FINN'S P.O.V
"hoy, malapit na pala tayo grumaduate ano?" saad ni Sien habang nakatingin sa pool, kasalukuyan kaming nasa penthouse naming mag k-kaibigan.
"oo, i guess 5 months na lang" natatawang sagot ni Lucas, oo nga malapit na kami grumaduate maibabahay ko na si ma'am hehe.
"ano nginingiti mo diyan 'te? baliw lang?" puna sakin ni Sebbi kaya inirapan ko na lamang siya, tss epal.
It's already 3 am, hindi pa kami nag kikita ng baby ma'am ko simula nung gabing dun siya sa apartment ko nag stay. Kinabukasan non sabay lang kami pumasok sa school pero hindi siya nag discuss samin dahil may biglaang meeting daw ang lola mo. Kanina naman ay nasa laguna sila ni uncle, tutal wala namang gagawin bukas bakit hindi ko na lang siya puntahan don? hehe friday naman na. #Finn_brainy.
"hoy, pupuntahan ko si ma'am" saad ko, napamaang lang naman sila sakin at napa iling.
"hoy te baka nakakalimutan mo may pasok bukas" saad ni Dainty.
" k lang 'te, bye na chat na lang ako sainyo" paalam ko sakanila at wala naman na silang nagawa dahil tumakbo na ako palabas at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko papalayo.
Ano kayang magiging reaction niya, once i get there? alam ko namang hindi showy si ma'am pero alam ko din na kinikilig naman yon sakin paminsan minsan. Diba?
-
Nakarating ako dito sa laguna ng mga 5am, ngayon andito ako sa tabi ni ma'am at pinag mamasdan siyang matulog. Ang ganda niya shet, kung kayo makaka kita nito baka mabulag ko kayo hehe.
Marahan nag mulat ang mata niya, kita ang gulat sa mukha niya and the next thing i knew, she kicked me hard kaya nahulog ako sa kama. Ouch, ang sakit huhu.
"aww, why did you kick me?" saad ko habang hinahaplos ang parte na tumama sakin, in fairness may lakas siya ng sampung kabayo HAHAHAHAHHAHAHAA.
"what are you doing here?" she asked in her usual serious tone.
"i came here for you duh, alas tres ako umalis wala pa akong tulog ma'am tapos sinipa mo ako" pangongonsensiya ko sa kaniya pero wala naman atang talab dahil inirapan lang niya ako.
"tss, that's what you deserve. pervert"
"wow ma'am ha, o.a sa pervert e isang dipa nga ang layo nating dalawa" reklamo ko sakaniya pero inirapan lang niya akong muli.
"anong nararamdaman mo ngayong nakita mo na ako ma'am? alam kong miss mo na ako e" saad ko habang sabay kaming papunta na sa kusina.
"inis" maikling sagot niya na ikinangiwi ko.
"hoy ma'am ha, pinag lihi ka ba sa sama ng loob?" natatawang saad ko, ngunit natigilan ako ng masama niya akong tiningnan.
"oh, you're awake na pala. ginising ka ba niyang pamangkin ko?" bungad samin ni uncle ginger na ngayon ay nag hahain na ng pagkain.
"hindi ko siya ginising tito, nagising lang 'yan ng kusa tapos sinipa pa ako" reklamo ko na tinawanan lang niya, yung isa naman ay seryoso lang na nakaupo at umiinom ng kape habang tutok sa cellphone.
Sino naman kaya ang ka text niya, siguro yung panget niyang boyfriend na si cydd kamukha niya si Sid sa ice age. Actually pogi naman si kuya Cydd pero pangit siya sa paningin ko.
"kailan ang uwi natin uncle?" tanong mo kay uncle dahil wala naman ata 'to si ms. Monroe na kausapin ako.
"Bukas, teka may pasok ngayon ah?" naka taas ang kilay na puna niya, friday lang kase ngayon mga mare hehe.
"eh oo nga uncle, pero kase hindi ako pumasok kase masakit ang ulo ko no.
"masakit ang ulo pero 3am umalis? at ano kamo? wala kang tulog so basically naka tambay ka the whole night at binulungan ka lang ng demonyo na pumunta dito" singit ni Ms. Monroe habang nasa cellphone pa 'din ang atensyon.
"wow hanep sa hinala ma'am ah" sagot ko pero hindi na niya ako pinansin, grabe si ma'am ano kayang toyo ang brand niya?
"labas lang ako" paalam ko sakanila, andito pala kame ngayon sa hacienda namin sa laguna ewan ko bakit andito sila wala naman akong alam basta sinundan ko na lang sila dito.
Nag tungo ako sa parati kong pinupuntahan nung bata ako, this is my safe place. Ang aliwalas kasing tingnan, may lake, tree's at yung tree house ko.
I was standing near the lake feeling the clean air when someone hugs me kaya napa pitlag ako ay bahagyang naitulak kung sino 'yung yumakap sakin.
"gezz, get off me!" sigaw ko dahil hindi ko naaninag ang mukha niya.
"ge pre ganiyan kana pala" madamdaming saad nung yumakap sakin, napa yakap na lang muli ako sakaniya ng makilala kung sino.
"waaahhh, Shojei i missed you!!" tili ko at niyakap siya ng mahigpit, na out of balance ako kaya natumba kami at pumaibabaw siya sakin.
"ops, sorry na miss kita e" saad ko ng maka tayo na kami. She's Shanaia Vancity, mag kaibigan na kami since bata pa lang anak siya ng pinag kakatiwalaan ng pamilya namin na pamahalaan 'tong hacienda si Mang Pitong.
"kala ko hindi mo na ako kilala, hmp" pag iinarte niya habang naka nguso at bahagya pa akong hinampas kaya natawa na lang ako at ganon din siya.
Shanaia is a very good friend of mine, she's pretty and kind saka saksakan ng talino ang isang 'to. Inaaya ko nga siya dati nung lumipat na kaming manila para mag kasama pa 'din kame pero ayaw niya daw e mabilis akong kausap char AHAHAHAHAHHAA.
"how are you?" tanong ko sakaniya, nakaupo na kami ngayon dito sa bench na naka harap sa lake.
"doing good, how about you? you look more poganda now dati dugyutin ka pa" natatawang saad niya na ikinangiwi ko.
"epal ka, anyways i'm fine too anong tinake mong course?"
"hmm, civil engineering in 3 months ay g-graduate na ako, sa manila 'din ako mag apply sa company niyo if ever na maka pasa" sagot niya at bahagya naman akong napangiti.
"that's good, ako 'din ay g-graduate na pero 5 months pa naman ang hintayin" saad ko.
"good for you, too"
Ilang oras pa kaming nag kwentuhan ni Shojei bago ako nag paalam, kukulitin ko na si ma'am kase tapos na daw naman sila sa ginagawa nila sabi ni uncle kaya it's my time to flirt.
"Ate Rosing, where's professor Celestine po?" magalang na tanong ko kay ate Rosing, asawa ni Mang Pitong.
"Nasa loob ija" sagot niya na tinanguan ko lang ko lang bago dali daling pumasok, naabutan ko naman siya sa second floor naka upo sa sofa habang naka dikwatro at nanonood.
"Hiiii" masiglang bati ko sakaniya pero inirapan niya lang ako.
"Done flirting?" mataray na saad niya at bahagyang lumayo sakin ng tinabihan ko siya.
"anong flirting ma'am? tamang hinala ka" saad ko at lumapit ulit sakaniya.
"oh?, i see it my self Finn Portia so stop denying it" sarkastikong saad niya.
"ha?"
"hatdog mo maliit, che" saad niya bago ako iwanan na nakatunganga.