Chapter 54: Symptoms

80 1 0
                                    

“Bwaaaaakkkkkk!”

Nagising si Kent sa lakas ng suka ni Sophia. Kaagad siyang bumangon para daluhan ito.

“Love! Are you okay? Bakit ka nagsusuka?”

“Bwaaaakkkkkkkkk! Bwaaakkkkk!”

Hinagod ni Kent ang likod ni Sophia, “Love anong nangyayare? Naparami ka ata kasi ng kain kagabi.” tinapunan siya ng tingin ni Sophia at sinamaan ng tingin.

Napakagat labi si Kent, “Teka lang Love, kuha kong tubig!” tinakbo ni Kent ang kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig at baso. Pagbalik niya ay finlush na ni Sophia ang bowl.

“Love, drink this.” sabay abot ng basong may laman.

Niyakap niya ito at pinunasan ang namuong pawis sa noo ni 'to. “Are you okay? Magpatingin kaya tayo sa doktor mo?”

Sumandig sa dibdib ni Kent si Sophia at pumikit. “Normal lang naman 'to.”

“Eeehhh kahit na, kinakabahan ako eh.”

“Anong oras na?” tanong ni Sophia, dumungaw si Kent sa labas para makita ang oras.

“Magsisix palang, matulog ka muna. I'll cook you a food. After that mag pacheck-up tayo. Okay?”

She nodded. Inalalayan siya ni Kent papunta sa kwarto at inihiga na. Nang makatulog na ulit si Sophia ay tinawagan niya ang Mama niya.

“Oh, napatawag ka?”

“Ma, k-kasi nagsusuka si Pia kanina. Hindi ko alam kung dahil ba sa kinain niya kagabi at nasira yung tyan niya. Nag-aalala lang ako kasi baka mapano si baby.”

“Kent normal sa buntis ang mag-suka. Madaming mababago sa sistema ng nagdadalang tao, may mga bagay siya na ginagawa o kinakain na dati ay hindi naman. Nagiging moody, maselan sa pang-amoy. At madami pang iba, wag kang mag-alala anak. Okay lang ang baby niyo. Basta kung ano nalang ang gusto ni Pia make sure naibibigay mo, okay?”

“Ma are you sure? Hindi ba talaga delikado? What if-”

“Kent Gabriel! Saakin ka ng galing, paanong hindi ko alam ang tungkol dyan?”

“Hayst! Ma naman, i'm just worried for my son.”

“Maka-son ka dyan anak, di mo pa nga alam yung gender!”

Napatawa si Kent, “Nararamdaman ko Ma.”

“Son, are you still sure about this. Wala naman akong sinasabi na hindi worth it or ayaw ko, ang sa akin lang you know Pia doesn't know whose the father of her baby. Anak ano ba talaga ang plano mo?”

Nabura ang ngiti sa labi ni Kent, “Ma kahit di pa ako ang ama nung bata, I'll consider myself as his father. At kahit pa bumalik yung ex ni Pia, no one can change that-”

“Kung sakali na siya nga ang ama nang bata, Kent he has a right for the baby. At kahit batas, anak alam yun. You won't change that.”

“Ma, what are you trying to say?”

“Ang akin lang anak, maging handa ka sa kung anong mga posibilidad na pwedeng mangyare. Tandaan mo, hindi niyo pa sigurado. After the revelation, everything can be change or stay the same. Pare-parehas nating hindi alam.”

He sighed.

“Ma, I have to go. Pagluluto ko pa si Pia.”

“Okay 'nak.”

Naguluminahan si Kent sa mga nasabi ng Mama niya. Alam naman niya ang mga bagay na yun, pero hanggat wala pa dun idineklara na niya sa sarili niya na magiging matapang siya. Dahil hindi pa man nag-uumpisa ang laban ay handang-handa na siya.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon