Chapter 11: Maica's Back

60 2 0
                                    

Nakakaloka! Yung kilig na nararamdaman ko uberrr naaa!

"Miracle why are you shouting?"

Humahangos si Dad na lumabas sa pinto namin.

"Haha Dad! May dumaan lang pong artista, you know?"

Hahaha kung alam mo lang Dad!

"Ahhhh. Akala ko nahalikan ka na ehh.. O siya pumasok kana."

May sa manghuhula ba si Dad? Hahah

Sumunod na din ako sa kanya, ni-lock ko yung gate.. Baka may magnanakaw eh.. Lol

Humalik lang ako kay Dad at Mama aakyat na sana ako ng tinawag ako ni Dad..

"Yes Daddy?"

"So... Nasan na si Vick?"

"Po?? Sino pong Vick?"

"Yung kasama mo.."

Kasama ko? May nakikita ba si Dad na hindi ko naman nakikita? omo

"Dad? Are you okay? Wala naman po akong kasama ngayon, unless multo yang tinutukoy niyo.."

At luminga linga pa ako sa paligid ko..

Inirapan naman ako ni Dad.. Hahaha nakakatawa si Daddy pag umiirap siya. Swear!

"I'm talking about Vick the one who you dated.."

Ha?? Date daw?

"Huh? Are you referring to Jake?"

"Ohh. Is that Jake? I tought its Vick..."

"Aish. Dad talaga, umalis na po siya.. Di na po nakapag paalam. But don't worry pianakain niya naman yung prinsesa niyo ehh. *wink*"

"Sabi mo eh.. Magpalit kana at baka pulmunyahin ka sa suot mo.. Ano ba panahon ngayon at parang kinapos sa tela yang suot mo?"

"Grrrrr! Pati fashion taste ko pinapakialaman niyo Dad.. It's a girl thing."

"Oo na.. Baka mapikon na naman yang Miracle na yan. Hahaha."

Haist. Mapapagulo ko ng buhok ko sa kaechosan ni Daddy. Ang ganda pa naman kako ng araw na to ehh!

Umakyat na ako at naglinis ng katawan. Humiga na ako sa kama ko at nakakaramdam na ko ng antok, pero kinuha ko muna yung phone ko at tinungo ang photos. Uminit yung pisngi ko nung makita ko yung picture namin ni Jake. Feeling ko girlfriend niya ko, sa ngiti kasi ehh! Hahaha nakakatuwa andami naming shots. May naka'akbay siya, naka'wacky, may nakasungay siya sakin and I found it cute. Grabe di talaga ako makapaniwa---

Nahinto ako sa pagmumuni muni ko ng may marinig akong tunog.

Brrrrr! Ang dilim pa naman. Bat ba kasi pinatay ko kagad yung ilaw ko.

*Eeeeeeeecccccccckkkkkkkk*

Fudge! Nakakakilabot yung tunog. Parang sa horror? Teka muna wait?

*Eeeeeeeecccccccckkkkkkkk*

Horror ba 'to? Sa pagkaka'alam ko hindi naman. Pero bakit nakakakilabot..

Nakailang tunog pa na ganun, tumayo ako at pinakinggan kung san nanggagaling yung tunog. At.. At s-sa bintana?

*Eeeeeeeecccccccckkkkkkkk!!!!*

This time mas malakas na siya. tumalikod ako para sana buksan yung ilaw pero di ko pa nalalapitan yung ilaw ng biglang

*BLAAAAAAAGGGGGG!!!"

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon