Chapter 39: Sorry

49 4 1
                                    

Dedicated to you hermionedc99. Thank you for voting my story. :)

"Kailangan mong kumain Sophia."

Katok ng Mama ni Pia sa kwarto nito. Maghapon na tong hindi lumalabas.

"I will Mom. Just leave me alone."

"Anak nandito si Kent, kausapin mo naman. Kahapon ka pa inaantay ng bestfriend mo. C'mon open the door."

Nagpantig naman ang tenga niya sa sinabi ng Mama niya?

Ha? Bestfriend? Kaibigan bang matatawag yun?! Sinira lang naman niya ang relasyon namin ni Jake! And now tell me, BESTFRIEND pa yun?!

"Hindi ko siya bestfriend! Walang bestfriend na magpapahamak sa bestfriend niya!!"

Sigaw ni Pia sa loob ng kwarto.

"Sophia walang bestfriend na gustong makitang nasasaktan ang kaibigan niya. Kahit mahal kita! Ako pa din ang gumawa ng paraan para sumaya ka. Para maging kayo ni Jake!"

She didn't believe to him.

Mahal? Ano alam niya sa pagmamahal? Kilala ko siya, he's a playboy. At alam na alam kong pinagtitripan niya lang ako! Ano ba kasi gusto niyang mangyare sakin?! Sinira na nga niya kami ni Jake oh! Tas mag-iimbento pa siya!

"Hindi ako interesado sa mga sinasabi mo Kent! It's too late, sige! Ikaw na ang tumulong para maging kami ni Jake pero Kent ikaw din naman yung sumira! Sinira mo na lahat!"

"I'm sorry! I just carried away that time, masyado na kong nasasaktan Sophia. Hindi ko kayo magawang tignan ni Jake kasi para kong mamamatay! Mahal kita e. Pero nagparaya ako, kasi alam kong sa kanya ka sasaya."

"Stop saying that words! Wag mo na kong gaguhin Kent! Ayoko na sayo! Hindi kita gustong makita!"

Narinig niyang umiiyak na naman si Pia. He has no choice but to leave.

Ano ba mali sa ginawa niya? Siya na nga ang nagparaya. Kahit masakit sa part niya ang makita si Pia na yakap ng iba. Hindi naman siya nagreklamo diba? Kasi alam niyang dun masaya ang kaibigan niya. Pero kahit ganon siya pa ang naging masama. Nilunok niya na lahat para kay Pia, ganito lang pala ang babalik sa kanya. Sana hindi nalang niya ibinigay ang kaibigan niya sa iba. Sana hindi nalang siya natakot magtapat sa kaibigan niya. Sana nagpakalalaki nalang siya. Pero tama nga si Pia. It was too late.

Ni-hindi siya makapagseryoso sa mga babae, dahil ang totoong gusto niya ay yung kaibigan niya. Simula pa lang, si Pia na ang nagmamay-ari ng puso niya. Pero dahil sa hindi niya magawang magtapat dito naging playboy siya. Sa iba't-ibang babae niya ibinaling ang atensyon niya, umaasang baka magselos si Pia at marealize na mahal din siya ni 'to.

"Tangna! Sobrang sakit."

Hindi siya iyaking tao. Pero sa oras na 'to hindi na mahalaga ang pagkalalaki niya. Sobra siyang nasasaktan.

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon