Chapter 16: Girlfriend?

58 2 0
                                    

Maaga ko nagising ngayon. Kasi ginising ako ng responsable kong kaibigan. Oo ginising ako ni Kent ng 3 o'clock in the morning para lang sa letseng recollection na'to.

Tinatamad talaga ko sumama pero hindi naman akong pwedeng hindi sasama. Iniayos ko nalang kagad yung gamit ko sa walk-in closet ko. Pinipilit kong di malatulog habang inaayos ko yung gamit ko.. Nakakainis 3 days pa kami dun.

Tinignan ko yung oras matapos kong igayak yung gamit ko. 4:20 na pala, kagad akong naligo at nag-ayos.

Maya maya lang narinig ko na si Kent sa pinto ng kwarto ko.

"Matagal ka pa?"

"Ikaw lagi ka nalang atat. Ang aga aga pa Kent."

Matapos yung nangyari kahapon, naging okay naman na siya. At nag sorry naman siya kaya pinatawad ko na siya. Kesa naman pahabain ko nanaman kababati nga lang namin ehhh

Binuksan ko na din yung pinto nung matapos akong mag ayos.

"Ohh okay na."

Hila hila ko yung isang maleta na may nakapatong na backpack ko tapos nakasukbit naman sa balikat ko yung shoulder bag ko..

"Pia? Yung totoo ilang araw tayo dun? Bakit parang yung dala mong gamit parang wala ng balikan.."

"Kakaunti pa nga yan ehh. Tsaka yung backpack puro pagkain laman non wag ka nga."

"Tsss.."

Binuhat niya naman yung backpack ko at yung maleta.

"Grabee. Ang bigat naman nito! Bakal ba laman nito?"

"Payatot ka kasi kaya di mo mabuhat. Damit ko lang yan, di mo pa kayang buhatin.."

"Wow ha? Ano ba malay ko kung ano pinag lalagay mo sa loob nito. Tsaka ano'ng payatot? Baka gusto mong ipahawak ko sayo yung abs ko.."

"Yuc--"

Hindi ko pa tapos sabihin yung 'yuck' ng kuhanin niya yung kamay ko at ipinatong sa tiyan niya na- oo nga may abs siyaa!!

"Iwww. Ano ba yan? Puro taba?!!"

Hinampas ko pa yung tiyan niya, syempre kunyari patay malisya hahaha.

"Hahaha e bat namumula ka?"

"Ang init kaya dito.."

"5am mainit. Oo nga 'no."

Epal talaga.

"Pwede ba ibaba mo nalang yan kesa kung ano ano sinasabi moo."

"Oo na po."

Bumaba na kami at sumakay sa kotse niya. Ilang minutes lang nakarating na din kami sa school at nagkalat na dun yung mga studyante.

Pinapasok na kami sa bus. Magkakaiba ng bus lahat ng department. Kaya di ko makakasama si Kent o kaya si Jake. Pumwesto ako sa gitna ng bus at sa bintana ako tumapat, inilagay ko naman ang gamit ko sa tabi ko para wala akong katabi. Hahaha

Iiglip muna ko at antok na antok na ko.. Nagpasak ng earphone at isinagad ang volume. Nagsuot ako ng shades.

[Now Playing: No Control, One Direction]

Inalala ko yung nangyare kahapon.

"Hi miss. Mag isa ka lang?? Gusto mo samahan kita. Malamig pa naman sa loob."

Grabe pagnakita ko ulit yung kupal na bouncer na yun sasaktan ko ang kaibaturan niya! Nakakakilabot siya! Eww. Ayoko ng maalala yon feeling ko na divirginized ako.

"Wag kanang mahiya miss. Ayos lang naman sakin ehh."

Nagulat ako ng hinimas niya yung pwet ko. Tangna manyakk! Uupakan ko na sana kaso.. kaso may nakauna sakin

Patuloy parin ako sa pagpa-flashback ng nangyare sa kahapon.

"K-kent?"

"FUCK YOU! Tangna mo. WAG NA WAG MONG MAHAWAKAN YUNG GIRLFRIEND KO! *BOOOGHHHH* Manyakin mo na lahat *BLAGGG* WAG LANG ANG GIRLFRIEND KO!! PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!!"

Teka- nananaginip na ba ko? Ano yung sinabi ni K-kent? Dumilat ako at kinurot ang pisngi para icheck kung gising nga ako at di nag iilusyon.

"Fvck."

Napamura ko ng malaman kong gising ako. Tinanggal ko yung shades ko. Napaayos ako ng upo ng nagflashback na naman sa akin yung sinabi ni Kent.

"FUCK YOU! Tangna mo. WAG NA WAG MONG MAHAWAKAN YUNG GIRLFRIEND KO! *BOOOGHHHH* Manyakin mo na lahat *BLAGGG* WAG LANG ANG GIRLFRIEND KO!! PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!!"

"G-girlfriend?"

Tanong ko sa sarili ko. Bakit di ko napansin yun kahapon? Tae. Nag iilusyon lang ba talaga ko o ano? Waah! Akala ko b-bestfriend ehh...

Waaaahh. Nakakahiya. Dyosko kailangan ko bang manghingi ng kopya ng CCTV dun sa mall para ma'sure ko lang? O itatanong ko nalang sa kanya kung talagang sinabi niya yun? Sasabog ata utak ko.. Ugh!

"Mag'sstop over muna tayo." anunsiyo ng prof namin

Di ko alam kung ilang oras ako nag'iisip kung pano gagawin ko, para masigurado yung sinabi ni Kent. Tinignan ko yung relo ko. 2 hours na pala kami bumabyahe.

Ng makahinto ang bus, tumayo ako agad at nag unat. Nangawit ako sa pwesto ko. Bumaba ako para sana umihi ng makita ako ni Kent. Naalala ko tuloy yung...

"Kamusta byahe niyo? Nagugutom ka ba? Ibinili kita ng pagkain, kung nagugutom ka."

"A-hh. Hindi ako n-nagugutom Kent eh. S-sige bye."

Dumiretso ako ng banyo at nagpaypay ng sarili.

Tanga Pia! Bakit ka nabulol?

UnfriendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon