Chapter 14: Changes

55 2 0
                                    

Kanina pa ko namimili ng damit ko.. Nag aaya kasi si Kent ng dinner sa labas. If I know, sa Jollibee lang niya ko dadalin. Kuripot na yun!

In the end, nag jeans lang ako at nag off shoulder blouse. Trip kong iexpose ang aking balikat ehh..

"Hoy di ka pa ba tapos?"

"Apurang apura lang? Malapit na."

Ni-hindi na ko nagmake up.. Simpleng lip gloss at powder lang.

Sa Fast food chain lang kami pupunta, magpapaganda pa ba? Lumabas na ko sa kwarto at bumungad ang isang lalaking inip na inip.. Wow. Naka'longsleeves ang loko na tinupi hanggang siko well lalo namang nakita yung ganda ng hubog ng katawan niya kasi fit sa kanya.. At nakashades pa!

"Okay na! Let's go.."

At hiltak hiltak ko siya.

"Teka nga.." huminto siya. Tinanggal niya yung suot niyang shades at pinagmasdan ako.

"What?"

"Ganyan lang suot mo?"

"Oo. Ano masama sa suot ko?"

"Hmm. W-wala naman, tara na nga."

"Okay!"

Sumakay kami sa kotse niya.. Di ko alam kung saan kami kakain pero malakas talaga pakiramdam kong sa mall lang.

"Kamusta?"

Bigla siyang nagsalita

"Ha?"

"Uhmm. Matagal na yung huling pangangamusta ko sayo ehh.."

"Ahh. Ayos naman ako."

"Hindi na tayo open sa isa't isa.."

Ano ba pinagsasabi niya?

"Hmm. Sa tingin ko kasalanan ko, bestfriend pa ba turing mo saakin?"

"Ano ba pinagsasabi mo? Of course. Bestfriend kita simula noon, ngayon, bukas at sa kinabukasn at sa kinabukasan pa.."

Sinubukan kong mag joke, na-aawkward ako sakanya eh.

"Talaga? Bestfriend pa din?"

"Oo naman! Mahal kita, kasi bestfriend kita.. Mahal kita kahit playboy ka at mahal kita sa kung ano ka.. Kaya wag kang ano, bestfriend parin!"

Hinampas hampas ko pa siya sa braso niya.

"Hahaha.. Mabuti. Mabuti kung ganon..."

"Saan ba tayo pupunta?"

Nakalampas na kasi kami sa Mall..

"Secret!"

"Tsss. Bilisan mo na at nagugutom na ko.."

"As you wish baby.."

Minsan yung pagtawag niya saking baby, feeling ko may malisya pero mas madalas e feeling ko pang baby sister lang yun.. Kasi alam ko kung gano niya kagusto ng baby sister.. Kaso naghiwalay na yung Mommy niya at Daddy niya..

"Ano iniisip mo?"

"Wala.. Di mo ba namimiss Daddy mo?"

"You know how much I miss him."

Yes. Alam na alam ko.. Nung naghiwalay yung mommy at daddy niya 13 lang siya nun.. Feeling niya walang wala na siya nun kasi sobrang lapit niya sa Daddy niya.

Akala ko nga di na siya makakarecover dun kasi lagi siya nag iiinom sa bar kahit bawal siya dun kasi below 18 siya.. Laging nagwawala at kung sino sinong babae kasama. But now thanks to God na sa babae nalang siya adik.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon