Chapter 14

175 9 1
                                    

Lumipas ang araw at mga linggo palagi pa rin niyang naiisip ang binata.

Simula ng tapusin niya ang deal hindi na siya kinulit nito. Hanggang doon na lang talaga siguro ang bagay na iyon.

Bakit ba siya aasa? Bulong sa sarili.

Nasa mall siya noon para mag-relax, balak niyang  magpa-massage pero nagugutom na siya.

Umikot siya sa kabilang corner para maghanap ng makakainan nang may tumawag sa kanya.

"Aliyah!" Masayang  wika ng isang lalaki na kasalubong niya.

Lumingon siya sa likuran pero walang ibang tao kundi siya lang ang kasalubong.

"Aliyah, yes. . .you!" Ngiti nito ay hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya. "It's me, Francis."

Nakatitig din siya sa lalaking kaharap.  

Saan ba niya nakilala ito? Sa dami ng taong nakasalamuha  hindi niya matandaan ito.

"Your former classmate, noong third year college tayo pero nag-drop na ako dahil sa ibang bansa na ako nag-aral kasama ng parents ko." Nakangiti pa rin ito.

Biglang nag-reflect sa kanya ang patpating binata noon. Infairnes, nagkalaman na ito at mukhang may maayos na trabaho ito dahil sa kasuotan nito na tila isang boss ng malaking kompanya.

"Francis Salvador. . ." napangiti siya. "How are you?" Wika niya ng mamukhaan ito.

"Yeah! It's me, Aliyah, ikaw nga!" Mas malawak na ngiti lalaki." I'am okay."

"Sorry, hindi agad kita nakilala." Ngumiti siya.

"You mean. . .I'm looking good now?" Anito na tila nagbibiro.

"Parang ganoon na nga." Tugon niya dito at medyo mapangiwi siya.

Tumingin ito sa relo.

"Can you give a little time? Para makipagkumustahan saiyo. Are you alone?  I mean. . .you have a date?" Sunod-sunod na tanong nito.

Natawa siya, andoon pa rin ang ugali ng lalaki na halatang kinakabahan habang kaharap niya. Nagparamdam sa kanya ito noon pero tinanggihan  at pinagtapat niya na hindi pa siya handa sa ganoong bagay at tinanggap ng lalaki iyon noon.

"Wala ka bang ibang lakad? I mean, sa suot mo parang may business trip ka." Wika niya.

"Kakatapos lang at pauwi na rin, pero swerte ko nakita kita, Aliyah. You are so pretty and totally blooms." May paghangang wika nito.

Hindi niya alam kung tatanggapin niya ang papuri na iyon dahil bigla siyang nahiya.

"Naging bolero ka na rin." Sagot niya na ngumiti dito.

"No, I'm telling the truth." Nagniningning ang mga mata nito habang nagsasalita. "By the way, let's take a lunch, my treat."

Nakita niya ang mata ng lalaki na nakikiusap.

Total, nagugutom na rin siya pinagbigyan niya ang alok nito.

Pumasok sila sa isang pamilyar na restaurant. Parang gusto na niyang umatras pero hinawakan siya nito sa kamay at pumasok na sa loob.

"This way sir," magalang na wika ng isang waiter.

Umupo sila at ibinigay agng menu.

"Aliyah, what's your order?" untag nito. "Dito ako madalas kumain kapag napapagawi ako dito. The foods are delicious and rare ang lasa."

Ngumiti siya at pumili ng kakainin.

Mga twenty minutes silang nag-intay.

Isang lalaki ang lumabas mula sa loob at dala ang pagkain. Nakasuot pa ito ng chef cap.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon