Chapter 36: Fuck

46 1 0
                                    

"Jake.."

Walang nagawa si Jake kundi ang tanguan si Maica na posturang postura sa harap niya. Ang laki ng ginanda nito, kung maganda na si Maica nuon. Lalo na ngayon. Pero pinigilan niya ang mag-isip ng kung ano-ano. Dahil para kay Pia lang siya.

"Can we talk?"

Hinawakan siya nito sa kamay. Kaya lalo siyang nailang.

"Nakaduty kasi ako Maica, maybe next time."

Pero hindi siya nito binibitawan. Ni-hindi parin niya to matignan sa mata. Ramdam parin kasi ang tensyon sa kanilang dalawa. Hindi siya komportable sa mga nangyayare.

"Please.."

Dahil sa tingin niyang hindi siya lulubayan ni Maica ay napatango nalang siya.

"Sige. Sandali lang babalik lang ako sa hospital. Para mag-out."

"Sama na ako.."

Walking distance lang ang hospital sa Starbucks kaya naglakad nalang sila.

Iba ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Ni-ayaw niyang malapit to sa kanya. Pero siguro nga kailangan nila to. Kailangan nilang mag-usap.

"James, may emergency ikaw na muna bahala dito. Pasensya na pare."

Bilin niya sa kasamahan sa hospital. Pumayag naman ito. Kaya nakaalis na din silang kaagad.

Sumukay sila sa kotse ni Jake. Ayaw niya sana itong pasakayin sa passenger seat dahil si Pia lang ang pinasasakay niya dun. Pero nahiya siya ng binuksan na nito ang pinto at sumakay.

Habang nagbbyahe sila, walang umiimik. Nagdesisyon siyang dalin nalang si Maica sa isang park. Gabi na rin naman, wala ng madaming tao dun. At makakapag-usap silang dalawa.

"Ano ba pag-uusapan natin?"

"About us Jake."

"Wala naman ng tayo Maica."

"I know. Pero mahal pa din kita, Jake let me explain–"

"Hindi ko na kailangan marinig yan Maica, Pia and I were settle now. Ayokong–"

"What? Kayo ni Pia ngayon?"

"Yes."

Tumawa ito ng bitter. Tawang di makapaniwala.

"Hahaha. Nagpauto ka naman Jake sa babae na yun? At talagang sa kanya naniwala ka? Samantalang sakin hindi mo man lang pinakinggan ang side ko."

"All I saw Maica was enough. Hindi ko na kailangan ng kahit ano pa."

"Kayang kaya mo kong husgahan hano. Samantalang yang Pia na yan, magaling lang magpanggap. Kuhang kuha ang loob mo!"

"Wag mong ipasok si Pia sa usapan na 'to! At wag na wag mong pagsasalitaan si Pia ng ganyan. Dahil kahit kailan, hindi ako sinaktan ni Pia. Hindi mo siya katulad Maica."

"Hahahaha! Talaga lang Jake. Talagang hindi kami magkatulad. Dahil hindi ako manloloko. Hindi ako desperada. Hindi ako gumagamit ng ibang tao para lang makuha ang gusto ko. Kaya sabihin mo sakin na yang Pia parin na yan ang magaling."

Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi nito.

"What do you mean?"

"Jake pinaikot lang tayo ni Pia. Ginamit niya si Kent para pagsirain tayo. At nagtagumpay naman pala siya dun. Kayo na pala."

"Tama na Maica. Tapos na tayo."

Ayaw na niyang makarinig ng kahit ano galing kay Maica. Aminado siyang hindi pa siya ganon nakakaget-over sa nangyare sa kanila ni Maica. Pero ginagawa niya lahat para hindi pa yun lumala.

"Naniniwala ka ba talaga sa kanya?! Jake nung gabing nagyare yun! Nagpasama si Kent sakin sa likod ng hotel dahil nawawala daw ang relo niya. At nagpatulong siya sakin. Ako namang si gaga sumama. Dahil akala ko totoo! Alam mo ba kung anong ginawa niya matapos kaming makarating dun? Hinalikan niya ako. Saktong dumating ka..kayo ni Pia. Sino magsasabing hindi nakaplano ang lahat?"

"Tumigil kana. Wag kanang gumawa ng kwento. Nakaraan nalang yung atin Maica. Please lang, umalis kana."

"Ako pa talaga ang gumagawa ng kwento Jake?! Kilala mo kong tao. Sana naman naaalala mo pa. Mas nakasama mo ko kay Pia, Jake. Sana naman sapat na pruweba 'to."

Nagulat siya ng bigla siya nitong halikan.

"Akin ka lang Jake. Akin lang."

Iniwan niya ang isang CD. At umalis na. Hindi naman siya nakapagreact kaagad. Hindi niya alam kung ano yung CD na yun.

Agad siyang umalis dun at umuwi na sa condo para tignan kung ano ang laman nung CD na yun.

Nang maisalang niya ang CD at napanuod yun.

"Fuck!"

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon