SHAO POV
*****
"Hindi ba sasama si Tito?" Tanong ni Paulo habang nag aayos si Shao ng buhok sa harap ng salamin.
"Hindi ko alam kung alam nya na graduation ko ngayon." Kaswal nyang sagot.
Hinablot nya ang bote ng Tom Ford De Amalfi sa ibabaw ng kama at nag spray mula ulo hanggang paa.
"Okay na 'ko, tara na."
"Teka-" Pigil ni Paulo. "Here." Inabot nito sakanya ang cellphone. "Call your mom. It's her visitation time."
Sandali syang napatingin doon bago pilit ang ngiting tinapik si Paulo sa balikat, "Salamat pero baka ma-late tayo."
Ang tawagan ang mama nya, ay mas mabuting 'wag nang gawin. Hindi dahil ayaw nya itong makausap, kundi dahil iyon ang gusto nito.
"You're not calling her?" Sigaw ni Paulo nang pababa na sya ng hagdan. Hindi nya iyon sinagot at nagsuot na ng sapatos. Doon nag vibrate ang cell phone nya at nakita ang pangalan ni Matteo sa notification.
"Who will accompany you on stage?" Tanong ni Paulo sa likuran nya.
Nilingon nya ito, "'Wag kang mag alala. Kaya kong umakyat nang mag isa."
Pagkababa nya at bago lumabas ng pinto, ay nasilip nya si Matteo na nakatayo sa labas. Nakasandal ito sa poste habang may nakasampay na toga sa balikat, nakaayos ang buhok, at napakabangong tingnan. Malayo man, parang naaaamoy nya na ang pamilyar na amoy nito.
Sino ba ang may sabing mag isa ako? Sapat nang makita si Matteo sa tabi ko.
"Shaolin." Usal nito pagkakita sakanya.
Ngumiti sya at sandali itong tinitigan habang nakasandal sa hamba ng pinto.
Kapag kasama nya si Matteo, hindi nya nararamdaman na mag isa sya.Marahan itong natawa, "Bakit?"
At sana ay 'wag yun mag bago. Ang paraan ng pagtrato nila sa isa't isa, ang kung anumang meron sila ngayon..
"May mali ba sa bihis ko?" Sinipat nito ang sarili.
Kahit saang anggulo ko tingnan, tama ang lahat ng tungkol sayo..
Ang mukha mo, ang mga mata mo, at ang paraan ng pagtitig ng mga iyon saakin.Nangingiting nag iwas ito ng mga mata at bahagyang ibinuka ang mga braso bago napapatikhim na ibinalik sakanya ang tingin.
Sya naman naman ang masuyong natawa at naglakad palapit dito para yumakap. "I love you.." Bulong nya
Bumitaw ito sakanya, kumislap ang mga mata at hinawakan ang kamay nya. "Alam ko.." Mainit ang mga palad nito, sapat para painitin ang dibdib nya.
Kahit kuntento na sya sa nakikitang emosyon sa mukha nito, gusto nya pa rin na marinig uli sa bibig nito ang mga salitang iyon.
Pero kilala nya si Matteo.
Kahit gusto nitong sabihin, hindi madaling marinig iyon mula dito...Puno ng gigil na pinagdikit nya ang tungki ng mga ilong nila habang mariing hawak ito sa magkabilang gilid ng ulo, "Mahal kita, Matteo.." Ulit nya sa nararamdaman nya nang mga oras na iyon.
Ngumisi ito saka pinaglandas ang dalawang kamay mula balikat hanggang sa mga siko nya, "Ayokong sabihin. Baka lalo ka lang mahumaling, Shaolin."
Kumunot ang noo nya, "Masyado bang halata? Na kahit hindi mo sabihin, matagal na akong humaling sayo? Ayaw mo lang tanggapin na nangyari 'to sakin dahil sayo.." Idinampi ko ang hintuturo sa dibdib nya. "Ikaw rin ang may kasalanan kaya kita minahal nang ganito.."
Napalis ang ngisi nito at napuno ng emosyon ang mga mata. Binasa nito ang mga labi, at matapos masigurong walang tao, hinawakan rin nito ang magkabila nyang pisngi, "Masyado mo akong inaakit, Rafael.." , at mariin syang hinalikan sa mga labi. Hinapit nya ito sa likod at pinigilan ito sa tangkang paglayo sakanya. Idiniin nya ang mga labi dito at pinalalim ang halik hanggang sa hindi nila mamalayang dumaan na pala ang isang minuto.
Kapag kasama kita..parang nililipad ang oras. Siguro ay dahil..masyado akong masaya..
Samantalang sa kwarto ni Paulo, napapailing na tumitig ito sa monitor ng CCTV, nakatingin sa dalawang tao na nasa harapan ng bahay nya. Magkayakap at magkadikit ang mga labi na para bang walang pakealam sa paligid.
Pinatay nya ang monitor at malamig na natawa, "I have never seen such disgusting scene in my life."
*****
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.