Chapter 10: The Date

109 3 0
                                    

*Kriiiinggg! Kriiiinggg!*

Kinapa ko yung naghuhumiyaw kong alarm clock..

Minulat ko na yung mata kahit antok na antok pa ko.. Gusto ko umabsent! Kaso hindi pwede may Quiz pa ko. Huhuh!

Inapura ko na yung pag'gayak, baka malate ako.. Well, wala naman na palang bago dun. Lagi nga pala kong late!

Bumaba na ko at naririnig ko na sina Daddy sa baba..

"Miracle, bilisan mo na maglakad.. Late ka na naman, sabay sabay na tayong mag breakfast." usal ni Mama sakin

"Opo.." walang gana kong sagot, haist I'm so sleepy pa!

Hinanda na nila yung breakfast namin at ako naman nakaupo na..

Tss! Kung tinatanong niyo ng yari kahapon sa lunch namin, wag niyo ng alamin.. Puro pang aalaska lang ang ginawa nila sa amin ni Kent. At yung isa naman mukang enjoy na enjoy pa! Pagbuhulin ko bituka nun ehh..

"Miracle, sabi ko breakfast is ready.." sabi ni Dad sa nakatulalang ako

"Ahh yyes Dad.."

Kumain na kami. After that, nagpaalam na ko sakanila.

"Mama! Daddy! Alis na po ako.. Gagamitin ko nalang po yung kotse ko.." kumiss na ko sakanila

"Okay. Ingat ka sa pagpasok my miracle.." paalam ni Dad

Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi Mommy tawag ko kay Mama hano? Hahah wala lang trip ko lang.. Daddy's girl talaga ko kaya naman sobrang sweet sakin ni Daddy. At ganun din ako sa kanya.

Nagdrive na ko papuntang school.. Walang pang 20 minutes nakarating na ko.

Naglalakad na ko papuntang classroom ng makita ko si Jake naglalakad din.

"Jake!"

Huminto siya ng makita niya ko.

"Oh ikaw pala Pia, nga pala sensya na nung isang araw ah haha di ako nakapunta sa canteen. Tambak kasi yung pinagawa samin ng prof ko ehh.."

"Ahh okay lang. Oo nga eh, ganyan talaga pag graduating. Gahol na gahol na nga din kami ehh. Haha"

Graduating na kasi kami nila Kent, business ad kinuha ko. Si Kent naman Engineering. Si Jake naman doktor kinuha niyan, syempre para sa future namin hahaha!

"Kamusta na nga pala si Maica?" pangangamusta ko sa impakta

"Mabuti buti na kesa nung nakaraang linggo, baka by this week makapasok na siya.."

May sa masamang damo talaga 'tong si Maica! Di pa ko nakaka'bwelo eh buhay na naman! Inis.

"Nako. mabuti naman kung ganon. Sabay ulit tayo Jake mag lunch mamaya ah.." sabi ko nalang, malapit na kasi yung room namin

"Ahh oo sige.. Puntahan nalang ulit kita. Bye."

************

Haist! Kanina ko pa tinititigan tong test paper na binigay ng prof ko pero peste! Kahit isa walang sagot. Tinatamad kasi ko magreview kagabi eh! Natutulog naman ako ng dinidiscuss to. Enebeyen..

Pinaghuhulaan ko nalang yung sagot.. E kahit dasalan ko naman yun, wala namang lilipad na papel na may sagot sakin. Tsk tsk. Sinubmit ko na yung papel ko sa prof ko at lumabas na ng room. Hayy!

Itetext ko sana si Jake na labasan ko na, ng bigla na mang may tumawag.

Calling Unknown Number..

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon