Chapter 37: Picture

41 2 0
                                    

Maagang dumating si Jake kila Pia para ihatid siya sa opisina. Lutang ito. Para bang hindi nakatulog.

"Ayos ka lang?"

Tanong ni Pia. Halata kasing may problema 'to.

"Oo."

"Hindi ka naman nagtext kagabi kung anong oras ka ng nakauwi."

"Sensya na. Pagod na kasi ako."

"Ayos lang."

Hindi na ito muling umimik. Ibang-iba ang araw na 'to para kay Pia usually madaldal ito pagnagbbyahe sila. Pero ngayon para siyang walang gana.

Kinuha niya ang isang kamay nito at hinwakan. Tumungin naman ito sa kanya. Nginitian lang to ni Pia. Pero kahit pag ngiti nito parang pilit.

"Bye babe. Text me pag nakarating ka nasa ospital. 'kay?"

Tumango lang 'to. Hibdi pa siya bumababa dahil hindi pa 'to nag-ii love you sa kanya pero nang 2 minutes na ang nakalipas. Mukhang wala atang balak magsabi. Kaya bumaba nalang siya.

Nakakapanibago para sa kanya yun. Dahil lagi siya nitong sinasabihan nun bago umalis. May mali talaga, naisip niya.

Daladala ni Pia ang problema na yun hanggang sa trabaho kaya napuna na ni Kent.

"Problema mo?"

Inabutan siya ni 'to ng coffee.

"Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga. Masakit lang ulo ko."

"Sabi mo eh."

Nagdaldalan lang sila ni Kent dun habang walang ginagawa.

"Ma'am delivery daw po." Katok ng sekretarya niya.

"Saan galing?"

"Ma'am wala pong nakalagay."

Pinirmahan niya nalang. At kinuha ang isang envelop.

"Ano kaya 'to?"

"Aba ano malay ko. Magkasama tayo dito."

Binatukan niya si Kent. Na-tatawa tawa.

"Pilosopo!"

"Ba't di nalang kasi buksan, tinanong pa sakin. Letse."

"Eto na nga oh. Bubuksan na. Daming sinabi."

Binuksan niya na yun. At kinuha yung laman, mga litrato. Litrato ni Jake at Maica.

"What the fuck."

Napamura siya sa mga kuha na yun. Napakunot din ng noo si Kent nang makita yun.

Isang damakmak na picture yun. Mga kuha na magkahawak kamay si Jake at Maica, may magkadikit sila, at may magkahalik sila.

"Kelan ba kasi dumating si Maica dito?!!"

"Nung isang araw lang. Kelan sila nagkita?"

"Tang ina naman oh. Nagkikita ba sila? Hayop talaga. Ahhhh!"

Binato ni Pia ang vase na nahawakan niya. Buti na lamang di natamaan si Kent.

"Pia.. Kalma ka lang!"

"Kent... A-Ano to? Bakit.. Bakit may kuha sila ng ganito. Pwede namang photoshop lang 'to diba? Sino ba kasi nagpadala nito?! Ano ba problema! Ba't wala man lang sinabi si Jake— K-Kaya ba.. Kaya ba ganon kinikilos ni Jake? Kaya ba hindi niyang magawang tumingin sa mata ko at di niya magawang sabihing mahal niya ko kasi may nagyayareng ganito?!"

"Sophia. Wag ka munang magconclude kaagad. Hayaan mong iexplain ni Jake 'yung nangyare."

"Okay lang naman kung magkita sila Kent. Pero yung maghalikan naman na sila. Nakakabastos naman na 'yun. Ako yung girlfriend dito!"

"I know. Tumahan kana."

Hindi niya alam na napaiyak na pala siya kakahiyaw.

"Kailangan kong malaman ang nangyare dito!"

"Go. Ask him."

Kaagad na pinuntahan ni Pia si Jake sa hospital. Pero may pasyente pa daw 'to. Laya naghintay pa siya kwarto ni 'to.

"Pia.."

Tawag sa kanya ni Jake ng makapasok.

Inilapag niya yung mga litrato sa harap ni Jake.

"Kailangan ko lang ng isang maliwanag na paliwanag mo Jake."

Kaagad yung kinuha ni Jake at napakunot ang noo.

"S-San mo nakuha 'to babe?"

"Paliwanag mo lang ang hinihingi ko Jake.."

"Pero–"

"Ikaw ba yung nasa picture na yan? Kayo ni Maica, tama ako diba?"

"Saan mo ba kasi nakuha 'to?!"

"May nagpadala sakin Jake. Ipinadala sa opisina ko, pero hindi sinabi kung kanino galing. Pero alam na alam ko naman na kung sino ang nagpadala niyan e. Now tell me, ano 'to!"

"It was nothing! Aksidenteng nagkita lang kami–"

"Aksidente?! I don't believe you. Sasabihin mo din ba saking yung halik na yan, aksidente din?!"

"Pia nagsasabi ako ng totoo."

"Kaya ba hindi mo magawang magsabi ng i love you kanina because of this shit! Kaya ba hindi mo ko kayang tignan sa mata Jake!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Nag-usap nga lang kami. And about the kiss hindi ako ang nag initiate. Alam mo naman ayaw kitang saktan!"

"Ginagawa mo na Jake. Kasi sobrang sakit na."

Napaiyak na talaga siya. Kaagad siyang umalis sa lugar na yun. Kailangan niyang mapag-isa. Hindi na kasi kayang iabsorb ng utak niya ang nangyayare.

"Ba't ba kasi kailangan niya pang bumalik?!"

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon