Nagising sa masarap na pagkakatulog niya si Blake nang marinig ang nag-iingay niyang telepono. Wala sa loob na itinakip niya ang unan sa ulo upang hindi marinig iyon.
Subalit, wala yata sa bokabularyo ng tumatawag ang salitang pagsuko, dahil walang patid iyon sa pag-iingay. Padaskol niyang hinagilap iyon habang nananatiling nakapikit ang mga mata.
"Hello?" walang kabuhay-buhay na wika niya.
"Blake, hijo. . . Nasaan ka na ba? Ma-l-late na tayo." Agad niyang nakilala ang tinig kasabay ng pagmumulat ng kaniyang mga mata.
"Why? May usapan ba tayo ngayon?" Sunday at gusto niyang kahit papaano ay makapagpahinga, pero mukhang malabo na iyong mangyari. Napakakulit pa naman ng mommy niya. Hindi ito marunong tumanggap ng sagot na hindi.
"Usapan? Have you forgot that today is Tita Angelina's birthday? Hindi ba sasamahan mo ako?" anitong may himig pagtatampo.
Napakamot siya sa ulo. Ang tinutukoy nitong Angelina ay bestfriend nito. At hindi pinalalagpas ng mommy niya ang kaarawan ng matalik na kaibigan, kahit pa nga halos araw-araw naman silang magkasama. Isa pa, wala talaga itong hilig hatakin sa mga ganoong okasyon kung hindi siya. Busy kasi sa shipping company nila ang kaniyang ama, samantalang isa namang international flight stewardess ang kaniyang kapatid na babae.
"Hijo, are you still there?" untag ng kaniyang ina.
Wala siyang nagawa kundi ang tumayo. "Alright. . . I'll be there in thirty minutes."
Pagka-off niya sa cell phone ay mabilis niyang tinungo ang banyo at nag-shower. Pagkatapos ay nagbihis lang siya ng simpleng green na polo shirt na may tatak na lacoste, at pantalong maong. He also wore his favorite Rolex watch and brought his black sunglasses. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa basement parking at may pagmamadaling minaneho ang Mercedes-Benz niyang sasakyan.
Pagdating sa mansyon nila ay nakaabang na ang mommy niya sa magarbo nilang sala. Magarbo dahil puno iyon ng mamahaling mga gamit; na ang karamihan ay mga antiques mula pa sa iba't ibang bansa, na minsan ay ikinasasakit ng ulo niya. Hindi niya kasi gusto ang ganoong estilo ng disenyo ng bahay nila, na kulang na lamang ay parang mga bahay sa Europe na may mga drawing ang kisame. Para na iyong museo kung tutuusin. At mukhang bumili na naman ng bagong painting ang kaniyang ina.
Napaiiling siya habang lumalapit dito.
"And what's with that long face?" tanong ng moomy niya noong lapitan niya ito at halikan sa pisngi.
"Nothing," maiking tugon niya at iniaro ang braso rito.
Mabilis na kumapit doon ang kaniyang ina. "Just say it," anito habang naglalakad na silang muli palabas ng kaniyang bahay.
"Even of I say it hindi rin naman kayo makikinig. So, I better shut my mouth para wala ng mahabang usapan pa," aniya. Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse.
Pagsakay niya sa driver's seat ay hinarap siya ng ina. "Ano nga iyon?" pangungulit pa rin nito.
Napailing siya, bago minaniobra paalis ang sasakyan. "I was just thinking that you were spending too much on different things. Nagiging parang museo na ang bahay natin sa mga antiques at paintings na binibili ninyo," hindi na napigilang siwalat niya. Alam niyang hindi siya titigilan ng ina sa katatanong nito.
Umingos ito. "And what would I do? You know I love collecting things. That's my only hobby."
Tama naman ang kaniyang mommy. Iyon lang talaga ang hilig nito, maliban sa pagluluto na first love nito. Siya na rin kasi ang nag-aasikaso ng restaurant nito sa Italy. Pamana pa iyon ng mga magulang nitong Italyano.
His mother is a three-fourths Italian. Ang nanay nito ay isang half-Filipino at half-Italian. Nakilala nito ang daddy niya sa mismong restaurant ng mga ito noong minsang nagbakasyon doon ang kaniyang ama. And now, she's living here on his father's country. O mas tamang sabihin mag-isa itong naninirahan sa mansyon nila, dahil abala silang tatlo ng kaniyang ama at kapatid sa mga trabaho nila. Nito nga lang ay lumipat siya dahil nakukulitan na rin siya minsan dito. Now, he felt guilty leaving her alone.
BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...