Chapter 18: Rebound

56 2 0
                                    

Matapos yung pangyayari na yun. Kinaumagahan kumalat na sa buong school na break na si Jake at Maica. Ewan ko ba kung matutuwa o maaawa ako sa kanilang dalawa. Ngayong single na si Jake dapat masaya na ko diba? Pero hay. Tsaka nag-iba na rin ang tingin ng mga schoolmate ko kay Maica. She's slut. A whore. Bitch. At kung ano ano pa tinatawag sa kanya. Somehow naaawa din ako sa kanya.

"Pia. Kain na tayo." Simula ng maghiwalay si Maica at Jake. Hindi ko iniwan si Jake, hindi ko hinayaang maramdaman niyang may nawala sa kanya. Madalas na kaming magkasama ngayon.

"Ahh oo sige Jake andyan na."

Sinabayan ko siya sa paglalakad. Matapos yung araw na yun hindi pa nakakapag usap si Maica at Jake. At hindi ko parin nakakausap si Kent sa ginawa niya. Iniiwasan niya na ako..

"Ba't di mo kausapin si Maica? Sayang naman kasi kung ganon ganon lang maghihiwalay kayo.."

"Pia sapat na yung nakita ko na niloloko niya ako. Wag na niyang subukang pang magsinungaling.. Hindi ako gago Pia. Tama na yung isang taon niya kong ginago.."

Laging nagmamakaawa si Maica sa kanya pero kahit isang salita walang sinasabi si Jake sakanya..

"Pero--"

"Pia naman, pwede ba wag na natin pag-usapan yun?"

"S-Sorry.."

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nangyare nung gabing yun. Gustong gusto kong kausapin si Kent pero sadyang iniiwasan niya ako. Kahit sa bahay, di ko siya mahagilap.

"Ako na oorder.. Ano gusto mo kainin?"

"Kahit ano nalang. Salamat Pia.."

"Wala yun.. Sige."

Nag-order na ako. Pagbalik ko sa table namin andun na si Maica. Umiiyak na naman. I rolled my eyes. Araw-araw ba naman kasi siyang ganyan. Haist! Lumapit ako sa kanila.

"Jake maniwala ka naman sa akin! Bigla niya lang akong hina---"

"Jake andito na yung food natin.."

Tumingin naman sila sakin parehas.

"Pia tara na.. Ayoko na dito."

"Jake please! Wag naman ganito oh. Jake!"

Pero naglakad na palayo si Jake. At naiwan kaming dalawa ni Maica dun na nakanganga.

Aalis na sana ako ng biglang hinila ko ng marahas ni Maica.

"What?!" Singhal ko dito

"Pag nalaman kong ikaw ang may kagagawan nito--"

"Ano ba bitawan mo nga ako! Wala akong alam sa sinasabi mo."

Biglang lumapit si Jake at hinila ko sa kanya.

"Pwede ba Maica?! Wag kanang mambintang. Labas si Pia dito. Ikaw ang naglandi, ikaw ang may kasalanan! Kaya tantanan mo na ako."

Napaupo si Maica. At nagiiyak na naman.

Umalis na kami duon. Nagpunta kami sa condo ni Jake.

"Jake, ipagluluto nalang kita."

Bago ako makatalikod sa kanya. Hinila niya ako at inakap.

Dug. Dug. Dug. Dug.

"Pia bakit ang sakit? Nahihirapan na ako.." Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa balikat ko. He's crying.

"Ah- eh? Alam ko mahirap magmove on. Pero kayanin mo, gawin mo. Para sayo din naman yun eh. Andito lang ako..."

Humigpit ang akap niya saakin. Hinimas ko naman yung likod niya.

"Tulungan mo ko.. Tulungan mo ko Pia nakalimutan siya."

W-What? Paano ko gagawin yun?

"H-How?"

"Be my girlfriend."

Ano daw?! Nabingi ata ako sa sinabi niya. Natulak ko siya ng bahagya kaya napaangat siya ng tingin.

"Pia tulungan mong maghilom ang puso ko. Wag mong hayaang mahulog ako ulit sa kanya. Hindi ko na kakayanin."

So rebound niya ako? Papayag ba ako. Chance to Pia ano ba! Pero ayoko naman na sa ganoong paraan niya ako mahalin. Gusto ko minahal niya ako kasi yun talaga ang nararamdaman niya hindi isang panakip butas lang!

"Pia please I need you.."

Ano isasagot ko?! Dammit. Ang hirap naman nito!

"O-Okay.."

What?! You stupid. Antanga mo Pia. Antanga tanga mo! Ugh!

"Thank you.."

Hinalikan niya ako. Pero walang akong maramdaman na pagmamahal sa halik niya na yun.

So, I'm his rebound. It's hurt. Pero yun lang ata talaga ang kaya niyang ibigay para saakin. Okay na kesa wala. Siguro unti-unti tuturuan ko ang puso niya na ako ang mahalin niya.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon