"Pusang galang taong asong mukhang kabayong gago" mura ni Kehlani ng basta na lang akong pumasok sa kwarto nila.
"Tanginamo, bakit ba bigla bigla kang pumasok?" saad niya.
"lalabas din ako, o.a ka" saad ko at inirapan siya.
"Yow Enfys na laging galit sa mundo-"
"Shut that mouth of yours" putol niya sa sasabihin ko, may similarities sila ni Ms. Monroe parehas masungit tapos straight to the point. Ang pinag kaiba lang nila pala mura 'tong si Enfys.
"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?" tanong ni Kehlani, wow bahay ko kaya 'to?
"Wow? talaga lang ha?" saad ko kaya natawa naman siya.
"Nag seselos ka dun sa Beau ano? HAHAHAHA tara pag selosin din natin si ma'am" natatawang saad niya at hinatak ako palabas.
She's wearing an silky nighties dress that really suits her, it compliments her curves. Siguro kung si ma'am ang mag susuot nito nahimatay na ako.
Pag baba namin ay saktong nasa kitchen si ma'am at yung punyeta niyang kaibigan, hindi nag paalam amp. Bahay ko 'to.
"Hmm, babe what do you want to use strawberry jam or nutella?" Kehlani asked and bit her lips seductively.
"You choose, babe" I answered and place my hand on her waist while she put her arms on my nape.
Ramdam ko ang mapusok na titig sa likuran ko, kung nakakatusok ang titig niya baka duguan na kami ni Kehlani. Tumikhim yung kasama niya para siguro iparating na may tao.
"Oh, Ms. k-kanina pa po kayo diyan?" kunwareng alalang tanong ni Kehlani, she knows how to act huh?
"No" maiksing sagot niya at binaling ang masamang titig niya sakin.
"Ah sige po, una na po kami" paalam ni Kehlani dala pa din yung isang garapon ng nutella.
"Wait, can I borrow her for a second?" wow borrow? ano ako bagay? naknampucha nga naman.
"Ah sure po, babe i'll go first" saad niya at hinalikan ako sa gilid ng labi bago umalis. Putangina.
"Beau you can go" saad niya sa kasama at hinatid sa front door. Akmang tataas na ako ng hilahin niya nanaman ako.
"Bakit po?" nag tatakang tanong ko sakaniya.
"What are you supposed to do earlier, huh?" iritadong tanong niya.
"What's with that fucking nutella?" dagdag niya kaya hindi ko maiwasang mapalunok.
"Why are you acting like this p-"
"Just answer my freaking question Finn" gigil na anas niya.
"Ano po bang ginagawa sa palaman? syempre we'll eat bread po" sarkastikong saad ko kaya napairap nanaman siya.
"I HATE YOU!" sigaw niya at padabog na iniwan ako at tumaas.
She's acting weird.
-
It's already 1 in the afternoon, after niya akong iwan kagabe ay dumiretso na ako sa kwarto namin nila Viox."Ma'am are you going somewhere?" tanong ko kay Ms. Monroe ng dumaan siya sa harap ko.
"Yeah, with Beau" maikling sagot niya.
"ma'am, can we spend the day together po? kaya ko po kayo inaya dito to bond with you-"
"sumama ako because I want to enjoy my vacation" putol niya sa sasabihin ko, pekeng ngumiti ako sakaniya at tumango na lang.
"Joke, tara we'll going somewhere" She added while laughing.
"May gagawin po ako, next time na lang" tanggi ko at akmang tatalikod na ng hilahin na niya ako, ano pa bang magagawa ko diba?
"stop being hard to get, stupid"
After a few minutes walk we arrived at the other part of this island. Malayo sa mga tao, I was amazed that there's a tent, foods, table for two and so many more.
Umupo ako sa bangko at ganon din ang ginawa niya.
"I know you feel jelous, but you don't need to. She's my niece, idiot" paunang salita niya kaya agad kong ibinaling ang tingin sakaniya.
"Sabi nila Sien kaibigan mo daw?" tanong ko habang naka nguso.
"And you believe them? they know that she's my niece, even Enfys sana you asked her because she's my niece too" saad niga kaya lalo akong napanguso. Lintek talaga yung mga tao na 'yon e.
"Ma'am, what's with you today? ang bait mo ata" saad ko na nag pairap sakaniya.
"Sulitin mo na" saad niya habang nakangisi, what I like about her is she can be feminine yet she have her barumbado side. Parang Maxpein ba.
We eat and laugh as we stayed like that, I felt like there's no tomorrow. When i'm with her I can feel the happiness and comfort that i'm longing for a very long time since my parents part their ways.
"ma'am thanks for making me happy" sinserong saad ko.
"hmm" she hummed softly.
"ma'am what if asawahin mo na ako?" suggestion ko na ikinangiwi niya.
"no" saad niya kaya napanguso nanaman ako.
"wow reject agad?" I hissed.
"Are you aware that you're already proposing without a ring?" saad niya habang diretsong nakatingin sakin.
"Ganon ba 'yon?" tanong ko at natawa ng makita ang inis sa mukha niya.
"You look like a monkey" saad niya at inirapan ako.
It's already 6 in the evening, nag start na ang sunset. We sit at the sand while waiting for the moon to come out. She place her head on my shoulder kaya lihim akong napangiti.
"ma'am what do you prefer, sunset or sunrise?" tanong ko.
"sunrise" sagot niya.
"why?"
"Sunrises are often considered beautiful and symbolize new beginnings. The colors and the sense of renewal can be quite captivating. You, what do you prefer sunrise or sunset?" saad niya.
"I prefer sunset because sunsets are often admired for their warm and vibrant colors, creating a peaceful and reflective atmosphere. They mark the end of the day with a touch of beauty. In short, sunset is like a win because in a long dangerous day you still succeed to watch the sunset" sagot ko, ewan ko nga kung ano pinag sasabi ko.
"k" sagot niya kaya agad ko siyang nilingon.
"k lang maisasagot mo? dami ko kayang sinabi" reklamo ko at ngumuso pa.
"stop pouting, you look like a duck" saad niya at tumayo na.
"Clean that" she added while pointing at the tend and foods we ate. WHAT THE HELL?!?!
A/N: Hello, lapit na birthday ni Finn HAHAHAHA.
