Chapter 15

181 9 5
                                    

"Pare, anong okasyon at nagyaya ka sa bar na ito?" Tanong ni Brian, ang matalik niyang kaibigan.

"Nothing!  I just one to relax." Tipid niyang ngiti habang iniikot ang baso na may lamang alak.

Tumawa ito.

"Pare, kilala ko ang galawan mo mula ulo hanggang paa." Pang-asar nito. "Asan na ang chikababes na hinatid mo, balita ko pinakilala mo na siya kay tita? Mukhang seryoso ka sa kanya ah! Cheers!" Sabay taas din ng baso nito.

Matamlay niyang itinaas ang baso at ininom iyon ng deritso.

"She closed our deal!" Sagot niya na nilagyan muli ng alak ang baso.

"What?! I mean, nag-uumpisa pa lang kayo binasted ka kaagad?" Katyaw nito. "Blake Falcon, a handsome, rich and young bachelor in town nakatikim ng basted sa isang babae!"

Medyo natamaan siya sa sinabi ng kaibigan. Totoo na ngayon lang siya nakadama ng ganito. Akala niya kapag binigyan ng bulaklak ang isang babae at unaayon sa gusto nila ay ayos na.

Pero, bakit iba kay Aliyah? Bakit natatameme siya at sumusunod lang sa gusto nito. Noong una niya itong makita sa restaurant ng makabangga niya ay nabighani agad siya dito. Nasundan pa ito noong party ng kanyang Tita Angelina, mas lalo siyang nakadama ng atraksyon sa dalaga. Mas lalo siyang natuwa ng ito ang sinasabi ng ina na blind date ito sa tulong ng Tita Angelina niya. Kaya pinagbigyan niya ang mga ito.

Mas natuwa siya ng magkaroon sila ng deal ng dalaga. Ginamit niya iyon para makilala ng lubos ang dalaga pero nagtaka siya ng biglang tapusin nito ang deal na iyon. Wala siyang ideya kung bakit.

Yes! Noong una akala niya pride ang nasaktan sa kanya, kaya hinayaan niya ito at bibigyan ng space.

"Hey! Are you with me?" untag ng kaibigan."Sabi ko na nga ba at babae ang problema mo, pare."

Mga malulutong na tawa ang narinig niya dito.

"F**k you!" Saad niya dito at saka muling ininom ang alak na hawak.

"Dahan-dahan lang pare, ibahin mo ang strategies mo. Baka hindi na gunagana ang mga old moves mo kaya at binasted ka."

Napailing siya.

"Dadamayan mo ba ako o papauwiin na lang kita." Singhal niya dito.

"Sabi ko nga, iinom lang natin iyan, pare! Maraming babae dito at mag-uwi tayo mamaya. Sabi nila may mga bago sila at fresh,  so,  let's try it!" Sabay taas muli ng baso nito.

Pero wala siyang ganang makisabay dito ngayon.

Gusto lang niyang maalis sa isip kahit sandali ang dalaga.

*****

Napakunot ang noo niya ng makilala ang dalawang pares na tila magkasintahan, masayang nag-k-kwentuhan habang papasok. Nasa office siya noon at may hangover pa kagabi, halos tatlong linggo na siyang laman ng bar na iyon para lang aliwin ang sarili. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip ang dalaga at heto ngayon at may kasamang iba.

Tumayo siya at muling tiningnan nag cctv, nag-o-order na ang dalawa kaya nagpasya siyang bumaba at nag deritso sa kitchen.

"Magandang araw, sir!" Wika ng master chef nila.

"Magandang araw din. Madami bang orders ngayon?"Inikot nag tingin saka nilingon ang dining area.

Palapit na ang waiter na nag-assist sa labas.

"Magandang araw po," Magalang ba wika sa kanya nito at ibinigay sa master chef ang order." For table 3, Mr. Salavador's order."

Mabilis na kinuha iyon.

"Ako na dito at ako na din ang mag-serve," maiksing wika niya.

Napatingin sa kanya ang waiter at chef.

"Sir?" Napamaang ang dalawa na sabay pa.

Natawa siya sa reaksyon ng mga ito.

"Do other orders and I can manage this! Go!"

Mabilis naman kumilos ang mga ito.

Mga ilang minuto niyang inayos ang mga pagkain, huli niyang ginawa ang shake saka inihatid ito.

Nag-pretend nabigla ng makita ang dalaga pero ang totoo gusto niyang hilahin ito sa loob ng opisina nila at tanungin kung bakit.

Pinigilan niya ang sarili ng sandaling iyon.

Nakadama siya ng matinding inis habang inayos ang mga pagkain  at nagpaalam sa mga ito.

Nang makita niya ang dalaga n pumunta sa wash room ay sinundan niya ito.

"How's your date?"

Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.

Nakita niya ang mga mata nitong tila nalilito at nakakunot ang noo sa pumikit.

Napatitig siya sa mapupulang labi ng dalaga, gusto niyang yakapin at hagkan ito.

Bakit sobrang na-miss niya ang presensiya  nito pero may narinig siyang yabag at inalis ang pagkakatukod niya sa pader.

Naramdaman na lang niya na umalis ang dalaga at lumabas ng restaurant.

"Sh*t! Ano bang nangyayari sa akin?"

Mabilis na pumasok sa opisina at pabagsak na umupo sa sofa at hinawakan ang sintido saka pumikit.

"Dios Mio, hijo! Ang sabi ng kapatid mo gabi-gabi ka na lang sa bar at punapasok dito ng may hangover pa!"

Malakas na tinig ng ina mula sa nakasarang pintuan. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at tumayo.

"Mommy, kakarating mo lang sermon agad narinig ko."

Tumayo siya at lumapit dito saka humalik sa pisngi.

"Blake! Huwag mo akong artihan ng ganyan. Anong bang nangyayari saiyo? Bumalik ka na lang sa bahay." Nakahalikipkip ito at inikot ang mata sa paligid. "Nag-away ba kayo ni Aliyah? Ilang araw ko ng sinasabi saiyo na imbitahan mo ulit siya sa bahay or sa sunday na lang. Pauwi ang ate mo kasama ang mag-ama niya."

Mas lalo yatang sasakit ang ulo niya.

Paano niya gagawin kung hindi na sila nagkikita nito.

"Ang daddy mo andoon din sa linggo, magpapaluto nag ng mga favorite ninyong pagkain." Patuloy ng ina niya.

Mukhang hindi tatanggap ng "No" na sagot ang ina niya at seryoso ito sa sinasabi nito.

"Siya nga pala may ipapadala akong painting dito sa office. Ilagay mo dito para naman may view kang nakikita kapag mag-isa ka lang dito at hindi puting dingding lang makikita mo dito."

"Mom, pwedeng sa bahay na lang iyon." Napakunot noo niya.

"Kung ayaw mo dito, mas better na sa kwarto mo na lang iyon pero mas maganda kung dito iyon." Seryoso pa rin ito sa sinasbi. " Sige, mauna na ako. Dumaan lang ako dito para kumustahin kita. Ayusin mo nga sarili mo at ayusin ninyo kung ano man problema ninyo ni Aliyah. See you on sunday with her."

Humalik ito sa kanya bago tuluyang lumabas, napailing siya.

Muli siyang umupo sa sofa at hinilot muli ang sintido at pinikit muli ang mga mata.

Kailangan na niyang kumilos baka maunahan pa siya ng Salavador na iyon. Pakiramdam niya na nagsasabi ng totoo ang lalaki.

Tumayo siya at tumuloy sa condo niya.

*****

Limapas ang isang araw at talagang hindi na siya pinatulog ng dalaga. Mas lalo pa siyang nangulila dito.

Natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng opisina nito.

Alas singko pa lang nang hapon at nandoon na siya, bumaba at naghintay sa lobby dala ang isang bugkos na bulaklak na nakasanayan niya.

Bahala na!

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon