“Yes, Charlotte, napatawag ka?” tanong ni Aliyah habang nagtatanggal ng pang-itaas na damit. Kadarating lang niya galing opisina at pagod na pagod.
“Nagyayaya lumabas si Thaira ngayong gabi, bago sila lumipad sa London, para sa honeymoon nila,” anito.
Napatingin siya sa orasan. Six in the evening pa lang naman at bukas ay weekend. Maaga siyang umuwi dahil pakiramdam niya, naubusan na siya ng lakas maghapon. Mabuti na lang at walang traffic. Kailangan nga niya ang night life para ma-relax siya.
“Sige. Saan ba ang venue at pupunta ako.”
“High Street. Send ko ang address. Malapit lang kina Jhen ito,” masiglang wika nito. “Don’t forget na isama si gwapo, kasi lahat kami may partner.”
Akala niya sila lang, bakit kasama pa rin ang mga boys?
“Baka hindi available si Blake ngayon. Marami iyong ginagawa.” aniya. Isa pa, nakakahiya namang pakiusapan ulit ito. Baka nga busy pala.
“No other way for the excuses. Call him and be there— both of you. See you, baby.” Nawala na ito agad sa linya.
Mukhang hindi naman siya mag-r-relax kapag may kasama siya, lalo pa at nakatanggap siya ng mensahe sa binata na busy ito. So, paano na ngayon?
Umilaw ang screen ng phone niya at nakita niya ang address na ipinadala ni Charlotte. Lalo siyang na-stress. Nananadya yata ang mga kaibigan niya.
Ibinagsak niya sa kama ang katawan at pumikit saglit. Maaga pa naman para sa usapan nila kaya puwede pa siyang magpahinga. Tumunog ang phone niya at alam niyang si Charlotte iyon at kukulitin siya.
“Charlotte, puwede bang ako na lang ang pumunta? Ayaw kong mang-abala pa ng tao, saka gabi na, nagpapahinga na ang iyon o kaya nasa trabaho pa.” Nakapikit ang mga mata niya habang sinasabi iyon.
“And what is that? You need back up?” anang pamilyar na boses.
Napamulat siya saka tiningnan ang screen. “Blake?!” Napabangon siya sa pagkakahiga. “Sorry, akala ko si Charlotte ang tumawag.”
“And?” Malamyos ang boses na iyon ng lalaki at parang inaakit siya.
“Ano kase. . . hmmm. Gusto nila lumabas ngayong gabi bago umalis ng bansa sina Thaira. Then, isama daw kita pero—”
“I’m available. Intayin mo ako at dadaan ako diyan. Fix yourself,” mabilis pa sa alas-kwatro nitong tugon.
“Blake—” Hindi na natapos ang sinasabi niya dahil ring tone na lang ang narinig niya sa kabilang linya. Tapos na kase ito sa obligasyon niya at isang araw lang iyon— sa kasal lang ng kaibigan.
Bakit excited ito na sumama ulit ngayon?
Humarap siya sa closet niya at pumili ng damit. Isang silver na bestida na hakab sa katawan niya at labas ng kaunti ang cleavage niya, ang napili niya. Regalo iyon ni Thiara sa kaniya nang umuwi ito galing Canada. Hindi pa niya iyon nasusuot kaya iyon na lang ang pinili niya.
Umikot siya sa salamin. Hindi naman bastos tingnan.
Muli niya iyong hinubad at pumasok sa banyo para mag-half bath nang mabilis. Halos patapos na siya sa ginagawa nang may humintong sasakyan sa harapan ng inuupahang apartment niya.
Nakailang ikot na siya sa salamin dahil wala siyang mapiling sandals para sa damit niya. Biglang may kumatok sa pinto.
Kinabahan siya. Para siyang teenager na excited makita ang crush niya.
Crush?!
Bakit may ganoon siyang feeling? bulong niya sa sarili at iwinaksi na lang iyon.
Dahil sa pagmamadali, isang two inches heels na lang ang kinuha niya saka binuksan ang pintuan. Naamoy agad niya ang mamahaling pabango ng binata na ikinapikit niya.

BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...