Chapter 21

175 11 6
                                    

Isang magandang babae ang humaplos sa mukha niya sabay halik sa kanya. Ramdam niya ang bawat haplos nito na tila bumubuhay sa pagkatao niya.

Gumanti siya ng yakap sa babae at siniil niya ito ng halik.

"I miss you. . ."

Bulong ng babae sa kanya.

"I miss you, too."

Bigla niya itong binuhat sa kama at unti-unti niyang tinanggal ang mga damit. Halos wala siyang sinayang na sandali, hinaplos niya ang malambot notong katawan.

"I can't wait this moment, I love you!"anas niya.

Bigla siyang tinulak nito at tumayo.

"What's going on?"

Nagtataka niyang wika at tila unti-unti itong naglalaho sa paningin niya.

"Wait! Hintayin mo ako!"

Ngunit tumalikod na ito.

"Aliyah!"

Isang malakas niyang sigaw.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon mula sa pagkakatulog.

Pinagpawisan at masakit ang ulo niya kaya kinuha ang gamot para maibsan iyon.

"It's been three years, Aliyah!"

Tatlong taon simula ng mangyari ng aksidente at halos isang taon din siyang comatose sa hospital, ni hindi niya nakita ang asawa habang hinahatid sa huling hantungan at hindi niya iyon matanggap lalo pa at walang katawan nakita ang mga awtoridad. Tanging sunog na sasakyan lang ang natagpuan pagkatapos niyang tumilapon sa kalsada.

Mabilis na nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan saka pinasibad papunta sa puntod ng asawa.

Madaling araw iyon at gustuhin niyang doon mamalagi.

"Sweetheart, thank you for visiting me in my dreams. Three years already at masakit pa rin. . .and this time, I want to go to Italy again to continue searching your body to bring here. Please, guide me. I miss you and I love you."

Isang masaganang luha ang pinakawalan niya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Mataas na ang araw ng bumalik siya sa  bahay nila.

Malayo pa lang sumalubong na ang ina niya.

"Blake, saan ka galing? Madaling araw na ay umalis ka pa rin?"

Nag-aalalang wika ng ina niya.

"Kay Aliyah, mom."

Malungkot ang mukha na yumakap sa kanya.

"Anak. . .siguro oras na para pakawalan mo siya."

Marahan niyang itinulak ang ina.

"I'm going to Italy tomorrow, mom and start searching her body again."

"Son, the case is closed. Namatay din sa aksidente ang bumangga sa inyo at impossible na mahanap mo pa katawan niya. Halos anim na buwang ginalugad ng mga pulis ang lugar pero wala talaga, tanging sunog na sasakyan ninyo ang nakita at malamang kasama siya doon." Mahinang paliwanag nito.

"Mom, gusto kung gawin ito. At dito ako magiging masaya kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ito sa kanya."

Sinisi pa rin niya ang sarili kung bakit umalis pa sila ng gabing iyon. Sana masaya sila ngayon kasama ng magiging anak nila.

Napabuntong hininga ang ina niya saka yunakap at tinapik ang likod niya.

"Kung iyan ang pasya mo at diyan k masaya,"

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon