Cancelled

5.6K 174 85
                                    

FINN'S P.O.V

"Love.. what's the problem ba?" tanong ko sakaniya, kanina pa kase niya ako hindi iniimikan kung may sasabihin man ay sobrang lamig ng boses niya.

"Love? ano ba nagawa ko?" dugtong ko, hindi padin niya ako tinapunan ng tingin oh ano naman, kahapon naman ay okay na okay kami ang sweet sweet niya pa nga e. Panay halik at yakap siya sakin at sinasabing miss niya ako.

"Love? are you hungry?" tanong ko sakaniya, tiningnan niya lang ako ng malamig.

"Let's eat? libre ko love" dagdag ko pa kaya muli niya akong tiningnan na para bang inis na inis na siya sakin, ano bang ginawa ko?

"i'm not free today, i already set lunch with someone" malamig na tugon niya, nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Ngayon niya lang ako tinanggihan.

Muli na akong bumalik sa cafeteria dahil sinundo ko lang naman siya dito para ayain mag lunch kaso baka may kakausapin siya about sa business. 10 minutes na lang at time na ulit kaya dali dali na akong pumunta sa cafeteria.

"hoy 'te nasan na bebe mo?" tanong ni Vien, umiling lang ako bilang sagot bago umupo at kinain ang pagkain sa harapan ko. Nakakailang subo pa lang ako ay nag ring na, tangina gutom pa ako nakakatatlong subo pa lang ako.

Naka simangot akong tumayo kahit hindi pa ako tapos kumain, grabe naman ang layo kase ng office niya dito sa cafeteria e. Pero okay lang mamayang gabi naman ay sabay kaming kakain hehe.

Makarating namin sa room ay ibang professor ang pumasok, it should be her. Ganon ba talaga ka importante ang kakausapin niya at pati klase at niliban niya? tss.

Mabilis natapos ang oras pero sakin ay sobrang bagal non, sa wakas naman ay uwian na makikita ko na siya hehehe. Dali dali akong pumunta sa office niya at naabutan ko naman siya don kaya ngumiti agad ako ng malaki bago siya lapitan.

"hi babycakes ko, sabay tayo umuwi" masiglang saad ko sakaniya pero isang malamig na tingin lang ang ginawad niya sakin, kala ko ay magiging okay na kami.

"mauna ka na, baka 'di ako makauwi tonight may gagawin ako" malamig na saad niya kaya napangiwi na ako, nakakatampo na 'tong babae na 'to.

"love nama-"

"just go, nakakarindi ka na" putol niya sa sasabihin ko, parang may tumusok na milyon milyong kutsilyo sa puso ko dahil sa mga pinaparamdam at sinasabe niya. Pinilit ko na lang na h'wag tumulo ang luha ko sa harapan niya, bago ako umalis ay ginawaran ko siya ng mabilis na halik at yakap.

Diretso akong pumunta sa bahay namin at naligo ng mabilis. Agad akong pumunta sa sala, baka mag bago ang isip niya at umuwi siya ngayon at mag sorry sakin. Ang sakit niya ngayong araw ha hehe. Hindi na kaya niya ako mahal?

Hindi ko namalayan ang pag tulo ng sarili kong luha kaya natawa ako sa sarili, grabe naman 'tong araw na 'to galit sakin ang baby girl ko. Sana bukas ay okay na kami, tama bukas ay okay na kami. Papakasal na kaya kami next next week.

"Hoy! iniiyak mo d'yan?" sigaw ng kung sino kaya napatalon ako sa sobrang gulat, tangina talaga nitong mga 'to bigla biglang nasulpot.

"tarantado amp, naiyak sa palabas ah" natatawang saad ni Lucas kaya sinamaan ko sila ng tingin, agad silang nag si lapitan at kaniya kaniyang umupo sa sofa.

"so kamusta kayo ng babycakes mo? di ka padin ba pinapansin?" tanong ni sebby kaya umiling ako at sabay sabay silang natawa.

"naknampucha naman oh, bakit ko kaya kayo naging kaibigan?" biro ko kaya lalo silang natawa, mga gagong 'to.

"oh Sien, Viox nasaan mga girlfriend niyo?" tanong ko dahil hindi din nila kasama, siguro ay mag kakasama yung tatlo.

"mag kasama si Raquel at Harper, may meeting daw" sagot ni Viox kaya napatango tango naman ako.

I'M CAPTIVATED BY MS. MONROE [ON GOING]Where stories live. Discover now