Chapter 2: The Operation

214 5 0
                                    

Pikon na pikon ako sa sinabi ni Kent. But I have an idea.

Nginitian ko siya na para bang di makapaniwala sa narinig ko. At dahan dahan akong kumalong sa kanya paharap. Hahaha mahuhulog ka sa sarili mong patibong flirty boy.

"Parang ganito ba?" sabi ko sa bandang tenga niya

Hahah naramdaman ko ang ilang beses na paglunok niya.

At pinagapang ko pa ang kamay ko sa dibdib niya hanggang sa tiyan niya

"Piaa I-I wwas--"

THUUUUDDDD!!

"Awww SHIT PIAA!"

Hahaha halos mamalipit siya. Hahaha! sinikmuraan ko lang naman siya

"You deserve that flirty boy! Hahahah"

At iniwan ko siya dun ng namamalipit.

Humiga ako sa kama ko at nagmunimuni lang, di ko maisip kung bakit siya nagkakaganon? Langhiya pati akong bestfriend niya, pinagtitripan niya! Bwisit na playboy na yun!

Naglaptop nalang ako at iistalk ko nalang si Jake para naman magoodvibes ako!

Inopen ko lahat ng account ko, at ginawa ko na ang operation haha!

Scroll.. scroll.. scroll

Jake Fernandez is in a relationship with Maica Garcia

"HU-WAAAATT?!" Ano 'to? ang alam ko pihikan si Jake pagdating sa girls. Gano ba kaganda yung Maica na 'yun?!! Mas maganda ba siya sakin? Argh. Nilalamon na ko ng insecurities!

Padabog kong inopen yung account nung babae na 'to. Pikit mata kong binuksan.

"Waaaaaaahhh! Hindeeeeee!!!"

Parang gusto kong wasakin yung laptop ko ng makita ko ang mala'anghel na babae nato. Bakit ang ganda niyaa?!!!

Naramdaman ko na may namumuong luha sa mata ko. No! Di ako pwedeng umiyak dahil lang dito! I said no!!

Tuloy tuloy tumulo ang luha ko. Para kong binreak ng boyfriend ko. Ba't ganito kasakit?

Nagulat ako ng biglang magpost yung girl,

Yeyy! Magdedate kami ni Lovey later. See you soon Funland Park! I'm so excited. - with Jake Fernandez

Peste! Kailangang ibroadcast na magdedate? Well- di na din masama. I'll ruin your date! Hahah sabay punas ko ng luha.

********•••*********

Nandito na ko sa Funland Park. Halos isang oras na ko sa may entrance.

Ba't ang tagal nila? tumingin tingin ako sa paligid at sakto nakita ko sila, papunta dito sa entrance di pa nila ko napapansin. Tch! busy sa pakikipaglampungan. Totoo ngang sila, at parang gusto kong magwala sa reality na yon.

Agad agad akong tumalikod, at akmang magbabayad na.

"Pia? Is that you?" I'm pretty sure na makikilala niya ko kahit nakatalikod ako. Maganda kasi ako. Connect?

Humarap ako at kunyare nagulat. Galing lang umarte!

"Ohh? Jake? Nandito din pala ikaw?--"

At suddenly tinignan ko yung Maica.

"Oh I mean kayo?" hahah halatang di na ako gusto nitong Maica na'to.

Maghintay ka lang, madami pa.

"Ahh yeah, anyway Maica this is Pia. And Pia this is Maica, my girlfriend."

Gusto kong umirap sa pagpapakilala na yon. Pero kailangan kong magtiis

"Ahh nice meeting you Maica!"

Talagang pinasigla ko yung boses ko na para bang tuwang tuwa akong nakilala ko siya. Syempre need to act! Jake is watching.

Ngiti lang ang binalik niya sakin. Isang pilit na ngiti.

"Sino pala kasama mo Pia?" balik sakin ni Jake

"Ahh yun nga ehh. I was alone, wala kasing available na makasama ehh. Uhmm, would you mind guys if I join you?"

Please say yes! please! *crossfingers

"Ahh.." Sabay tingin ni Jake kay Maica

Kitang kita ko pa ang pagdunggol ni Maica kay Jake. Sign of disaggree

"Uh? Sure. No problem"

Gusto kong magwala sa saya ng pumayag si Jake! Hahah this gonna be exciting huh!

"Thanks Jake!"

"O-okay, bayad na tayo?"

Nang makapasok na kami sa loob, aba ang Maica abot ang hila kay Jake kung san san. Excuse me magkakasam kaya kami. Napairap nalang ako habang nasa harap ko sila

"Pia sumabay ka na saming maglakad, para kang emo diyan e."

"Ahh oo nga e hehe."

Sinunod ko naman siya, duh?! di ba siya makahalata na inilalayo ako ng gf niya sakanya.

"Sakay tayo diyan Lovey!!"

Tss Lovey your face! Tsaka ano ba yan pambata naman gusto nitong sakyan! Walang thrill!

"Wag na dyan Lovey, tignan mo nga oh puro bata nakapila. Hanap nalang tayo ng iba"

Hahah gusto kong tumawa ng malakas at ipamukha sa kanya na panis siya!

"Ayun dun nalang Lovey!" sigaw ni Maica

Tinuro niya ang Gabi ng Lagim. Isang horror house, hmm mukang magandang ideya!

"Ahh sige. Pia ayos lang ba sayo na dun muna tayo?" tanong ni Jake sakin

"Oo naman Jake basta kasama ka." ngiting ngiti kong sabi

"Ano yun?" sinadya bang di marinig o ano?.

"Ahh I mean, Oo okay lang. Excited na nga ako ehh"

"Ahh akala ko.. Nevermind"

"Tara na Lovey."

Pumasok na kame sa loob. Woo andilim. Tanga Pia may horror house bang maliwanag?Kausap ko sa sarili ko.

"Lovey I'm scared. Oh my God!" tsk napairap ako heavenwards. Duh? di pa kaya nagistart! tsaka siya kaya may gusto dito impokrita!

"Don't be. Andito naman ako."

Nanunuod ba kong sine? John Loyd? Sarah? Kayo ba yan?!

May ilang inaannounce yung staff na bawal gawin sa loob. Then, pinapasok na kame.

Tch! Thank God at di ako takot sa mga ganito.

"Waaahh! Pugot na ulo Lovey!"

Hiyaw ni Maica sabay yakap kay Jake.

"Waaaahh! Pugot na ulo Lovey!" Mahinang panggagaya ko kay Maica. Inartehan ko pa ang tono

Ang dami ng room na napasukan namin, I think this is the right time

"OUCHHH!! SHITTT!"

Hiyaw ko.

"PIAA?! ANONG NANGYARE?" natarantang tanong ni Jake sakin dahil napasubsob ako kunno sa madilim na sahig

"Araww Jake! Jake! Di ako makatayo!! Huhu Jake! Tulong!!" Hiyaw ko at nag iyak iyakan pa

"Asan ka Pia? Wait, wag kang magpanic-- Sh*t Pia!"

Natisod sya sakin kaya nahanap niya ko. Agad agad akong tinayo niya, tinignan ko si Maica, nakatingin lang siya samin. Hahaha poor you!

"What happened? Ano masakit sayo?" tanong ni Jake

"Jake ang sakit ng paa ko, may tumamang something sa paa ko tapos ayun nasubsob ako.. huhuhu"

"Shhh.. Don't cry. I'm here." Pinunasan niya luha ko at binuhat ng bridal style.

Kahit madilim kita ko ang pagkunot ng noo ni Maica. Hahahah!

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon