Chapter 12: Immature

58 2 0
                                    

"Miracle.. Bangon na anak, late kana."

May tumatapik sa akin.

"Mamaya na Dad, ang aga aga pa po.."

At nagtalukbong pa ko.

"Sang banda ba yung maga na yan? E tirik na yung araw.. C'mon miracle! Its getting late!"

Patuloy kong ibinalot ang sarili ko sa kumot.

"5 minutes Dad! 5 minutes."

"Hayy. Okay, 5 minutes! After that bumaba kana. Fix yourself miracle."

Tsss. Aga naman manermon ni Dad! Maya maya lang din bumangon na ako, gumayak at bumaba na..

"Kain na." alok ni Mama

"Thanks Ma."

Kumain na ako, at papaalis na sana ako ng inawat ako ni Mama.

"Hep! May sundo ka Miracle."

"Po? Wala pa naman po akong boyfriend na susundo sakin Ma."

"Hahah. Oo nga! Hindi mo nga siya boyfriend, bestfriend lang! Ehem." si Dad naman ang sumagot

At sakto naman ang pagdating nung! Aish,

"What are you doing here?!" singhal ko, di pa man siya nakakapasok sa main door namin

"Woahh! Init kagad ng ulo. Good morning tita, tito! Good morning baby!" At akmang aakap siya

"Baby your face! Ang aga aga Kent!! Lagi nalang nasisira yung umaga ko!!! Nakakainis!"

Totoo naman eh! Lagi nalang. Di ko siya inantay at tumakbo ko pasakay sa kotse ko. Binilisan ko talaga yung pagpapatakbo ko! Inis na inis ako! Kaya halos wala pang 15 minutes nasa school na ko.

"Hoy ganda!"

"Ano?!"

Teka pag maganda, kailangan sumagot ako? Hahahah GGSS naman ako!

Humarap ako sa tumatawag ng maganda. Pinanindigan ko na, maganda naman talaga ako eh..

"Hahaha pag maganda ikaw agad?!"

"Gago ka shaqle! Wag kanang dumagdag, at baka bangasin na naman kita."

"Oo na oo na! Maganda ka naman eh, I mean pwede na."

Gago to ah! Inambaan ko siya at napaatras naman siya.

"Hahaha hot tempered! Joke lang. Peace na tayo."

Nag peace sign siya at umakbay na sakin.

"Close tayo teh?!" ala lang makakapit eh.

"Oo. May gusto kana nga sakin eh-"

Siningkitan ko siya ng tingin

"U-uh, Ha-haha joke lang ulit!" at tumakbo siya

Hinabol ko siya at akmang ibabato ko sakanya yung libro kong hawak.

"Nakakainis talaga kayo! Arghh." siya tuloy na pagbuntungan ko

"Hahahah! Sorry na!! Suko na ko.." huminto siya at lumapit sa akin

Dahil inis pa din ako, hinampas ko padin yung libro ko sa balikat niya.

"Aray naman! Binibiro kalang, pikon nito. Tara na nga"

Inihatid niya lang ako at pumasok na din siya. Gaya ng dati, boring yung klase! Wala naman akong kaclose sa mga classmate ko. Wala akong makitang kalevel ko eh!

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon