Chapter 32: The Girl

49 1 0
                                    

Nakauwi na't lahat si Pia pero wala parin siyang natatanggap kahit ni-ha ni-ho kay Jake. Pagdating niya sa bahay nila nadatnan niya si Kent na nanunuod.

"Ang aga mo?"

"Wala lang. Nagtaxi ka lang?"

Tanong nito, dahil walang sasakyang pumasok sa garage nila.

"Oo.."

Umupo 'to sa tabi niya. At hinilot ang ulo niya, kanina pa kasi sumasakit.

"Asan si Jake? Di ka niya hinatid?"

"Ewan ko dun."

"Magkaaway kayo?"

"Ewan ko.."

Hindi na pinilit ni Kent taungin tungkol dun si Pia, dahil pansin niyang wala na 'to sa mood.

"Bumalik ba si Tito Gabriel?"

"..ewan ko. Hindi ko pa nakakausap si Mom,"

"Hayy.."

Humiga siya sa hita ni Kent.

"Badtrip ako kay Jake! Biruin mo ha simula kahapon di niya ako tinatawagan o itext man lang.."

"Bakit ba kasi?"

"Ewan ko sa kanya. May sapak ata."

"Hahaha. Yaan mo na."

"Ang sakit ng ulo ko. Nakakapagod magtrabaho."

"Akala ko ba mag-aaral ka ulit?"

"Hindi pa offer eh. Ieenjoy ko muna 'to. Ikaw kamusta trabaho mo dun?"

"Mahirap. Tambak yung gawain, pero wala eh. Nagsisimula pa lang tayo."

"Kaya natin yann! Stress ampota."

Nanuod lang silang dalawa at nagkwentuhan. Nang maisip nilang lumabas, nag-aya bigla itong mag7/11.

"Mag-icecream tayo?"

"Ikaw bahala."

Bumili ito ng ice cream at apat na siopao. Tigalawa sila. Ganyan silang dalawa pag stress. Ikinakain.

"Namiss ko 'tong siopao!"

Umupo sila sa labas ng 7/11. Malamig kasi ang hangin at wala nang masyadong nagdadaan.

"Kent.. Sa tingin mo stable na kami ni Jake?"

"Ewan ko.. Hindi naman natin pwedeng diktahan ang gusto ng kapalaran."

"Sana kami na talaga. Nakakatampo ka na, alam mo ba? Ilang taon na pero di ko parin nakikitang magkasama kayo ni Janice.."

"Nilubayan kona, hindi naman na kasi maayos eh. Parang wala lang."

"Pero sabi mo seryoso ka na sa kanya.."

"Oo nga, pero hindi naman ibig-sabihin hindi na ako magsasawa sa kanya.."

"Grabe 'to! Siya pa talaga ha."

"Alangan naman ako."

"Pero seryoso, ayusin mo na buhay mo. Matanda ka na. Di ka na pwedeng palaro-laro."

Tanging kibit balikat lang ang sinagot ni 'to. Hati lang sila sa isang half gallon na ice cream. Kaya't nag-aagawan pa sila.

"Hindi pa kasi dalawa binili mo."

"Wala akong pera!"

"Sus."

Napatigil si Pia sa pagsubo ng mapansin niya yung pamilyar na kotse na huminto sa bahay, mga apat na bahay ang layo nila.

"Si Jake."

Sambit niya. Kaya napatingin sa kanya si Kent, tinignan nito ang titinignan niya. May kasama itong babae, pinagbuksan niyang pinto ito. At nagtatawanan pa.

"Tarantado talaga!" Bulyaw ni Kent, akmang tatayo na siya para sugurin si Jake pero hinawakan siya ni Pia.

"Wag."

"Pia ano ba?! Bitawan mo ako ng mapatay ko 'yang gago mong boyfriend.."

"Tara na Kent."

"Pia —"

"Tara na Kent!"

Nagtaas na 'to ng boses. Kaya wala siyang magawa kundi ang maglakad papunta sa kotse niya.

"That assh***. Ano ba kasi nangyare sa inyo?"

"Hindi ko alam, bigla nalang siya nagkaganon."

Napaiyak na 'to. Kaya hininto muna ni Kent yung sasakyan para makausap ang kaibigan.

"Wala naman akong ginagawa eh.. Pinalitan niya na ba 'ko?"

"Shhh.. Tumahan ka na, hindi ka dapat umiiyak dahil lang don,"

"Pero yung..babae..."

"Tahan na.."

He sighed. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan niya.

Nang makauwi silang dalawa nagkulong nalang sa kwarto si Pia, umuwi na din si Kent sa bahay nila.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon