Masayang gumising si Aliyah kinabukasan. Napapayag niya kasi si Blake na magkunwaring manliligaw niya at ito maging partner sa kasal ng kaibigan ni Thaira.
Ngunit, may kapalit din iyon- ang ipakilala siya sa ina nito, na ayon sa kwento ng binata ay matagal na itong kinukulit na makipag-date. Kaya for the exchange and for the sake of having a date- pumayag siya. Wala rin namang mawawala. Nataon namang kailangan nila ang isa't isa. So, it's a fair deal.
Masaya ang araw niya dahil tapos na ang problema niya. Sa mga oras na iyon, hahayaan na lang niya na umayon ang panahon sa kaniya.
Ngumiti siya nang matamis habang inaayos ang mesa niya. Maya-maya, nakarinig siya ng mahinang katok sa labas ng cubicle niya. Napaangat ang kaniyang mukha.
"Yes?" nakangiting wika niya sa babaeng kaharap. "Lilybeth, ikaw pala." Secretary ito ng boss niya.
Mabilis siyang tumayo at iginiya ito papunta sa table niya.
"May meeting kami ni Sir sa mga shipping line, kasama ng mga manager at sales. Balak ni Sir na isama ka."
Napakunot ang noo niya. Anong kinalaman ko sa transactions na iyon?
Pero sa halip na itanong iyon ay iba ang lumabas sa bibig niya. "Kailan daw iyan? At talagang kasama pa ako?"
Napangiti ito sa kaniya. "Yes. Kailangan nating makahatak ng mga client, at para magawa iyon, kailangan natin ng magaling na shipping line para makarating nang maayos ang mga shipment ng ating mga kliyente. I think, pag-uusapan pa kung kailan mag-set ng meeting."
Napatango siya. "Sige. Sabihan mo ako para maayos ko ang portfolio ng company."
"Alright, mauna na ako." Tumayo ito at iniikot ang mga mata sa paligid. "Hindi ka pa ba uuwi?" pagkuwa'y tanong nito.
Napatingin siya sa relo niyang pambisig. Pasado ng alas-singko na pala. Halos hindi na niya namalayan ang oras.
"Uuwi na rin. Aayusin ko na lang ang mga ito," aniya na inginuso pa ang ilang folders na nasa ibabaw ng kaniyang lamesa.
Tumango ito saka nagpaalam sa kaniya.
Mabilis niyang inayos ang mga gamit at pinatay naka-on na computer. Hindi naman siya napagod maghapon dahil wala naman siyang masyadong gawa. Himala nga dahil pakiramdam niya sa araw na iyon ay napakagaan lang. Chill-chill kumbaga.
Epekto pa ba ito ng pag-uusap nila ni Blake kahapon?
Natawa na lang siya sa sarili.
"Pauwi ka na po ba, Ma'am Aliyah?" Malawak ang ngiti ng security guard sa kaniya pagdating niya sa lobby.
"Opo," tipid niyang tugon.
Ang ngiti ng kaharap ay hindi mawala-wala. Tumingin pa ito sa isang bahagi ng lobby kung saan naroon ang waiting area. "Kanina pa po si Sir diyan na nag-iintay sa iyo," anito.
Napakunot ang noo niya na sinundan ng tingin ang tinutukoy nito.
"Blake?" Anong ginagawa ng lalaki rito at paano nito nalaman ang workplace niya?
Tumayo ito at lumapit sa kaniya dala ang isang bungkos na bulaklak. "Hi, Love! For you." Sabay halik nito sa noo niya.
Nataranta siya sa ginawi nito at mabilis na hinila sa isang tabi. "Anong ginagawa mo at bakit mo alam ang place na ito?" pabulong niyang tanong dito.
Natawa ito nang bahagya. "Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin kahapon?"
"Pero hindi ko naman sinabi na agad-agad. Saka, bakit hindi ka man lang nag-text or tumawag?" asik niya rito.
BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...