Maaliwalas ang araw na iyon sa kanya dahil natapos lahat ng reports, kaya ayos lang na magpuyat ngayong gabi.
Inayos ang bag at bumaba na dahil siya lang naman ng natira ng oras na iyon. Pasadong alas sais na rin at sahod din ng araw na iyon kaya siguro maagang umuwi ang lahat.
Maaga pa rin sa kanya iyon dahil simula noong nakaraang linggo lagi na lang siyang overtime. Tumunog ang cellphone niya at nakita ang miscall ni Francis.
Napabuntong hininga siya dahil sa kakulitan nito. Ewan niya wala talagang dating sa kanya ito, gwapo ito at talagang madami din mabighani sa binata pero talagang walang epekto ang pagpapahaging na naman noto. Bumalik na ito sa US dahil sa emergency call at kailangan siyang pumirma ng isang damakmak na papeles at mas mainam iyon dahil nakukulitan siya dito.
Naalala na naman niya si Blake, pakiramdam niya may love quarrel lang sila.
Kase naman, bakit ganoon pinapakita sa kanya kung may d-n-date itong iba tapos biglang susulpot sa harap niya noong isang araw akala mo ang laki ng kasalanan niya.
Natigil pag-isip niya ng tumunog ang elevator hudyat na nasa ground floor na siya. Inayos ang sarili, naalala niya ang headset na kunin sa loob ng bag, ito ang sandata niya sa maingay na mga sasakyan sa labas. Ito naman siya makikipag-karerahan na naman sa mga sasakyan makarating lang ng maaga sa tinutuluyan niya.
Humakbang siya palabas ng elevator saka hinanap ang headseat sa loob ng bag.
"Ma'am Aliyah! Mukhang maganda ang gabi ninyo ah." Wika ng kanilang gwardiya.
"Natapos na kase reports ko." Ngumiti siya at nag-out sa time in and out machine nila.
"Mukhang may date kayo ngayon." Biro nito.
"Wala nga ho~"
Napatol ang iba pa niyang sasabihin ng biglang may tumawag sa kanya mula sa upuan sa lobby.
So, familiar!
Hindi siya nagkamali, si Blake may dalang bulaklak at tila nag-matured ito sa tingin niya pero gwapo pa rin.
Kinabahan siya nang lumapit ito.
"Anong gingawa mo dito?"
Hindi siya nagpahalata dito. Ang lalaking hindi mawala sa isip niya ay kaharap na niyang muli.
"Susunduin kita," nakangiting wika nito.
"Blake. . .for what? I think~"
Pero naputol muli ito ng marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.
"Oh my god! Blake, is that you?"
Mula sa pintuan ng lobby ang boses na iyon.
"Charlotte and Nichole. . .nice to see you here." Nakangiting wika ni Blake sa mga ito at ngumiti.
"Anong ginagawa ninyong dalawa dito?" Nagtatakang wika niya.
"To surprise you. . .pero mukhang kami ang na -surprise!" Malawak ang ngiti ng dalawa.
"By the way, birthday ng anak ni Jhen ngayon, remember? At susunduin sana namin ikaw. . ."
Natapik niya ang noo niya. Birthday nga pala ng inaanak nila.
"Ito na nga ba ang sinasbi ko, siguradong magtatampo iyon. Siya sge na, Blake, convoy na lang kayo sa amin ni Charlotte." Wika ni Nichole.
"Sure!"
Tumango ito at sabay tingin sa kanya.
Wala na siyang nagawa, ang alam lang niya makapunta sa birthday ng inanak.
BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...