Pag dating namin sa villa ay pinapasok ko agad sila, agad naman naming natanaw ang mga kaibigan ko na nasa sala kasama si Ms. Harper at Ms. Raquel.
"Luh, nag selos lang nag uwi na ng limang babae?" komento ni Lucas kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Shut up, anyways this is my new found friends" saad ko.
"wow, gumaganti ka ba kay Ms. Monroe grabe ka ha isa lang yung kaniya sayo lima" natatawang saad ni Vien.
"This is, Enfys, Niff, Zendry, Xyzia, and Kehlani" pakilala ko at isa isa silang tinuro.
"And this is my friends guys, this is Viox, Sien, Lucas, Sebastian but you can call him seb or sebbi, this is Dainty, and that one is Vien and this is Seren" pakilala ko sa mga kaibigan ko.
"Nice to meet you girls, omo madadagdagan nanaman frenni ko" saad ni Dainty at lumapit sa lima at nakipag kamay, ganon din ang ginawa nilang lahat.
"Shot tayo later sa dalampasigan" aya ni Lucas na agad naman naming sinangayunan.
After an hour, bumalik na 'din si Ms. Monroe with her new found friend punyeta talaga. Nagulat pa nga siya ng makita yung lima.
"Aalis ako mamaya, don't wait for me" nagulat akong napatingin sa direksyon niya at sakin siya nakatingin.
"oh? ba't naman kita hihintayin gold ka ba?" sarkastikong sagot ko. Naguguluhan din ako dito kay Ms. Monroe e, bakit naman niya kailangan pang sabihin sakin. Baliw.
"your mouth, i'm still your professor" malamig na saad niya.
"yeah, you're my professor so what's the point of waiting for you?" sagot ko.
Masama loob ko dito kay Ma'am, nag tatampo ako sakaniya bahala siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin papunta sa backyard nitong villa.
"What?" naguguluhang tanong ko sakaniya, visible sa mata niya ang pag ka irita niya.
"What's wrong with you? you're disrespecting me" inis na anas niya.
"Oh really? then i'm sorry professor" saad ko at akmang tatalikod na pero pinigilan niya ako.
"Are you jelous?" tanong niya kaya napamaang ako.
"No, why would I? e student mo lang ako at professor kita" sagot ko.
Hindi ko siya maintindihan ngayon, alam kong wala akong karapatan sakaniya pero sana irespeto niya din ako. Alam niya namang may nararamdaman ako for her pero ganiyan siya umasta sa harapan ko, hindi ko naman siya pinag babawalan wag lang niyang gawin sa harapan ko.
"pasok na po ako"
Nag screen shot ang kaluluwa ko sa gulat ng higitin niya ang braso ko at maingat na isinandal sa pader bago walang pasabing hinalikan ako.
"No need to be jelous, hmm?" bulong niya bago ako iwanan.
PUTANGINA?! PUTANGINA?! PUTANGINAAAAA
Agad akong napahawak sa dibdib ko na ngayon ay parang sasabog na dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Dali dali akong pumasok at dumiretso sa kwarto namin nila Viox at nag tungo sa bathroom. Mama huhu, kinikilig ako.
Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapangiti at bahagyang mapatalon dahil sa nangyari kanina. Shet, sabe na crush niya din ako e. Pag tapos kong maligo ay agad na akong bumaba na may ngiti sa labi, hindi ko na naabutan si Ms. Monroe sa baba dahil siguro umalis na yung mga halimaw na 'yon.
"good mood ka ata?" tanong ni Kehlani sakin, wow nag click agad talaga sila. Si Enfys mukhang naiirita na kay Sien, HAHAHAHAHAHHAHAHA cute.
"Hindi ah, wala ako sa mood pero dahil fresh ako at mapanghe kayo good mood ako" saad ko at tumabi kay Kehlani.
"Kamukha mo talaga si Rosè ng bts" saad ko habang tinititigan ang mukha niya.
"Tanga, bobo naman nito twice yon si Rosè" saad ni Sien at hinampas pa ako.
"Parehas kayong tanga, blackpink si Rosè" saad ni Enfys, masiyado talagang straight forward at matabil ang dila nitong si Enfys.
"wow sakit mo, tol" paramdaming saad ni Sien habang nakahawak pa sa dibdib niya pero inikutan lang siya ng mata ni Enfys.
"kaibigan mo si Fhiax, Viox ano?" tanong ni Kehlani kay Viox.
"She's my cousin, why?" sagot ni Viox.
"No wonder, parehas kayo ng ugali" natatawang saad ni Kehlani.
Actually oo nga, kilala ko 'din grupo nila Fhiax and we're close naman. Pero the last time I saw them ay nung sa Starbucks.
"May bago silang kaibigan no? yung poging babae 'din like me?" saad ko at napangiwi naman sila.
"Oo si East, talino daw non siya agad nangunguna sa department ng architecture" saad ni Sien.
"Let's hangout together with them, next time" saad ni Lucas.
"Pogi nung kambal si Kent saka si Kaizz, parang luluhuran" natatawang saad ni Dainty at sinangayunan naman ni Vien kaya napairap si Lucas at Sebbi.
"Dr. N and Ms. Monroe have a connection ba? diba silang dalawa ang may hawak ng F.U?" curious na tanong ni Lucas.
"We don't know, hindi pa nga natin nakikita si Dr. N e" natatawang saad ni Sien.
"Anyways, bakit hindi niyo kasama sila Fhiax?" tanong ni Sebby kay kehl.
"Wala lang, dapat ba kasama namin?" sarkastikong tanong ni Kehl kaya natawa ako.
We stayed like that for 5 hours, we shared story, chika's and rants. I'mma say na i'm enjoying their company. The more the merrier, kasama pa yung dalawang professor na nakikigulo din samin. Tanging si Ms. Monroe lang ang wala dahil mas pinili niya ang pangit na si Beau.
"Hoy it's already 12 midnight, dito na kayo matulog may available room pa good for five" suwestyon ko na sinangayunan naman nung dalawang professor kaya wala na silang nagawa.
Umakyat na sila para makapag pahinga habang ako ay inaantay si Ms. Monroe, 12 midnight na kase ay wala pa siya. She really enjoying being with her friend ha. Paepal siya. I waited for her for almost 2 hours, kaya nga sinama ko siya dito to bond with her pero sa iba nakipag bonding amp. Bahala siya, matutulog na ako.
Nasa ikatlong baitang pa lang ako ng hagdan ay bumukas ang front door at niluwa nito ang masayang mukha ni Ms. Monroe at yung bff niya.
"Oh, you didn't sleep yet?" tanong niya pero tinitigan ko lang silang dalawa.
"I told you not to wait for-"
Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at umakyat na ako, baka paulanan ako nito ng false hope tapos masasaktan ako. Nabasa ko na 'to sa wattpad e, pero okay lang sa huli pa naman yon. Bahala siya.
"Finn" habol niya sakin.
"po?"
"Are you mad?" tanong niya at lumapit sakin.
"I'm not po, ge tulog na po ako" saad ko at tatalikod na sana ng mag tanong ulit siya.
"Where?"
"In Kehlani's room" saad ko at pumasok sa kwarto nila Kehlani.
Bahala siya, overthink well mameh.
A/N: Payag kayo un-pub ko muna 'to? gusto kong baguhin from the top e. Yung isang story na lang ang i-publish ko. If ever namab na payag kayo, kung hindi naman edi hinde. My decision is up to you guys. Just comment here if you're agree or not. Thankiesss