Pagpasok nila sa restaurang na iyon sa Makati, nakita agad nila ang mga kaibigan. Masaya silang sinalubong ng mga ito ng yakap.
"My dear Aliyah!" bungad ni Thaira sa kaniya.
Pakiramdam tuloy niya siya ng bunsong kapatid ng mga ito.
"How are you?" sabay na tanong nina Nicole at Charlotte.
"I'm fine. Para namang hindi tayo nagkita noong isang linggo," aniya.
Nagtawanan ang mga ito bago sila inaya sa kanilang table. Panay pa rin ang kwentuhan hanggang sa magsimula silang kumain. Kung ano-ano rin lang naman ang pinag-uusapan nila. May tungkol sa trabaho at iba pang hanash sa buhay.
"Nicole, nasaan pala si Khielle?" tanong ni Jhen sa boyfriend nito.
"Out of town. May project sila ngayon sa Benguet," sagot ni Nicole.
"Ikaw Charlotte, nasaan si Izer?" si muli ni Jhen. Para itong imbestigador kung makatanong sa mga kaibigan nila.
"Nasa bahay nila sa Tagaytay, ipinapa-renovate isang resort nila roon. Bukas pa uuwi," sagot nito na sumimsim ng juice mula sa hawak na baso.
"Ikaw, Thaira, balita ko may sasabihin ka?" Binalingan niya ang kaibigan. Alam niyang tatanungin din ito ni Jhen, kaya inunahan na niya.
"Oo nga pala! Speaking of Thiara! Ano bang sasabihin mo sa amin?" ani Nicole
Si Charlotte ay mukhang alam na ang magandang balitang iyon, dahil sa ngiting hindi maalis sa mga labi nito.
Huminga nang malalim si Thaira. Itinaas muna nito ang kaliwang kamay at pakunwang idinampi sa noo. Hantarang ipinakita kung ano ang naroon.
Nanlaki ang mga mata nila nila sa sobrang gulat.
"Me and Azerick got engaged last week in Paris!" tili nito.
Napatili na rin sila.
"Wow! Congratulations to both of you!" panabay na wika nilang tatlo.
"And you know what guys?" Nagniningning ang mga mata nitong tiningnan sila isa-isa. Larawan sa mga mata nito ang excitement.
"What is that?" excited na tanong niya.
"Next month will be our wedding! So, please prepare yourself with your husbands and boyfriends, because lahat kayo, abay sa kasal ko!" mangiyak-ngiyak na wika nito.
Nawala ang excitement na nadarama niya nang matuon sa kaniya ang atensyon ng lahat.
Napakunot-noo siya. "Bakit?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.
Tumikhim si Charlotte. "Thaira said, we must bring our partners. So, how about you, dear?" nakalolokong tanong nito sa kaniya.
"Di magdadala ako. Ano ba kayo!" Bigla siyang nauhaw sa isinagot niya. Kaagad niyang kinuha ang basong may lamang tubig at ininom iyon.
"Boyfriend! Not chaperon, bhe!" ani Jhen na diniinan pa ang unang salita.
Muntik na siyang mabilaukan ng ininom na tubig.
"Oo nga naman, boyfriend, not chaperon," segunda ni Nicole.
"Walang pupunta sa kasal ko na walang kasamang boyfriend. Kung wala, huwag na lang dumalo kasi ma-a-out of place lang, Right, Aaliyah?" nakataas ang kilay na wika ni Thaira nang balingan s'ya.
Napaawang ang mga labi niya. Ramdam na rin niya ang pamamawis kahit pa nga napakalamig ng aircon sa kinaroroonan nila. Mukhang tahimik na napagkasunduan ng mga ito na gisahin siya.
"So, paano na? Hindi pwedeng mawala ang isa sa atin dahil may parusa iyon," seryosong wika ni Jhen.
"Oo na! Oo na! Sasagutin ko na ang manliligaw ko!" sumusukong wika niya. Nag-iisip na agad siya kung sino ba ang ihaharap sa mga ito dahil wala naman siyang manliligaw kahit isa. Tumigil na iyong huli noong nakaraang buwan pa.
BINABASA MO ANG
Just One Day
RomanceWhen Cupid came knocking, hindi mo na raw iyon mahihindian pa. Pero iba si Aliyah, na ang tanging alam lang yatang gawin sa buhay ay magtrabaho. Subalit, nang hamunin siya ng mga kaibigan, nasaling ang pride niya. Kaya ora-mismo, nakipag-blind date...