Nakatitig lang siya sa kisame hanggang ngayon hindi pa rin niya malaman kung ano ang gagawin sa inasta ng binata. Pagkatapos ng party ay hinatid na siya nito sa tinutuluyan niya at habang daan wala silang napagkwentuhan tungkol sa nangyari.
"Ngrrrrrrr! Ano bang gusto niya?"
Saka itinakip ang unan sa mukha niya at ipinikit ang mata hanggang makaramdam siya ng antok.
Kinabukasan maaga siyang bumangon dahil sabado naman at gusto niyang maaliw dahil ito na naman sa isip niya ang binata.
Naka-pantulog pa siya na dumeritso banyo nag-tootbrush saka pumunta sa kusina para maghanda ng makakain. Ubos na nga pala mga stocks niya, naisip niyang mamalengke muna saka magluto hanggang hapunan na.
Humarap siya sa closet at naghagilap nang masusuot. Hindi pa noya ito nabubuksan ng biglang may kumatok sa pintuan niya.
Alas nuebe nang umaga, iyon ang nakita niya sa wall clock niya. Wala naman siyang inaasahnag bisita, inayos na lang ang sarili saka binuksan iyon.
Napaatras siya ng makita kung sino ang kumatok.
"Hi,"
Isang bagong ligo at newly shave ang nakita niyang mukha na tumambad sa kanya. Amoy dib niya ang swabeng pabango nito na nanonoot sa ilong niya ang amoy.
"Blake. . ."
Iyon lang ang nasambit niya.
Ngumiti ito.
"Good morning! Naisipan kung magluto at dito kumain ng almusal baka lang gusto mong mag-join. Mainip din pala mag-isang kumain sa condo. Pwedeng pumasok?" wika nito na maaliwalas ang ngiti nito.
Itinaas ang dalang pagkain saka inabot ang dalang bulaklak.
Ito na naman ang kabog ng dibdib niya. Halos pagpawisan siya sa mga oras na iyon.
"Anong laro ito, Blake!" Singhal niya dito para hindi mahalata ang kaba niya. "Ang aga para mang-inis ka!"
Umirap siya at nakapameywang dito.
"Puwede bang pumasok ka muna bago mo ako sermunan, sweetheart." ngiti nito at napakamot sa ulo.
Medyo naalarma siya dahil sa mga kapitbahay niyang tsismosa na unti-unting lumabas sa apartment nila.
"Pumasok ka na!"
Nakita niya itong malawak ang pagkakangiti.
"This place is nice and cool as always."
"Alam ko," Irap niya dito." Bakit mo ba ginagawa ang mga bagay na ito? Hindi ba at tapos na ang deal natin."
Ibinaba nito ang dalang pagkain at bulaklak sa center table sa maliit niyang salas.
"Ang sungit naman ng sweetheart ko." Wika nito at lumapit sa kanya."Exactly, tinapos mo na at magsisimula tayong muli."
Ngumiti lang ito at muling inabot nag bulaklak.
"Hi, I'm Blake Falcon, and you?"
Napailing siya sa inakto nito at nawala bigla ang inis niya sa lalaki.
"Corny ah! I'm Aliyah Castro."
Sinabayan nito ang kabaliwan nito saka tinanggap ang bulaklak.
"Nice meeting you, Aliyah! Your so beautiful and~"
"Super OA na!" Siniko niya ito ngunit maagap ito kaya halos nakayakap ito sa kanya.
"Ang totoo, nagluto talaga ako ng pagkain para dalhan kita at makita ka." Bulong nito.
BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...