Chapter 15: Safe in his arms

59 2 0
                                    

Kaninang kanina ko pa gustong umuwi pero nananadya yung prof namin, may iaanounce pa daw siya. Nakuu siguraduhin niyang importante 'to.

Bumalik na din naman kagad yung prof namin na umalis kanina.

"Class, listen. Bukas na yung recollection natin. So lahat ng 4th year ng lahat ng department ay required na sumali. No excuses kung bakit di kayo makakasama dahil we contact all of your parents. And they agreed. Ang location natin ay sa Baguio. So that's it. 5 am sharp kailangan nandito na kayo. Be on time. Understand? okay class dismissed."

Hindi pa man nakakapag react yung mga classmate ko, eh umalis na yung prof naming wild. Nagsimula namang magbulungan kung ano ano daw gagawin nila bukas. Tss

Lumabas na ko ng room namin, at nandun na si Kent.

"Tagal naman magdismissed ng prof niyo." reklamo niya

"Nag announce pa about sa recollection.."

"Ahh. Oo nga ehh, required daw na sumama tayo."

Kinuha niya yung libro kong buhat

"Tara na, nagluto daw si Mommy. Samin tayo kakain. Nagugutom na din ako ehh."

"Really? Omg i'm excited!"

Hinatak ko pa siya patakbo papunta sa parking.

Sana adobo yung nilito ni Tita Francess. Omg mapapalakas ata ako ngayon. Gustong gusto ko yung luto ni Tita ng adobo ehh.

"Kent adobo kaya yung niluto ni Tita? Sa tingin mo?"

"Hmm. Ewan."

Waaahh. Sana adobo, matagal na kong di nakakakain nun.

"Ohh laway mo tumutulo na."

Hinawakan ko naman yung gilid ng labi ko. Pero wala naman

"Sama!"

"Hahaha joke lang.. Ge isipin mo na yang adobo mo. Uubusan kita!"

"Tse. Subukan mo."

"Tignan natin mamaya.."

Nakarating din kami sa bahay nila na katapat lang naman ng bahay namin.

"OMG Tita Francess?! Adobo ba yang naaamoy ko?" tumatakbo ako papasok sa loob ng bahay nila Kent

Di pa naaayos ni Kent yung pagpapark ng bumaba ako. Hahaha nagugutom na talaga ako.

Humalik ako kila Mama.

"Oh Miracle, pinagbigyan ka na ng tita mo. Mag-thank you ka." pang aasar ni Daddy

"Yieee thank you titaaa! Iloveyou tlaga." at kiniss ko pa siya para ko naman na din siyang nanay. She always care for me at kay Kent syempre.

"Hahaha basta ikaw Sophia." kinurot pa ko sa pisngi

"Asuussss, Mommy wag mo nga bigyan yan ng adobo mo."

"Pamuset." at dumila dila pa ko sa kanya

"Hahahah." tinawanan lang niya ko

Di pa sila nakakapag hain sa lamesa pero nakaupo na kagad ako. Hahah

"Uyy gutom na siya.."

Umupo sa tabi ko si Kent at sinundot sundot yung tagliran ko.

"Ihh. Wag ka nga magulo."

Pero lalo lang niya ko ginugulo, pinaglalaruan niya naman yung buhok ko

"Tita yo, si Kent." pagsusumbong ko sa kanya

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon