Chapter 3

260 10 2
                                    


Pagdating niya sa apartment, agad niyang tinungo ang banyo at mabilis na nag-shower. Pagkalabas doon ay nagbihis siya ng oversized dress na nakasanayan na niyang ipangtulog. Inayos niya ang sarili saka nahiga sa kama. Pipikit na sana siya nang maaala ang mala-hollywood actor na lalaking iyon na kinainisan niya sa resto bar kanina. Nag-init ang katawan at may kakaibang  kabog sa dibdib siyang nadama.

Siguro mas gwapo ang lalaki kung nakaharap ito. Dahil kung gaano kakisig ang likuran nito, malamang ganoon din ang mukha nito.

Pero baka naman gwapo lang kapag nakalikod, sulsol ng kabilang bahagi ng isipan niya.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba ang lalaki ang iniisip niya? Bastos nga ang taong iyon kaya ekis na agad sa kaniya.

Napabangon siya sa kama at kinuha ang dummy phone niya. Binasa niyang muli ang mga messages doon.

“How are you tonight? Dream of me,” anang makulit na sender na kanina pa nagpapansin sa kaniya.

Napakamot siya sa noo. Binasa pa niya ang mga mensahe at napagdesisyunang pumili ng lima sa mga iyon.

Bahala na. Siguro naman may matino sa mga napili niyang iyon.

Bago matulog, nag-set muna siya ng alarm sa cell phone niya. Maaga pa kasi siyang makipagbabakbakan sa traffic kinabukasan.

Pero hindi agad siya nagising kinabukasan. Kaya para siyang ipo-ipo sa bilis ng mga kilos. Halos limang minuto niya lang na inihanda ang sarali. Hindi na siya nagbaon dahil wala naman siyang lulutuin. Ipinaalala na lang niya sa sarili ang pag-gr-grocery mamaya, kapag may natitira pa siyang oras.

Agad niyang hinagilap ang susi ng kaniyang apartment. Palabas na sana siya ng bahay nang tumunog ang cell phone. Hinalungkat niya ang bag pero hindi iyon makita.

“Holy Shit!” Inis na binalikan niya iyon sa ibabaw ng kamay. Pagkuwa’y malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan palabas. Thirty minutes na lang kasi at time na. Ma-l-late siya sigurado kung hindi siya makasasakay agad ng taxi.

Tiningnan niya ang kanina pa tumunog na aparato. Si Thaira iyon. Hindi na sana niya sasagutin pero naka-tatlong missed calls na ito.

“Hey, baby girl!” wika nito sa kabilang linya.

“Yes, sweetie!” Nature na yata nila ang tawagan ng kung anu-ano kapag nag-uusap.

“Let’s go outside today! I have a new condo on Macapagal Boulevard. Come with us!” masayang balita nito.

“Today? But I have work,” sagot niya na inayos ng padlock ng bahay.

“Are you sure? It’s Saturday today. You have a new racket?” nagtatakang tanong nito.

Napanganga siya.

“Oh!” Malakas niyang natampal ang noo.

“Why?”

“I really thought it was Friday, for god’s sake!” Hinang-hinang binuksan niya muli ang pintuan at pumasok sa loob. Pabagsak niyang iniupo ang sarili sa sofa.

Napahalakhak si Thaira sa narinig. “You need some fresh air, baby girl! Meet me here!’ Muli niyang narinig ang paghagikhik nito.

“I think you’re right. Sige, palitan ko lang ang damit ko at pupunta na ako riyan.” Tumayo siya at muling ibinalik ang mga dala sa cabinet.

“Let my driver pick you up there,” anito.

“Okay, thank you. See you!” sagot niya sa kaibigan saka nagpaalam.

Nakarating siya sa sinasabi nitong bagong biling condo. Kahit matagal na niya itong kaibigan, nabibigla pa rin siya sa karangyahan mayroon ito. Hindi pa rin kasi siya sanay roon.

Pagpasok niya ay nakita niya si Charlotte at Nicole. Hinanap niya si Jhen pero wala ito. Siguro, naka-duty pa. Medyo maraming bisita ang kaibigan niya dahil pa-bless pala iyon ng condo nito. Agad siya nitong nilapitan at ipinakilala sa mga naroon.

Matapos ang blessing ay nagkayayaan sila sa resto bar sa ibaba ng gusali. Doon din kasi mismo ang reception ng pa-blessing nito.

“Enjoy today! Baka rito mo na mahanap ang pwede mong madala sa kasal ko,” siko ni Thaira sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan.

“Hey! Look at that guy! He is single and a friend of mine. I want to introduce him to you personally. Come on!” wika ni Charlotte sa kaniya. Agad siya nitong hinatak sa kamay.

Palinga-linga ang lalaking bagong dating. Kinawayan ito ni Charlotte para makita ang kinaroroonan nila. Nakita niyang nakangiting nagkibit-balikat si Thiara sa kanila. Sa dulong bahagi naman ay busy si Nicole at ang boyfriend nito.

“Teka lang baka hinahanap ka ng boyfie mo, darling!” bulong niya kay Charlotte.

“It will only take a little time for him to understand that,” ganting bulong at ngumiti ito.

Hindi na lang siya nagsalita hanggang sa makalapit ang lalaking hinihintay nila.

“Hey, Carlos! How are you?” ani Charlotte sa lalaki.

“Hello! Thanks for inviting me here! Where’s Thiara?” sagot nito na nagbeso sa kaibigan niya.

Parang mas malandi pa ito sa kaniya kung titingnan niya.

“Busy sa mga bisita.” Hinarap siya nito sabay kindat. “By the way, this is Aliyah, our friend. And Aliyah, this is Carlos,” pakilala ni Charlotte sa kanila.

“Hi, Aliyah, nice to finally meet. I heard your name so many times,” ani Carlos sa kaniya.

Tiningnan niya ito at bahagyang ngumiti.

“Mabuti at naging kaibigan mo sina Charlotte? Sa style mo palang, alam kong simpleng buhay lang ang mayroon ka,” dagdag pa nito na may pagka-prangka rin.

Nakita niyang napangiwi si Charlotte. Pakiramdam niya nawalan siya ng ganang kusapin pa ito.

“But your so cute and beautiful. Do you have a boyfriend?” tanong nito nang hindi siya sumagot.

Mas lalo lang siyang natahimik at umasim ang mukha, kaya agad nitong inilayo ang lalaki sa kaniya.

“Ang mabuti pa siguro, kumain na muna tayo,” anito sa lalaki. “Sorry, samahan ko muna siya kumain,” nakuha pa niyong ibulong sa kaniya.

“Much better, darling. Halata kasing gutom na siya,” sarkastikong tugon niya sa kaibigan.

Ngumiti lang ito bago siya iniwan sa pwesto nila.

Nakahinga naman siya nang maayos nang mawala ang mga ito. Isa pa sa kinaaayawan niya ay mahahangin at matapobreng tao. Halatang ganoon ang lalaki sa tipo ng pananalita nito kanina. Kaya kahit ang kaibigan niyang si Charlotte ay hindi iyon nagustuhan.

Napailing siya. Naisipan niyang pumunta sa banyo para mag-retouch. Tumitig siya sa salamin at inayos ang buhok niy. Naglagay siya ng lipgloss, bago tumagi-tagilid sa harap ng salamin. Sinigurado niyang maayos pa ang damit niya, para naman hindi siya masabihang simple.

Nang okay na ay lumabas na siya ng banyo. Hindi niya napansin ang paparating na bulto kaya nabangga siya rito. Malakas na tumama ang hinaharap niya sa dibdib ng lalaki, kaya naitulak niya ito palayo. Pero nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at mabilis kumilos ang kung sino mang iyon. Agad siya nitong hinapit sa bewang.

Pagtingin niya sa kaharap ay napanganga siya sa angking kagwapuhan nito. Ang mala-agila nitong mga mata ay tila nanunuot na nakatitig sa kaniya. Ang mapupulang labi nito ay mariing magkadikit, na kung ibubuka nito iyon ay hindi siya mangingiming halikan ito. Matangos din ang ilong ng lalaki. Hindi ito kaputian pero bagay na bagay sa malaking pangangatawan nito.

Biglang may nag-flash na alaala sa isip niya na nagpalakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Pamilyar kasi ang bulto nito kaniya.

Nagulat siya nang mula sa likuran ay may bumundol sa kanila.

“Get a hotel room and continue that!” inis na bulyaw sa kanila ng maarteng babaeng dumaan.

Naitulak niyang bigla ang lalaki.

“Excuse me! Gumilid ka kasi. Alam mo naman na makipot ang daan,” inis niyang sita rito.

“So, ikaw itong naunang bumangga, tapos ikaw pa itong galit? I want to you to apology first.” Saka nito pinag-cross ang mga braso sa dibdib at muling humarang sa daraanan niya.

“And who you!” Mabilis niyang itinulak ang lalaki at bumalik sa pwesto nila.

Napahabol na lang ng tingin dito si  Blake, pagkuwa’y iiling-iling na lumabas sa bar na iyon. Bumalik siya sa itaas kung saan naroon ang bagong bili niyang condo.

Pagdating sa loob nakita niyang halos kompleto na ang gamit doon. Sa kabilang sulok, mayroong personalized na silid para gawing office niya. Isang malaking kama, living room at kusina. Perfect para sa katulad niyang gusto ay tahimik na mundo, lalo pa at lagi siyang kinukulit ng kanyan ina na mag-asawa na.

Sa edad na thirty-five ayaw pa niya ang ideyang iyon. Masarap ang buhay binata, walang inaalalang responsibility at busy siya sa business niya.

Lumabas si Blake sa balkonahe para sumagap ng hangin. Kita niya ang mga pula at puting ilaw ng kalsada sa ibaba na tila christmas lights.

“Still traffic.” Umiling-iling siya.

Isa iyon sa naging dahilan kung bakit napabili siya ng condo nang wala sa oras. Mas convenient kasi ang kinaroroonan niyon, malapit sa kompanya niya. Bukod pa roon, masarap ang simoy ng hangin dahil napaliligiran ng mga puno at man-made park. Kaya walang masyadong polusyon. Tahimik din at malinis. He can live there with a peaceful mind.

No stress.

“No more stress,” bulong niya sa sarili.

Just One DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon