Chapter 23: The Day

53 1 0
                                    

Mabilis ng lumipas ang panahon. Andyan na yung nakagraduate kami, nakahanap na ng trabaho. Naging busy na sa kanya–kanyang buhay pero nanatili kami ni Jake na magkasama. Kahit madalas kami mag-away. Andami na ngang nagbago.

Unti-unti nang naghihilom ang puso ni Jake, hindi na to katulad ng dati na puro Maica ng Maica. Binuksan na niya ang puso niya para saakin. Cheesy. Oo pero yun yung totoo e. Yun na yung nararamdaman ko.

"Babe. Happy 5th monthsary!"

Bati niya saakin. Bitbit ang isang boquet at teddy bear.

"Happy monthsary babe. Sorry hindi umabot yung pinagawa kong bracelet natin e. Bukas ko nalang ibigay."

Niyakap niya ako. At hinalikan sa noo.

"Ayos lang kahit wala ng regalo. Ikaw lang eh."

"Ako lang ano?"

Bigla niya ako hinalikan sa tenga at bumulong..

"Sapat na."

Kinilig naman ang ate mo. Kinurot ko nalang siya sa tagliran.

"Haha. Kinilig siya dun!"

Panunukso niya sakin habang akap akap ako.

"Utot mo."

"Wehh? Di ka kinilig?"

"Isa pa Jake!"

"Hahaha. Kiss mo muna ako."

"Wala kang kiss. Magtiis ka."

"Anla. Andamot naman ng girlfriend ko. Kiss lang eh!"

"Lumubay ka nga!"

"Isa lang."

"Bukas."

"Bukas pa?!"

"Hindi next year."

"Tss."

"Hahaha. Oh ano? Pikon ka na?"

Hinawakan ko yung tigkabila niyang pisngi at pinisil pisil yun. Nakatitig lang siya sakin hahaha.

Hinalikan ko siya ng saglit.

"Arte mo."

"Ikikiss naman din pala eh."

"Epal ka kasi e."

"Tara na. Akala ko ba aalis tayo?"

Nandito kasi kami sa condo niya. Ako pa talaga pinapunta niya dto. Epal siya.

"Dito nalang tayo."

"Akala ko ba magdedate tayo?!"

"Kaya nga. Magdedate tayo dito!"

"Ano naman gagawin natin dito aber?"

"Mahihiga."

"Jake nga! Tumino ka."

"Bakit ba? Haha ayaw mo ba nun?"

"Ikaw nalang magdate mag-isa mo."

At iiwanan ko na sana siya pero bigla niya akong binuhat patiwarik.

"Aaah! Jake ibaba mo nga ako."

"Jakeeee!"

Inilapag niya ako sa kama niya. Gagong 'to!

"Hoy impakto ka!"

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon