Chapter 8: Shaqle Gio Salazar

79 3 0
                                    

"Class dismissed.." pagkasabi nung prof ko nun, dali dali akong tumayo palabas ng room namin.

Kami kasi ni Jake ang magkasabay maglunch ehh. Hahaha actually 1 week na kaming laging magkasama, at one week na rin ang nakakalipas nganga pa din si Maica hahah!

Paglabas ko ng room, luminga linga ako. Pero walang Jake akong nakita.. Umupo muna ko sa bench malapit sa room namin para intayin siya. Sinusundo niya kasi ko sa room, how sweet right? Hihihi

Beep! Beep!

May nagtext sakin.. Inopen ko kung sino.

From: Jakeyy❤

Hi Pia. Malelate akong sunduin ka ngayon, may project pa kasi kaming tinatapos.. If ever magutom ka mauna kana sa canteen. Okay?

Pagkabasa ko. Nireplyan ko kaagad siya..

To: Jakeyy❤

Okay. I'll wait you here nalang..

Sent!

Ayoko mauna sa canteen, kahit medyo gutom na ko. Sanay na siguro ko na kasabay ko siya lagi.

15 minutes passed..

Siguro andami niyang ginagawa?

20 minutes passed..

Papunta na yun panigurado..

30 minutes passed..

Kruuuuu... Kruuuu.. wala na kong masabi. Tiyan ko na yung nagsasalita.

Haist. Kahit labag sa loob ko, binitbit ko yung bag ko at naglakad papuntang canteen.. hindi ko ba kaya yung gutom ko ehh..

Nakita ko naman si Kent kasama yung gf niyang di ko kilala.. Sabe niya si Janice Matteo daw dinedate niya? Tsk. Di talaga makuntento sa isa.

Pagka nagkaboyfriend ako, gusto ko yung ako lang.. Ayoko ng playboy. Gusto ko sakin lang siya nakatingin yung mga ganon ba. Hahaha!

Umorder na ko ng pagkain ko.. pero hanggang ngayon nakatayo pa din ako..

Antagal ko kasing nag intay kay Jake kaya halos puno na yung canteen. tsk san naman ako makikiupo dito?! Ayoko naman sa harot kong bestfriend at baka masira ko moment nila.. Ala naman akong ibang friends. Cause I hate plastikan, kaya ayoko sa girls.

Tumingin tingin pa ko at sa bandang dulo may isa nalang vacant na lamesa. Uupo na sana yung lalaki, dali dali akong naglakad palapit dun at inihagis yung tray ng pagkain ko sa lanesa para ako yung nauna. Buti nalang at di tumapon yung pagkain ko.

"Hoy. Ako nauna diyan ahh?!" singhal nung lalaki

Umupo ako agad at nginisihan siya..

"Really? E bakit ako nakaupo dito at ikaw naman ay nakatayo diyan?"

Kinilabutan ako sa ngiti na pinukol niya sakin.

"Kasi mang'aagaw ka.. Meron ng nag mamay ari, inaangkin mo pa.."

Napaseryoso ko sa sagot niya.. Parang double meaning yun ahh..

"Excuse me?! Hindi mo pag aari ito, this is strictly school property! Pareparehas tayong may karapatan dito. Kaya wag kang magmarunong! Wag kang magsasalita sakin ng ganyan cause you don't know who I am!"

"Akala ko ba matalino ka Sophia?"

At halos malaglag ko yung balikat ko.. Sino ba to?! Bakit kilala niya ko?!

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon