FINN'S P.O.V
"TITA TIATIA WAKE UP!" sigaw ng kung sino kaya agad akong napabalikwas ng bangon, napakamot ako sa sakit ng ulo. Ano ba naman 'tong mga tao na 'to.
"Finally, tita" saad ni Lerix at inirapan pa ako bago yumakap kay Avril na nakangisi pa sakin, tss.
Agad akong tumayo at nag tungo sa bathroom para maligo dahil nag aya yung dalawa na mag mall daw, pinag bigyan ko na wala namang pasok saka wala din akong gagawin. Bukas na lang ako mag e-exam para sa finals, ilang months na lang ay g-graduate na ako.
"alright, tara na" aya ko sakanila at isinakay si lerix sa backseat si Avril naman ay sa passenger, habang na biyahe kame ay nag p-plano na kami ni lerix ng mga arcade na pupuntahan namin. Itong isa naman ay busy lang sa pag kalikot ng cellphone niya siguro nanlalaki na siya.
"Tita it's so big here!" tuwang tuwang pumalakpak si Lerix, ewan ko ba dito sa bata na 'to he's boy naman pero his voice is so girly. Parehas kaming sabay napatakbo ni Avril ng tumakbo na samin papalayo si Lerix.
"Lerix!" sabay na tawag namin sakaniya habang hinahabol siya, grabe naman 'tong bata na 'to pwede namang wag tumakbo. Energetic mo sis ha.
Ng mahabol namin siya ay binuhat ko na baka makawala pa e, mas mabait pa si vriltia dito hindi nananakbo pag nasa mall kami. Dumiretso kami sa jollibee dahil ito ang kanina pang kinukuda nitong bata na 'to. Mukha siyang sobrang saya sa buhay niya, ganitong ganito ako ng bata ako e not until mawala ang parents ko.
"Tita Avril it's so yummyy" masayang ani ni Lerix habang nakangiting nginangasab yung burger at chicken niya, natatawa na lang ako kase halos hindi maintindihan sinasabi niya.
"look at them! ang cute ng anak nila ano?" komento nung sa kabilang table, wow mukha pala kaming isang happy family ampunin ko na kaya 'to si Lerix kay tito Larry, papayag kaya 'yung matanda na 'yon????
"Hey, narini-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin niya. "nawp" kung hindi ko lang talaga mahal ang isang 'to baka nasa sako na siya ngayon.
Matapos namin kumain ay dumiretso na kami sa arcade, parang hindi lang si Lerix ang nag eenjoy mukhang pati 'tong babaeng yelo na 'to siguro kaya mayaman sila gawa niya, siya ang source ng yelo na tinitinda ng papa niya. Natawa ako sa sariling naisip kaya napalingon sakin yung dalawa at tiningnan ako na parang "why are you laughing look"
"Tita Avril? is my tita tiatia's psycho? do we need to send her to mental hospital?" bulong ni Lerix na rinig na rinig ko naman at si yelo naman tawang tawa din sa sinabi ni Lerix, isako ko kaya 'tong dalawa na 'to? one dot isasako kita.
Ang lagay ko ngayon ay para akong baby sitter ng dalawang bata na enjoy na enjoy sa pag lalaro, look guys oh.
Matapos namin ay agad na kaming dumiretso pauwi, 6:30 na din kaya anong oras nadin talaga. Enjoy na enjoy yung dalawa samantalang ako ay pagod dahil taga buhat ako ng mga pinapamili nilang dalawa.
"Tita tiatia i want to sleep na po" saad ni Lerix habang nahikab pa, ang cute cute talaga ng anak kong 'to, manang mana sa tita niya.
"let tita avril wash you first, i'll get your milk na" saad ko at agad namang nag tungo yung dalawa sa kwarto namin, ako naman ay nag tungo sa kitchen para kumuha ng fresh milk.
Agad akong umakyat at nakitang tapos na pala sila mag half bath, sana all kasabay si Avril mag half bath 'to talagang pamangkin ko sumosobra na siya. Ako nga di ko pa siya nakasabay maligo manlang e, palayasin ko kaya 'to?,
"What's with your face? parang biyernes santo mukha mo ah" puna ni Avril pero inirapan ko lang siya, nilapag ko 'yung baso ng fresh milk sa side table at agad namang kinuha yon ni Lerix at ininom.
Ako naman ay dumiretso na sa bathroom para maligo, i feel so lagkit and i feel so baho na kahit hindi naman ako malagkit at mabaho, ang bango ko kaya kahit amuyin mo ako para humimlay ka agad. HAHAHAHAHAHAHHAA.
Matapos kong maligo ay lumabas na ako at dumiretso sa walk in closet, nag suot lang ako ng boxer saka terno silky pants dahil cute na cute ako pag suot 'to tanong mo pa kay Avril.
Humiga ako sa tabi niya at sumimangot, natawa naman siya sa itsura ko kaya inirapan ko lang siya bago siniksik ang sarili sakaniya. She smell so good talaga promise as in, no lie. Gusto mo maki amoy? luh pakain kita megalodon ko.
"love?" tawag niya sakin, bahagya akong umangat para tingnan ang perfect niyang mukha. "Yes why?" sagot ko at hinalikan ang pisnge niya, hay sarap matulog kapag alam mong maganda kang fiancee.
"Would you still love me the same if i made a decision by myself?" tanong niya kaya agad kumunot ang noo ko. "No, kahit namab fiancee na kita ay wala padin akong karapan pakialaman ang mga bagay na gusto mong gawin" sagot ko at muling siniksik ang mukha sa leeg niya.
"i love you so much" bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, i feel so secure kapag ginagawa niya 'to sakin. Lalo kapag ganito ang posisyon namin, i feel so safe with her arms.
"I love you more than you love me love" saad ko at mas lalong hinigpitan ang pag kakayakap sakaniya na tinugunan naman niya ng yakap na mahigpit.
"I hope you still choose me in the future" saad niya kaya agad nangunot ang noo ko. " what do you mean ba love? of course i'll choose you and love you no matter what happens" sagot ko sakaniya, ngumiti siya sakin. At ang ngiti niya ay ngayon ko lang nakita, i mean parati na siyang ngumingiti sa harapan ko pero hindi ganito ka lambot hindi ganito kapayapa.
"You're the most beautiful woman in my eyes wifey, i will never hurt your feelings if you feel like you need someone to cry on you can always count on me, I love you, i really do love you so much" dagdag ko, ang ganda ganda niya talaga.
"thank you, i love you too so much. I don't know what i do in my past life to have someone like you, i feel loved, i feel secure, i feel safe, i feel the feelings i never feel before. You make me experience my dreams" saad niya, mas lalo akong yumakap sakaniya.
"you two are cringe you know that?"
Natigilan kami ng mag salita si Lerix na ngayon ay nakaupo na habang naka tingin samin at parang disgust na disgust yung mukha niya. Grabe naman 'tong bata na 'to, nag ka tinginan kami ni Avril at sabay na natawa.
A/N; HELLO, HERE'S SOME UPDATE GRABE 5HOURS AKONG NAG ISIP NG IDEA PARA SA SCENE NA 'TO, ABANGAN NIYO ANG CHAPTER 20 AT MAG READY NADIN KAYO HA. GOOD DAY, NOON, EVENING TO ALL OF YOU.