Chapter 48: Akin lang

50 2 1
                                    

Months passed..

Unti-unti nababago na ang buhay ni Sophia and 2 months na ang baby niya! Hindi parin ito halata kaya makakapagtrabaho pa siya.

Nakadalaw na din ang parents niya sa kanya. Thank God at hindi na niya kailangan mag pretend na masaya siya dahil sa oras na yun masaya talaga siya. At dahil yun sa mga katrabaho niya at kay Shaqle syempre.

Change is really coming. Alam niya sa sarili niya na konting panahon nalang kaya na niyang harapin ang lahat. Kaya na niyang ibangon ang sarili niya.

Humarap siya sa salamin. At napangiti, this Sophia is better. Much better!
Hindi na siya haggard at mukhang stress.

Napabalik na siya sa realidad ng marinig niya ang boses ni Shaqle sa phone niya. Nakalimutan na niyang kausap nga pala niya si Shaqle.

"Aalis na ako Shaqle." Kausap niya kay Shaqle sa phone.

"Ha? Ihahatid na kita, sandali magbibihis nalang ako-"

"Hep! Wag na. Tatambay ka na naman dun eh, kaya ko na 'to. Sige na. Ba-bye."

"Soph- teka-"

Hindi naman sa ayaw niyang inihahatid siya ni Shaqle, napagkakamalan na kasi siya ng mga katrabaho niya na magboyfriend sila. At isa pa, nagiging excuse na yun ni Shaqle para di pumasok sa trabaho niya. So, he better stop that way. 

She ended the call at bumaba na ng ground floor. Nagtaxi nalang siya. Kahit alam niyang magagalit si Shaqle tsaka nakakahiya naman na kasi kung lagi nalang siyang magpapahatid diba?

Nang makarating siya sa trabaho niya nagpalit lang siya at tumulong na sa mga gawain.

"Sophia, tawag ka ni Clarence tuturuan ka na daw." Tawag ni Faye sa kanya.

"Ah osige. Ikaw muna dito ha."

Nagpunta na siya sa kitchen, "Uy Clarence tuturuan mo na daw ako."

"Ah oo. Tara dine Sophia,"

After an hour, marunong na si sophia magtimpla ng mga coffee. Hindi palang siya ganon kasanay sa paglagay ng design sa ibabaw ng coffee.

"Wow, mabilis ka naman pa lang matuto e. Sige, mapapractice mo din yung paggawa ng designs."

"Sige, salamat Clarence."

Sakto namang nagdagsaan na ang mga costumer kaya siya na din ang gumawa ng mga order ni 'to, tinulungan nalang siya ni Clarence.

"Girl, may naghahanap sayo sa labas." Sabi sa kanya ni Daniella.

"Ah sige. Puntahan ko nalang. Teka lang Clarence."

Ang kulit talaga ng Shaqle na 'yan, wala na atang balak magtrabaho. Sa isip isip niya.

Pero nagulat siya na hindi si Shaqle ang nadatnan niyang naghahanap sa kanya bagkus si Kent.

Hindi niya alam kung kakausapin niya ba 'to o tatakbo na siya palayo. Pero kinalma niya ang sarili niya. Ito na nga siguro ang panahon na itinakda ng Panginoon. Alam niyang darating ang oras na 'to pero hindi niya alam na ganito kabilis.

Pabilis ng pabilis ang puso niya habang palapit siya ng palapit sa lalaking tinatakbuhan niya.

Ito na talaga siguro yon.

"K-Kent.."

Napatayo si Kent ng makita siya. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Kent. Nakatitig lang to sa kanya.

Nagulat siya ng hinila siya ni 'to palabas.

"Teka Kent! Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang hawak sa kanya ni Kent. Naisakay siya ni 'to sa kotse niya ng walang kahirap hirap.

"Ano ba tumatakbo sa utak mo Kent ha?! May trabaho ako! Pwede bang ibaba mo na ako?!"

Kahit imik walang ginawa si Kent. Nagdrive lang to ng mabilis. Ilang beses pang nagpilit si Sophia na bumaba pero hindi siya pinapansin. Kaya't hinayaan niya nalang si Kent kung san man siya dalhin.

Tinext naman niya si Gian para sabihin ang nangyare at ipagpaalam siya kay Ma'am Chinnie.

"Kanina pa tayo bumabyahe, Kent. Saan ba talaga tayo pupunta?"

Ni-hindi parin siya ni 'to kinibo. Tinitigan niya si Kent na abala sa daan. Nangayayat to, maiitim din ang ilalim ng mata niya. Mukha siyang pagod at walang tulog.

Pero, in back of her head gusto niya ng yakapin ang bestfriend niya. Gusto niyang umiyak at sabihin sa kaniya na sobra niya 'tong na-miss pero hindi niya na yun magawa. Parang may invisible wall na humaharang sa kanilang dalawa. Na kahit anong gawin nilang pareho, di na kayang maibalik ang dati.

Itinuon niya nalang ang atensyon sa labas. Hindi niya alam kung nasaan silang eksaktong lugar, liblib ito at madaming puno. Maya maya naramdaman niyang huminto na sila.

Nilingon niya si Kent na pababa na ng kotse. Kaya bumaba na din siya.

"Kelan ka pa natutong mag-yosi?"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila.

"Totoo ba Pia? Totoo bang buntis ka?" mahina pero may diin ang bawat salitang yun, halos manigas si Sophia sa kinatatayuan niya.

"K-Ke-nt.."

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO! BUNTIS KA BA SOPHIA?!"

"Oo!" sagot ni Sophia na nanginginig na sa iyak. Hindi niya alam kung ano na ang nararamdaman niya. 

"Bullshit! Sophia, bakit kailangan sa ibang tao ko pa malaman?! Bakit ba ginagawa mo kong tanga ha?! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo? Bakit ba lagi mo nalang ako tinatakbuhan?! Sophia, anak natin-"

"Hindi mo ko maiintindihan Kent! Alam mo ba kung gaano kasakit na magsinungaling sa inyo? Sa magulang  ko Kent?! Wala kang alam."

"Wala akong alam kasi tinanggalan mo ako ng karapatan na malaman ko ang lahat! Sophia, andito ako pero ano ginawa mo? Pinili mong takbuhan ang lahat, pinili mong solohin ang lahat."

"Kahit sabihin ko sayong hindi ako sigurado kong sino sa inyo ni Jake ang ama ng anak ko? Kent, bago may mangyare satin ibinigay ko kay Jake ang sarili ko. Ibinigay ko sakanya ang lahat. Ngayon, matatanggap mo pa ba ako? Hindi ako malinis na kasing inaakala mo Kent. I lose everything because of that fucking love. Hindi ko nga alam kung buo pa ba ako."

"Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? Sophia, wala na ang gagong lalaking yon, kaya kahit anak pa niya yan hinding hindi niya na malalaman pa. That baby is mine. Akin lang Sophia, simula ng itapon ka niya na parang basura wala na siyang karapatan sa kahit anong parte ng katawan mo. Anak natin yan, anak ko ang bata na yan."

Hindi na mapigilan ni Sophia ang hindi humagulgol. "Ayoko Kent, hindi kaya ng konsensya ko. Paano kung-"

"Sophia kahit ngayon lang, piliin mo naman ako. Hayaan mo namang ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal. Hindi na importante sakin kahit hindi mo ako mahal, basta masaya kana at ligtas ang baby, that's enough return for me. Okay na ako dun. Please, choose me. Kahit ngayon lang."

She made the decision that she know will be right for everyone. Wala ng drama, she need to do it. And she giving her bestfriend a chance. And this time, she chose her bestfriend.

Niyakap niya ng mahigpit si Kent. "I'm sorry, sorry." Iyak lang siya ng iyak sa dibdib ng bestfriend niya.

"Trust me, everything will be alright. I love you."

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon