?"
Tumango siya.
"Excuse me, sir!" inayos niya ang sarili at nag-concentrate sa trabaho.
Nakita niyang umalis na ang lalaki at may hawak na cellphone. Tila may kausap ito hanggang sumakay ito sa elevator.
Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil umalis na ito.
Bakit parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Pamilyar ang mukha nito lalo ng nagpagupit ito.
"Blake Falcon!"
Search niya ito sa directory nila.
Isang mayamang businessman sa Pilipinas at may mga negosyo rin dito sa Italya. Isa itong pilipino.
Napailing siya.
Itinuon na lang niya ang isip sa trabaho. Mag-half day siya ngayon dahil kaarawan ng anak niya.
Excited na niyang ibili ito ng laruan. Ito pa lang kaya niyang gawin para dito at kaunting salo-salo.
"Mama, kapag birthday ko na ba darating si papa?"
Iyon ang tanong na hindi niya kayang ibigay at sagutin sa anak.
Hindi nga niya alam kung paano nabuo ito. Lalo pa at natagpuan siyang sugatan noon.
Na-rape ba siya?
Naiyak na isipin na iyon ang mnagyari.
"Hey, Leah! Hindi ba half day ka? Ito nga pala regalo ko sa inaanak ko. Hindi na ako makasama saiyo, duty." Ngiti ni Gail.
Ito ang una niyang naging kaibigan doon sa hotel. Pilipino din ito.
"Salamat, marami pa naman next time. Sige na, mauna na ako."
Yakap niya dito.
Dumiretso siya ng locker at nagbihis ng damit. Bago siya umuwi dadaan muna siya ng isang mall kung saan niya nakita ang cooking tools na laruan na gusto ng anak.
Paglabas niya ng hotel kaagad na tumawag ng taxi pero may isang sasakyan na humarang sa kanya.
"Ihatid na kita,"
Napakurap ang mata, unang pagkakataon nagsalita ng tagalog ang lalaking ilang araw ng nanggugulo sa kanya.
"Sir, may dadaan pa ako ng mall. Salamat po."
Magalang niya itong sinagot.
"Just hop in, I'll be with you."
Urong sulong siya, mukhang mabait ito at sinasabi ng puso niya na sumama siya. Lalo pa ng makita niya ng mga mata nito na nakikiusap.
Bahala na!
Bumaba ito at inalalayan siya papasok ng sasakyan.
Kasama niyang namili sa mall ang lalaki. Gusto niyang maglibot pa pero nahihiya na siya dito.
"This is a gift?"
Nilingon niya ang lalaki na dala ang kinuha niyang laruan habnag papunta sa counter.
"Yes. . .my son birthday today and he wants that."
"Mana siya sa tatay niya kung ganoon." anito na hinimas ang laruan.
Napatigil siya.
"What did you say, sir?"
"Nothing. . .I mean, libre ko na ito sa kanya. Tutal birthday niya di ba?"
"Naku, huwag na po. May nakalaan naman akong budget sa kanya."
Binaba nito ang dala saka mabilis siyang niyakap ng lalaki at hinalikan sa labi niya. Mapusok iyon, matagal at may pananabik.
Sobrang pamilyar ng mga halik at yakap na iyon. Masarap sa pakiramdam at gusto niya ito. Tila hinihila buong pagkatao niya.
"Aliyah. . ." anas nito.
Saka naitulak ang lalaki.
"Sorry. . .hindi ko mapigilan sarili ko."
Tumalikod ito at dinala sa counter ang laruan.
Habang palayo ito bigla nag-flash back sa isip niya ang isang kasal.
"Mamahalin kita kahit malimutan ko ang pangalan mo dahil sa katandaan natin. At hahayaan kung damhin ang yakap at halik mo para matandaan kita. Mahal na mahal kita."
Biglang sumakit na naman ang ulo niya.
Isaktong natapos ng lalaki at pabalik sa kanya. Nanghina ang tuhod niya sa sakit ng ulo niya.
"Aahhhh!"
At nagdilim ang paligid. Isang tila bakal na kamay ang naramdaman niya bago siya bumagsak sa sahig.
*****
Isang puting aparato ang nakita niya sa gilid niya tanda na nasa ospital siya.
Naalala niyang sumakit muli ang ulo niya.
Nakita niya si Mama Myrna sa gilid habang si Daniel ay nakahiga sa kama dala ang laruang binili nila sa mall. Hinanap niya ang lalaki pero wala ito.
"Mama Myrna. . ."
Mahinang wika niya.
"Mabuti naman at nakagising ka na." Lumapit ito at hinaplos ng mukha niya." Maayos na ba pakiramdam mo?"
Tumango siya. Gusto niyang tanungin ang matanda kung nasaan ang lalaki pero hindi na lang siya kumibo.
"Umalis lang siya saglit at babalik din siya." Tila nahulaan ng matanda ang nasa isip niya. "Siya nga pala, may ibibigay ako saiyo baka mas makatulong para mas mabilis recovery mo. Ng matagpuan kita na walang malay sa may ilog, natakot akong dalhin kita ng ospital baka ako ang ang sisihin ng mga otoridad sa nangyari saiyo kaya dinala na lang kita sa kaibigan kung doctor, at si Dr. Edward iyon."
Ngumiti ito sa kanya.
"Tinanggal ito ni Doc sa daliri mo at itinago ko muna. Pero ng magising ka at walang maalala hindi ko na naisip ang bagay na ito." Inabot nito ang isang singsing sa kanya.
Wedding ring iyon at may nakaukit na, Blake.
Napapikit siya, naiyak.
Madaming tanong sa isip niya.
"Salamat po. Gusto ko po muna ulit mgpahinga. Kumain na po ba si Daniel?"
Tumango ito.
"Mabuti na lang at kahit bago pa lang niyang nakilala ang kasama mo ay magsundo sila agad. Nakatulog sa pakikipaglaro dito. Umalis lang saglit dahil may inayos na papel."
Napabuti diyos dahil ginabayan ito patungo sa kanya at sa anak niya.
Inilagay niya ang singsing na iyon sa bulsa ng damit niya at saka muling ipinikit ang mata.
Sa muling pagising niya haharapin ang lahat.
At sana maayos na ang lahat.

BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...