Chapter 19: Second Date!

65 2 0
                                    

Pumasok ako ng may ngiting tagumpay sa labi. Oo. Tama ka. Maganda ang mood ko. Bumaba ako sa kotse ni Jake at sabay kaming pumasok sa university.

Pagpasok namin, saamin kaagad ang atensyon. Nakaakbay kasi si Jake saakin. So what?! Inggit much lang mga 'te?

Ng dumaan kami, rinig ko pa na nagbubulungan yung iba. Hindi ko nalang pinatulan dahil feel na feel ko ang pagkakaakbay ni Jake saakin. Inirapan ko nalang sila. Napayuko naman sila.

"Ihatid na muna kita babe?" Tanong niya saakin, sa kabilang building kasi siya eh. I just nod to him. Oo tama din ang basa mo. Babe nga kasi. Girlfriend eh!

"Dito nalang babe.." Inakap niya ako. I kissed him sa cheeks lang.

"Sunduin nalang ulit kita after ng class mo. Okay?"

"Ge lang." Tumalikod na ako sa kanya at pumasok na sa loob ng room.

Mabilis namang lumipas ang oras, nagtext ako kay Jake na tapos na ang klase ko. NagCR muna ako kailangan magretouch. Alam mo na? Hahaha

Pumasok muna ako sa cubicle para umihi ng may marinig akong tatlong babae na pumasok sa CR nagkukwentuhan sila.

"Gurl know muna ba yung news about sa ex-boyfie mo and dun sa gurl na malditang chaka." Chismosa#1

Natapos akong umihi. Pero hindi parin ako lumalabas.

"Si Jake?" Sagot nung isa. Sa boses pa lang kilala ko na kung sino siya. Si Maica yung babae at kasama niya yung dalawa niyang alipores.

"Oo gurl. At yung Pia Maldita na yun, magjowa na pala sila! Ang kire lang talaga diba?" Sagot nung isa. Aba't matindi, sino siya para magsalita ng ganon sakin? Nagpipigil akong lumabas at pagsasampalin sila dahil gusto kong masampal na masakit na katotohanan si Maica na kami na ni Jake at natalo siya.

"What about her?" Tanong ni Maica. Mukhang nag-mamake-up sila.

"Ano ba? Sila na! Kagabi lang. And guess what? Sabay silang pumasok at nakaakbay lang naman yung ex-boyfie mo sa kanya. At bali-balita pa na nagpunta sila sa condo ni Jake."

"What?! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun! Ingungodngod ko siya! Ang landi landi niya. Oras na malaman kong pinlano niya lahat 'to. Susu-"

Hindi na ako nakapagtimpi. Padabog kong binuksan yung pinto ng cubicle at hinarap sila.

"Ano? Ano gagawin mo Maica? Yan lang ba kaya mong gawin ang tirahin ako patalikod? Huh? Pathetic." Inirapan ko siya

"Bakit Pia? Hindi mo ba 'to plinano? Umpisa pa lang alam ko nang habol ka ng habol kay Jake pero sorry ako ang nauna. Nilandi mo lang." Kating kati na yung kamay ko. Aba! Si Jake ang nanghingi ng pabor saakin. At hindi ko 'to plinano. Isang malakas na sampal ang lumandas sa makapal niyang mukha. Malutong ang pagkakasampal ko dahil sa sakit ng palad ng kamay ko at nakita ko ang pagbakat ng kamay ko sa pisngi niya.

"How dare you?!" Sasampalin sana niya ako pero hinawakan ko yung kamay niya. Gamit ang isa kong kamay sinampal ko siyang muli. Mas malakas.

"Sa uli uli kilalanin mo muna kinakalaban mo Maica. Oo nagkagusto ako kay Jake pero I'm so sorry to tell you na siya ang may gustong maging kami. At oo Maica walang nangyareng ligawan pero mas lamang ako sa'yo. Nasa akin na siya at kahit kailan di ko na bibitawan. Bastarda!" At isa pang sampal ang ibinigay ko sa kanya. Masyado ng masakit ang kamay ko. Tinalikuran ko na silang tatlo. Hindi parin nakakapagreact si Maica sa nagawa kong sampal pati ang dalawa niyang alipores nakanganga lang. Sorry Maica pero akin na siya..

Ng makalabas ako sa CR nakita kong tinatawagan ako ni Jake. Sinagot ko ang tawag niya,

"Hello?"

Nasaan ka? Nasa labas ako ng room niyo, wala ka.

"Papunta na ako diyan. NagCR lang ako sandali."

Sige. Intayin kita.

Mabilis akong naglakad pabalik ng room, nadatnan ko siyang nakasandal sa pader ng hallway. Napangiti ako, finally akin na din siya!

"Babe!" Tawag ko dito kaya lumingon siya sa gawi ko.

"Tara na.." Naglakad kami,

"Saan ba tayo pupunta? Wala ka na bang klase?" Sinukbit ko ang kamay ko sa may braso niya.

"Meron mamaya pang 2:30. Ikaw san mo ba gustong pumunta?" Tinatamad naman na akong pasukan yung last subject ko. 1 hour lang kasi yuon.

"Hindi na ako papasok sa last subject ko, boring lang naman siya eh. Nood tayong sine?"

"Tss. Pasukan mo na.. Anong oras ba?"

"Mamaya pa namang 3."

"Okay, manuod muna tayo ng sine. Babalik nalang tayo dito bago mag 2:30."

Sa kotse niya kami sumakay. Walanjo nga naman oh, si boyfriend nagcecare! Pero dapat lang ah. I'll make him fall for me!

"Kain muna ba tayo? Nagugutom ka na ba?" Patingin tingin siya saakin habang nagdidrive siya.

"Sige kain na muna tayo, ahh.. Jake.." Tawag ko sa kanya

"Yes?" Hindi siya lumingon saakin, at nakatuon lang siya sa daan. "May..ahm? M-May possibility pa bang b-balikan mo si Maica? Kung hindi magwowork yung atin?" Napayuko ako sa naging tanong ko sa kanya.

"R-Random question lang?"

"I.. Pia, I don't know..."

So hanggang ngayon pala mahal pa din siya ni Jake. Impakta talaga ang babae na yun! Haist. Kailangan na talaga ni Jake mahulog sa karisma ko. Nako. Kahit wala siyang assurance na maibigay saakin, kahit alam kong pwede akong mabigo dito, susugal ako.

"O-Okay ka lang?" Tanong niya saakin, I just shrugged my shoulder ng nalaman naman niyang nasasaktan ako..

"Sorry.. I'm sorry, i-if you want lets end--" tumingin ako sa kanya "No. Its fine with me. Okay lang saakin na rebound mo ako." Pabulong kong sabi

Ng makarating kami duon, naghanap lang kami ng kainan na di puno. Kumain kami after nun nag-aya na siyang manuod.

"A Second Chance nalang?" Tanong ko. Wala kasing magandang palabas, he just nod at bumili na ng ticket namin.

"Gusto mo ng popcorn? I'll buy.." Hindi pa man ako nakakasagot, naglakad na siya papunta sa stall ng popcorns. Naiiling nalang ako.

Pagpasok namin sa loob madilim na, nauuna ako sa kanya maglakad. Kaya ng matalisod ako, hinawakan niya ako sa bewang.

"Careful.." Jusko, natutuyo ang laway ko sa kakemihan niya. Okay! Kinikilig ang dyosaa.

"Ahm? Sa taas nalang tayo.." Sumunod lang naman siya saakin. Pumwesto kami sa may bandang gitna.

"Nauuhaw ako.." Iniabot niya saakin yung softdrinks na binili niya kanina kasama ng popcorn.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niya habang humigop siya sa ininuman ko. Ano ba yan! Huhu masyado na akong kinikilig. Umiling ako sa kanya. Nakaschool uniform pa kasi kami.

Umakbay naman si Jake saakin. At hinilig ko naman ang aking ulo sa balikat niya.

Hindi ko na maintindihan yung palabas dahil kinikilig ako kay Jake tsaka hindi rin ako makarelate sa movie eh. So? First Date ba namin to ni Jake na magboyfriend? *Insert super duper over smile*

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon