Chapter 57: Almost

26 1 0
                                    

Ladies & Gentlemen, now We're approaching Philippines where the local time is 09:00.  At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened.  Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front.  Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off. Thank you.

“Finally.”

After all the dramas, naging okay na ulit sila ni Kent. Kent reminded himself to be more extra careful with Sophia.

“Love, I need to be early. May meeting kasi kami. But I'll be back at 12.”

“Ah sige.”

“Pero intayin mo nalang din ako. Sabay na tayo mag-lunch.”

Tumango nalang si Pia at ginawaran naman siya ni Kent ng halik sa noo.

Nang makaalis si Kent ay wala nang magawa si Sophia. Alam niyang magagalit si Kent kalag gumawa siya ng gawaing bahay.

Pero naisip niyang mainam din naman sa buntis ang nag-gagagalaw.

Inayos niya ang mga damit ni Kent sa drawer niya. Konti lang ang dalang damit ni Kent dahil kung minsan ay umuuwi ito sa bahay niya.

Madalas lang matulog ito dahil gusto niyang may kasama si Sophia. Ni-hindi din nila napag-usapan kung paano ang magiging set-up nila matapos makuha ang resulta ng paternity test.

Ayaw niyang pangunahan si Kent sa ganong bagay dahil unang-una, hindi niya alam kung saan siya pupwesto sa buhay ni 'to kung hindi man si Kent ang ama.

“Bahala na ang tadhana.” Nasabi nalang niya sa isip niya.

Pero masama ba siyang babae? Kung hihilingin niyang sana si Kent nalang ang maging ama ng anak niya. Hindi dahil si Kent ang nandyan.

Dahil iba si Kent, sa kahit na sino, maging kay Jake man. And at this point of her life, ganon lang siya nakaranas mag mahal ng sobra. At kay Kent lang yun.

Napangiti siya ng makita ang litrato nila ni Kent. Sino ba mag-aakala na ang dating bestfriend niya lang ay ang lalaking pinakamamahal niya na ngayon.

Kahit magpaka-panatag si Sophia sa mga oras na 'to. She can't help but to feel nervous. Alam niyang ganon din ang nararamdaman ni Kent. Pero ni-kahit isang assurance wala siyang maibigay kay Kent. Natatakot siya. Paano kung magulong muli ang mundo niyang unti-unti nang nabubuo.

Baka masiraan na talaga siya.

Napa-balikwas naman siya ng tumunog ang cellphone niya.

From: Kent

Love, im sorry hindi ako makakauwi. Something came up. Babawi nalang ako tonight. Paki-init nalang pagkain mo sa fridge then yung medicine mo. I'm really sorry love. I'll make up to you, later. I love you.

Ni-replyan niya nalang ito ng 'Okay.'

Matapos niyang magligpit. Hindi niya na alam ang gagawing pag-patay oras.

She tried to contact Shaqle. Para mag-pasamang manggala. But she cannot reach him.

So, she decided na siya nalang mag-isa ang mag-ikot sa mall. Saglit lang din naman siya.

After she finished doing her stuff, nagtaxi nalang siya papunta sa isang mall. Duon nalang din siya maglulunch.

“Salamat manong,” Pag-abot niya ng bayad.

Pumunta muna siya sa madalas na resto na kinakainan niya para maglunch. Matapos non ay nagpunta siya sa super market para bumili ng ilang grocery na kulang na sa condo niya.

Kasalukuyan siyang namimili ng cereal niya ng madako ang kanyang mata sa isang lalaki.

Nanginig ang buong katawan niya, kahit ang cereal na hawak niya ay nabitawan niya.

Mabilis niyang hinawakan ang tyan niya.

“Pia.”

Napaatras siya.

“Pia!”

Mabilis siyang tumalikod at naglakad ng mabilis.

Takbo't lakad na ang ginawa kahit ang bibilin niya ay naiwan na.

Halos mapatalon naman siya ng biglang may humawak sa braso niya.

“Sophia.” Tinitigan niya lang ang tumawag sa kanya at niyakap.

Napahagulgol na siya. “Shaqle...”

“What happened?” inalo naman siya kagad ni 'to.

“Ang ibig mong sabihin—”

“Oo Shaqle! He's here. Jake is here! He tried na lumapit sakin. I got scared. Kaya tumakbo ako.”

“I don't know kung napansin niya yung tummy ko. Fuck. Ano ginagawa niya dito?”

Nasa kotse na sila ni Shaqle at pauwi na.

“Please, wag mo munang isipin yun. Your test will be in days.”

“Paano pag nalaman niya? Shaqle paano kung mag-negative si Kent? At nandito sa bansa si Jake!”

“Kalma buntis. You can't take away his right if he's the father. Alam mo yan. Kahit nandito o wala si Jake, if he's the father. You have to tell him.”

“No!”

“Shaqle are you out of your mind? Kung siya man ang ama, kahit dulo ng daliri ng anak ko wala siyang karapatan. Bakit. Shaqle kung ako nga e, naitapon niya ng ganon ganon lang. Itinapon niya ako dahil lang sa bumalik si Maica. Paano pa ang anak ko? Hindi. Ayokong maranasan ng anak ko na ibasura nalang.”

Inihinto muna ni Shaqle ang kotse sa gilid. He wiped Sophia's tears.

“I know the feeling Sophia. Alam ko. Soon, matatanggap mo din. Mauunawaan mo din. But for now, stop crying. Masama sa bata yan, buntis.”

Hinampas lang siya ni Sophia.

“Wag ka ng mag-alala ng kung anu-ano. Get it?”

Mahinang tango lang ang sinagot ni 'to.

Pagkauwi nila ay tumambay muna sj Shaqle sa unit niya habang wala pa si Kent.

“Wala ka bang gustong kainin?” tanong ni Shaqle.

“Libre mo ba?” tanong niya habang naka-ngisi.

“Name it.” Sagot naman ni Shaqle.

“Sige. Gusto ko ng manggang hilaw na may bagoong na may sili.”

“Yun lang?”

“Madaming ganon!”

“Wish granted, buntis.” Tumayo na si Shaqle para ibili siya ng mangga.

“Saglit lang 'to.”

Inorasan niya ang pag-alis ni Shaqle dahil nangangasim na talaga siya sa mangga.

Nang may kumatok sa unit niya ay excited na excited niyang binuksan yun.

“Nakabili ka?!” Tanong niya pagka-bukas niya ng pinto.

Nawala naman ang ngiti sa kanyang labi.

“Pia.”

At napalitan na 'to ng galit.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon