Chapter 18

185 10 6
                                    

Iginala niya ang paningin sa paligid, iba ito sa bahay na pinuntahan nila noon ng binata. Malawak at mas kakaiba ang mga gamit dito, kung sa isang bahay puro makabago dito mo naman makikita ang antique na bagay pero napakagaganda nito. Parang pinaghalong classical at historical ang bahay na ito. Kung bahay ngang tawagin, mukhang isang mansion ito.

"Buon Pomeriggio,Ciao!" Mula sa hagdanan." Where's Blake, hija?"

Napangiti siya dahil sa fluent ng Italian accent ng matanda.

"Magandang araw din po," Tugon niya sa ina ng binata, mabuti na lang at may naintindihan siyang kaunting Italyanong salita. "Nasa taas po may kukunin lang daw saglit"

Nagbeso siya sa ina ni Blake.

"Okay, doon na lang natin siya hintayin sa hapag kainan. Nag-iintay na sila doon."

Nagtaka siya, sinong sila tinutukoy nito.

Sumabay na lang siyang maglakad na tila isang reyna ang sinusundan niya. Hindi niya alam na ganito pala kayaman ang pamilya ng binata.

Pagdating doon nakita niya ang ama nito na kausap ang isang lalaki at isang gwapong bata.

"Magandang araw po sa inyo."

Nagumiti ang mga ito.

"Where's Kelly?"

Nagtataka ang ina.

"Where here mom!" Mula iyon sa likuran nila.

Nilingon niya iyon at nakahawak sa braso ni Blake.

Tila nawalan ng kulay ang mukha niya ng makita ang babaeng kasama ni Blake noon sa restuarant.

Bakit ganoon ang tawag nito sa ina ng binata at nakahawak ito sa braso nito at napakalambing ng tingin kay Blake.

"Mabuti naman at pinagbigyan mo ako."Himig na tampo ng matanda. "Siya nga pala, Aliyah, she is Kelly panganay kung anak, si Frank ang asawa niya at Kaiden ang anak nila."

Tila napahiya sa sarili nang masagot ang lahat ng katanungan sa isip niya.

Kapatid ng binata ang babae?

"Nice to meet you, Aliyah! Nawa'y ikaw na ang magpatino sa kapatid ko." Kumindat ito sa kanya.

Napatingin siya sa binata at lumapit sa kanya.

"It's clear now?" Bulong sa kanya ng  binata.

Namula ang pisngi niya. Bakit tila alam ng binata ang iniisip niya. Isang palihim na kurot sa tagiliran ang ginawa niya saka nagbeso sa kapatid.

Natawa ang binata.

"Nice meeting you po,"

Ramdam niya ang mahinang tapik sa likod niya.

"Kelly na lang, It's old with po sa dulo." Mahinang tawa nito.

Tumango siya at ngumiti dito.

"Lets eat everyone." Boses ng ama ni Blake.

Masayang nag kwentuhan ang lahat. Masaya siyang makilala ang pamilya ng binata parang mas matured pa ang binata sa ate niya.

*****

Pagkatapos ng pananghalian nagpaalam na sila sa pamilya ni Blake.

Ngunit napakunot ang noo niya ng dalhin siya nito sa restaurant kung saan sila unang nagkita at nakabangga ito.

"Blake, akala ko ba uuwi na tayo?"

Lumingon ito sa kanya.

"Not yet, " maikling wika nito.

Ngumiti ito at pinagbuksan siya ng pinto matapos nitong mag-park at inalalayan papasok ng restaurant.

Napakunot ang noo niya. Nakita niya ang set ng table sa bahaging kaliwa. Napakaganda noon at eleganteng tingnan.

"Aliyah Castro, can you be my date today?"

Malawak ang ngiti nito sa kanya.

Biglang timibok ang puso niya at napahawak siya sa dibdib nang tingnan niya ito.

"Blake! Hindi ko maintindihan ang mga ito?"

Kahit alam na niya ang pinapahiwatig nito mas gusto pa rin niya na manggaling sa bibig ng binata.

"Since day one here, exactly the day we met before, I want to erase all your doubts and bad things that  happened.that day. You hook me up; I was pretending, but when you entered that door, I was staring at you all the time. So, gumawa ako plano para mapansin mo at yun ay banggain ka."

Alam niya ang ginagawa niya pero hindi siya binakikan?

"Ang gusto ko lang talaga mapansin mo ako, that's it. But, I see you again at the bar and the party of Tita Agelina. At maging blind date tayo, lagi tayong nagkakatagpo kaya sabi ko sa sarili ko. Ito na ang sign na nakaharap ko na ang babaeng mamahalin ko at ihahrap sa altar. Kaya ngayon pa lang mag-start na akong ligawan ka. "

Nakita niya ang seryosong mukha nito at hinawakan ang kamay niya.

"Aliyah, can I court you and be my date?"

Sa bilis ng tibok ng puso niya hindi siya makahinga. Gusto niyang sumagap ng hangin kaya imbis na sagutin ang binata. Tumalikod siya at muling lumabas ng restaurant.

Nang maramdaman niya ang hangin tila biglang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya.

"Aliyah?"

Boses iyon ng binata at malungkot.

Nilingon niya ito, ilang linggo na din siyang pinag-iisip nito at hindi pintulog.

Panahon na para pagbiyan niya ang sarili niya.

"Blake. . .sorry~"

"It's okay, I know you are dating with Francis pero pinipilit ko pa rin sarili ko saiyo..Let's go! Ihahatid na kita."

At tumalikod ito at tinungo ang sasakyan kung saan ito nag-park.

"Blake! I'm not dating Francis. Ang pagkikita namin noon ay aksidente lang at nahiya lang ako hindi siya pagbigyan. He is my old classmate, yun lang."

Paliwanag niya.

Sumuko na ba agad ito?

Mukhang mali siya ng pasya na bigyan ito ng tiyansa na mas kilalanin pa ito. Hindi siya sumunod dito at tumalikod na lang din. Humakbang siya palayo ng restaurant na iyon sabay tulo ng mga luha niya.

Gusto niyang pigilan ito pero tila kusang bumagsak ang mga iyon.

Bago pa siya makatawid sa kabila biglang may humila sa kanya pabalik at niyakap siyang mahigpit.

It was Blake! Embracing her so thight.

"I'm sorry. . .I'm happy to hear na wala kayong relasyon ng Francis na iyon. And, bakit ka nag-walk out?" Anito na dahan-dahan pinunasan ang mga luha niya. "Hush . . ."

Umirap siya dito.

"Hindi pa nga ako nag-oo, mukhang sumuko ka na! Bitawan mo nga ako!"

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

"At sinong may sabi na sumusuko na ako?"

Nakita niya ang ngiti sa labi nito.

"Ewan ko saiyo! Ihatid mo na ako."

"Paano ang date natin? At hinihintay ko pa ang approval mo, sweetheart." Mas humigpit yakap nito sa kanya." Or, sa oras na ito. . .you are my girlfriend."

Patuloy nito.

"Tumigil ka nga, mangligaw ka muna!"

Irap niya dito.

Nanglaki ang mata nito at biglang umaliwalas ang mukha.

"You mean. . .pumapayag ka na na mangligaw ako saiyo?"

"Blake! Isang tanong pa at babawiin ko ang sinabi ko!"

"Sabi ko nga, nag-oo ka! Let's go inside at ituloy na natin ng date natin."

Inalalayan muli siya ng lalaki papasok ng restaurant.




Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon