Chapter 4: Sweet Moments

163 3 0
                                    

"Hoy! Anong muka yan? Tulala lang?" sabi niya sa mukha ko

Tsk. Tapos na pala yung flashback. Kilig na kilig ba ko sa nangyari? Hahah parang medyo lang. Nahiya pa!

"Nga pala sabay tayo pumasok bukas ah, subukan mong tumakas hahalayin kita!" pagbabanta niya

"Gago! Oo na, wag ka lang malelate ah."

"Yess boss!" with matching saludo pa yan ha.

Baliw talaga! Inapura ko na pagkain ko.

"Kent akyat na ko, ikaw na bahala dyan ah. Tutal naman pangatlo mo na yan."

"Oo, tamad ka talaga."

Inirapan ko nalang siya. Aakyat na sana ko ng tinawag niya ko.

"Sophia."

"Yep?"

"Gayak kana ha!"

"O baket? San punta??"

Ano nakain nito? Ano pa Pia? Edi yung luto mo. Kausap ko sa sarili ko. XD

"Sa pulang building! Yung ma--"

"Tarantado! Lubayan mo nga ako!"

Sira talaga ulo nito, sa Motel daw kame pupunta! At talagang idedescribe pa niya huh.

"Hahah joke lang beybi! Sa 1D World tayo pupunta, ibibili kita ng Standee ni Niall."

Wtf. Did he call me beybi?

"What did you say?"

"Ahh sabi ko, ang ganda mo!"

Parang uminit ata?! Ramdam ko yung pag init ng pisngi ko. Sht! Am I blushing?

"B-baliw!"

Tumalikod ako sa kanya at patakbo kong pinuntahan yung kwarto ko.

Sh*t! Sh*t! Ano ba mga pinagsasabi niya, at bakit ako nagbublush?! Inis naman oh.

*********^^*********

15 minutes na ang nakakalipas simula nang dumating kami ni Kent dito sa mall. OO SA MALL LANG PALA KAMI PUPUNTA! Kaasar.

"O ano? Anong ganap dito?" tanong ko sa kanya

"Wala. Tara dun tayo!"

Parang baliw naman to. Nagpatianod na lang ako sa kanya.

"World of Fun?" patanong kong basa kung nasan kami

"Yep. Bili lang ako ng tokens"

Seryoso? Natatawa nalang ako sa kanya.

"Ano game kana ba? Handa na ba yang tonsils mo ngayong araw?" Pangaasar niya sakin

"Hahaha oo naman! Baka sayo yung hindi?"

"Jusko! Ako pa ba? Haha!"

Nagtatawanan kaming pumasok sa karaoke room dito. Nagulat ako na andami pala niyang biniling tokens, kawawa naman lalamunan ko.

"Hoy, andami naman ata niyan?"

"Haha masaya nga 'to! O sino una?"

"Di pwedeng duet?"

"Pataasan nga tayo eh, tapos duet? Haha Toss coin nalang tayo. Ano ka?"

"Hmm. Tao!"

Initsa na niya yung coin, at pinalanding sa palad niya. Woo! Sana tao!! Haha buburuhin ko tong gwapong bestfriend ko.

"Ibon!" Malakas niyang sigaw

Tsk. Kadaya! Ang totoo kasi niyan, parehas kaming magaling kumanta. At di namin parehas matanggap yun. Kaya madalas kami magcontest

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon