FINN'S P.O.V
It's already 12 midnight, nagising ako dahil sa sobrang lakas ng ulan. Agad kong tiningnan kung may balita ba na mag karoon ng bagyo at meron nga siya mga sis. Yey, walang pasok bukas.
Tumayo ako para kumuha ng cold water sa kusina, naalala ko andito nga pala si Ms. Monroe na soon to be Mrs. Lucien ay shet talaga nga naman. Matapos kong uminom ng tubig ay babalik na sana ako ng malakas na kumulog. Napatakbo ako sa kwarto ko dahil feel ko takot siya sa kulog.
Pag pasok ko pa lang ay naka upo na siya at yakap yakap ang sarili, mabilis akong lumapit sakaniya at nilagay ang kanang kamay sa waist niya.
"hey, i'm here hmm?" pag papakalma ko sakaniya, tuloy pa 'din ang panginginig ng kamay niya at pag bagsak ng mga luha kaya hinapit ko ang katawan niya para lalo pa siyang mayakap.
Bahagyang kumalma ang panahon ganon na 'din siya, unti unting nawala ang panginginig ng kamay niya at hindi na 'din siya umiiyak. Balik sa normal, wala nanamang emosyon ang mukha niya.
"Why i'm here?" tanong niya, napailing na lang dahil tulog na pala siya pag dating ko sa bar.
"i bring you here?" sarkastikong sagot ko sakaniya, napairap naman siya at bahagyang nagulat ng makitang iba na ang suot niya. Napaiwas din ako ng tingin ng ibaling niya sakin ang paningin niya.
"did you change my clothes?" malamig na tanong niya kaya marahan akong tumango at sinalubong ang mga mata niyang punong puno ng emosyon. Kung anong tahimik niya ganon ang ingay ng mga mata niya.
"y-yes, but i didn't see anything i promise at hindi lumapat ang balat ko sa balat mo i closed the lights bago ko palitan at punasan ka" paliwanag ko, napairap naman siya bago mag salita.
"i don't care if you saw my body, i'm confident du- aww" naputol ang pag tataray niya sana at napahawak sa ulo niya, natawa naman ako dahil tinablahan na siya ng hang over.
"tara, i'll cook eat first bago ka uminom ng hang over removal" natatawang saad ko habang inalalayan siya papunta sa kusina.
Pinag luto ko siya ng noodles para may sabaw saka soft boiled egg, so far naubos niya naman halatang gutom na gutom si ante hindi ba siya pinapakain ng boypren niya? sabagay mukhang hampas lupa nga naman ang isang 'yon.
"so bakit ka nag inom ma'am? broken ka ba?" tanong ko sakaniya pero tanging irap lang ang isinagot niya.
"pano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong niya sakin kaya napangiti ako ng wala sa oras, ako ang nasa speed dial niya waaaahh.
"well ako lang naman ang tinawagan nung waiter sa bar na pinuntahan mo dahil nasa speed dial mo ang number ko" mayabang kong saad at muli, umirap nanaman siya.
"what time is it?" tanong niyang muli, ano ba interview ba 'to? may relo naman siya.
"hmm 12:27 am na" sagot ko sakaniya, binaling niya ang tingin sakin at for the 9th time, inirapan niya ako.
"nagising ka lang 'din ba?" tanong niya at umoo naman ako agad.
"ikaw inaantok kana ba ulit?" tanong ko sakaniya at umiling naman siya, malamang baka nga 5 pa lang ay tulog na siya.
"ako inaantok na ulit ma'am, matutulog na ako ha babye" saad ko at nag wave sakaniya, hay ma'am maganda ka pero antok na antok na talaga ako.
"goodmornight, baby ma'am lavyah" pahabol ko ng maka higa na ulit ako sa sofa.
Agad akong napamulat ng maramdaman kong may humiga at umunan sa braso ko, what the fuck?! agad bumilis ang pag kabog ng puso ko dahil sa ginawa nitong masungit kong professor tf.
"m-ma'am?" tawag ko sakaniya, nag hmm lang siya at shet sarap sa tenga.
"let me, i'm scared" garalgal na boses niya kaya wala akong nagawa kundi kumutan at yakapin na lang siya mula sa kaniyang likuran. Tss, hahanap hanapin ko 'to kainis.
--
Nagising ako dahil sa bango ng mga pagkain, agad akong nag laway at naramdaman ang pag kalam ng sikmura ko. Agad akong tumayo at dumiretso sa bathroom para gawin ang morning routine ko.
Matapos mag ayos ay agad akong pumunta sa kusina at nakangiting lumapit sakaniya at niyakap siya mula sa likuran, wala naman akong natanggap na pag tutol kaya niyakap ko lang siya.
"We used to do this in my dreams, kung panaginip lang ulit 'to hindi ako mag sasawang gumising kung ikaw ulit ang kakagisnan ko" saad ko.
"ge, alis na mag hahain ako" saad niya, luh?!?! siga si ma'am.
"wow sige pre, aalis na ako pre" sarkastikong saad ko at natawa ng bahagya.
Ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang bahagyang pag angat ng sulok ng labi niya. Ang ganda, tangina talaga. Waah lord take me now, char.
"ma'am walang pasok ngayon" pag basag ko sa katahimikan, tumango lang naman siya at nag patuloy sa pagkain. "ma'am kapag naging kuto ako aalagaan mo ba ako?" tanong ko sakaniya.
"hindi, titirisin kita satisfying 'yon para may role ka naman sa buhay ko" diretsong saad niya, ang expensive niya kahit tagalog ang salita niya.
"edi wow" saad ko na lang at pinag patuloy ang pagkain ko.
Matapos naming kumain ay ako na ang nag hugas, siya naman ay naligo na. Hindi siya makakauwi dahil sa lakas ng ulan at hangin kasama na 'din ang kulog at kidlat.
"ma'am kapag ba nag ka buhok ang kuto tapos naarawan kukutuhin din?" tanong ko sakaniya, nasa sala kaming dalawa ngayon at nanonood ng horror.
"oo, kapag nga hindi ka tumigil kakasalita lilipad ka talaga" saad niya, may ganitong side pala si ma'am para siyang gangster na maganda at mabango.
"harsh mo ma'am" sagot ko na ikinairap lang niya, agad namang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad 'to.
[Finn, are you free ba next week?] tanong ni Seren sa kabilang linya.
(hindi e, pupunta akong palawan together with our friends) sagot ko, oo kasali sa circle namin si Seren kaso nga lang ay masiyado siyang busy dahil archi student siya kaya hindi na masiyadong nakakasama sa gala.
[i see, i'll invite you sana para mag swimming] saad niya at bahagya pang natawa.
(sumama ka na lang samin) aya ko sakaniya at pumayag naman siya agad.
Pag baba ko ng phone call ay binaling ko ang tingin sa professor ko na sobrang sama ng tingin sakin na parang sinasaksak niya na ako sa utak niya.
"b-baki-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nilayasan niya ako at nag kulong sa kwarto. Luh