Chapter 26: Guy Issues

49 1 0
                                    

"Ma nakalimutan ko sabihin sa inyo. Inaaya nga pala kami ng Mama ni Jake na mag-outing. Bukas na daw yun eh."

"Ha? E ilang araw naman kayo dun?"

"One week po ata. Nagbakasyon kasi sila dito eh. Paalam mo nalang ako kay Dad Ma."

Wala kasi si Daddy. May inasikaso lang daw saglit pero dito lang din.

"Ano ang ipapaalam saakin?"

Bigla namang dumating si Dad at nakapamewang. Naka-business attire pa ito.

"Daddy! Mag-oouting kami nila Jake, kasama parents niya bukas. One week kami dun. Okay lang ba?"

"Ano? Ba't antagal naman?"

"E Dad bakasyon narin kasi ng parents ni Jake yun eh. Sige na!!"

"Dad, payagan mo na yan. May tiwala naman tayo sa boyfriend niyan eh. Hayaan mo na." Sabi naman ni Ma

"Kaya nga Dad." Segunda ko naman.

"Pshh. Bahala ka. Mag-ingat nalang kayo dun. Pero kakausapin ko din yang boyfriend mo pagnagpunta dito."

"Yesss! Thank you Dad!"

Excited akong naggayak ng gamit ko. Dinala ko yung mga swim suit ko. Hindi naman ako yung babae na hindi nagsusuot ng two piece. Maganda naman kasi katawan ko kaya okay lang.

Maaga daw kasi alis namin sabi ni Jake. Susunduin nalang daw niya ako. Kotse naman niya yung gamit niya eh. Hiwalay naman kami ng sasakyan ng parents niya kaya hindi masyadong nakakahiya.


Nakusap na din ni Dad si Jake kahapon. Nako! Puro bilin lang ginawa nun. Sigurado.

Mga 5AM tumawag na saakin si Jake.

Babe. Okay ka na? Puntahan na kita dyan?

"Sige babe. Naayos ko na yung gamit."

Ilang minuto lang ng natinig ko na yung busina niya kaya bumaba na ako, dala yung mga gamit ko.

Nang makita ko siya ay napangiti ako. Ang gwapo niya kasi talaga.. Hinalikan niya ako sa ulo at kinuha saakin yung gamit.

Nang makasakay kami sa sasakyan..

"Matulog ka pa babe. Maaga pa eh.."

"Sige.."

Inaantok pa kasi talaga ako. Binigyan niya naman ako ng unan. Kaya hindi nangalay yung ulo ko.

Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mukha ko. Nagulat ako kaya napatayo ako. At takte na sa kotse parin pala ako ni Jake at bumabyahe parin pala kami.

"Oh babe?!" Nagulat siya dahil nauntog ako.

"Aray.." Daing ko kasi medyo nahilo ko.

"Ano ba naman kasi yan. Saan ba masakit?"

Hininto niya yung sasakyan sa gilid at tinignan yung noo ko.

"Wala 'yan. Okay naman na ako."

Hinalikan niya na lang yun. At tumuloy na sa byahe.

"Ingat naman babe.."

"Nagugutom ako."

"Ano gusto mo kainin?"

"Hmm. Gusto ko kanin."

"Sige. Diyan nalang tayo sa may kainan na madadaanan natin."

May karinderya kaming nadaanan akala ko nagbibiro lang siya. Kasi, di ko maisip na kakain siya sa ganyang kainan. Sakin ayos lang kasi madalas kmi ni Kent sa mga ganyan.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon