Chapter 38: Revelation

50 2 0
                                    

Gulong gulo si Jake. Hindi niya alam kung sino na ang paniniwalaan. Paano nga kung niloko lang siya ni Pia? Kung totoo nga ang sinabi ni Maica?

"Pare di ko na talaga alam. Mahal ko na si Pia."

"Pero kay Maica wala na talaga? Mahal mo na ba talaga si Pia, o siya lang yung sumalo sayo ng magkahiwalay kayo ni Maica."

Hindi nakasagot si Jake. Sa pagkakataong yun. Nalito siya sa pagmamahal niya kay Pia.

"If you have a slightest doubt sa pagmamahal mo kay Pia. Better to sort out things pare,"

"Mahal ko si Pia pare."

Sigurado siya dun.

"Pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Maica."

"Masyado niya kong nasaktan. Kaya hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa pagbabalik niya."

"Kung totoong mahal mo si Pia, wala kana sanang pakialam kahit sa pagbalik nung ex mo pero sa nakikita ko, matagal mo siyang inintay pare. Naiipit ka lang ngayon dahil kung kelan mo binuksan ang sarili mo sa iba tsaka siya bumalik."

Lalo siyang nalito. Para kasing natumbok ni James ang nangyayare sa sistema niya.

"I don't know."

Naalala niya pa yung video na napanuod niya. Sumasakit lalo ang ulo niya. Ni-hindi siya matamaan ng alak.

Lugmok na lugmok naman si Pia. Pero wala siyang magagawa. Mukhang kailangan nilang dalawa ng space para maliwanagan sa bagay bagay.

"Kaya pa?" Pamumwisit ni Kent.

"Hindi na."

"Ayaw ko ng ganyan ka. Masyado kang dumidepende kay Jake. Magtira ka naman ng pagmamahal sa sarili mo. Look at yourself. Nangangayayat ka. Luwa na yung mata mo kakaiyak, kalaki ng eyebags mo. So talagang lalo mong pinalalamang si Maica sa ganda?"

"You're not helping."

"I'm not helping you. I'm just trying to get your sleepy head to wake up. Hindi ito tanga tangahan."

"Makapagsalita ka! May experience ka ba?"

"Malamang! Hindi mo lang alam pinagdaanan ko."

"I guess."

"Mag-ayos ka. Wag mong buruhin sarili mo dito."

"Kent.. Kahit isang beses ba? Hindi ka natempt mahalin ako? Random question lang."

"Ano? Sira ka na ba? Yung mga kagaya mo binebestfriend lang, kasi yung bestfriend pang forever."

"Kahit minsan hindi ka nag nasa sakin?!"

"Hmm? May times. Pia, may weaknesses din naman ako sa mga babae."

"So.. Am I desirable?"

"Sophia Miracle! Stop asking questions like that. Hindi mo alam pinagsasasabi mo."

Napawalk-out tuloy ng wala sa oras si Kent.

Paglabas ni Kent may nagtext naman sa kanya. Unknown number.

From: Unknown Number

Hi there Pia sweetie. How are you? Nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo? I'm sure nagustuhan mo talaga. Wag kang mag-alala, madami pa 'yan Sophia. Hahahaha!

Galaiting galaiti niyang tinawagan yung number na yun pero pinapatayan siya.

Hahahah. Awww. Want me to talk to you? Sorry girl. May lakad kasi kami ni Jake.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon