𝗟𝗲𝘁'𝘀 𝗿𝘂𝗻 𝗮𝘄𝗮𝘆
[ 𝗦𝗢𝗠𝗘𝗢𝗡𝗘'𝗦 𝗣𝗢𝗩 ]
*****
Pagkapasok ng bahay ay agad na bumungad kay Matteo ang mga maleta ng damit, ang iba ay sakanya habang karamihan ay sa mama nya.
Kumabog ang dibdib nya.
Hindi nagkataong nandoon ang mga maletang iyon matapos sya nitong tawagan.
"Welcome home." Kaswal na sabi ni Chester na dumaan sa harap nya papunta sa kusina habang may hawak na baso ng tubig.
Naikuyom nya ang mga kamay. "Kailan mo pa 'to naging bahay?" Malamig nyang tanong.
Ngumiti ito at nagkibit balikat, "Told you, some things are better not said."
Hinaklit nya ito sa kwelyo dahilan para matapon ang tubig na hawak nito pero wala man lang itong naging reaksyon. "Traydor ka." Mariin nyang sabi sa nanginginig na mga kamay.
Doon bahagyang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. "I'm not." Diin nito.
Sarkastiko syang ngumisi, "Siraulo ka ba? Wala namang ibang nakakita kundi ikaw lang!" Umalingawngaw sa buong sala ang boses nya.
"Pero hindi lang ako ang nakarinig."
Nagngalit ang mga ngipin nya at itinulak ito palayo, "Sinungaling."
Matagal nya nang kilala si Chester. Pero nakalimutan nya na mga bata pa nang magkahiwalay sila. Ang Chester na kilala nya noon ay maaaring matagal nang wala.
"I'm not! If you didn't say that, this won't happen." Sabi nito
"Kasalanan ko pa? Na sinabi ko yun kasi may tiwala ako sayo? Na akala ko, gaya pa rin tayo nang dati, na pwede kong sabihin sayo ang lahat!"
"I didn't ask you to trust me!" May kalakasan nitong sabi. "If you're gay, then you're gay. What's the need of saying it in front of me? While I'm talking with my sister!"
Natigilan sya at sandali silang natahimik.
"I'm not putting all the blame on her, but yes! She's the one who told your parents about it! Can I stop her? No, and you know WHY. So, why are you snatching me like that, blaming me for something I didn't do!" Puno ng sama ng loob ang boses nito.
Si Patricia. Ang nag iisang kapatid ni Chester.
Na-diagnosed ito na may Antisocial personality disorder bago nag-migrate ang pamilya nito sa Australia. Isa itong sociopath, walang pakialam sa ibang tao, kahit sa mararamdaman ng pamilya nito. Pabalik balik na sa kulungan pero lagi rin nakakalabas dahil sa kondisyon nito. Noon ay madalas sya nitong pagbintangan ng mga bagay na hindi nya ginawa, na muntik nang maging dahilan ng pag aaway ng dalawang pamilya.May sakit ito. Pero hindi nya pa rin maiwasang magalit dahil malayo na nga ito pero nagagawa pa rin nitong mangialam sa buhay nya gaya noon.
"Paano nya nalaman?" Mababa ang boses na tanong nya. Noong isang taon, si Patricia dapat ang sasama sa mama nya, pero hindi pumayag ang mga magulang nito.
"I was talking with her on the phone when I saw you."
Mahina syang napamura at lalo lang bumigat ang pakiramdam.
Kung si Patricia ang nagsabi, siguradong mas malala pa iyon sa nangyari, sapat para mag impake ang mama nya."Alam mo bang isasama ako ni mama sa Australia dahil sa kapatid mo?" Aniya, may paninisi sa boses.
Nag iwas ito ng tingin, "I am so done with my sister, Matteo. The consequence of her actions is not my responsibility anymore." Seryoso ang mukha na hinawakan sya nito sa balikat, "Hindi ko na yun problema."
Sinamaan nya ito ng tingin at pinalis ang kamay sa balikat nya.
Pareho lang ito at si Patricia, na walang ibang alam gawin kundi ang ipahamak sya.
Napabuga sya ng hangin at napahimas sa noo. Parang lalabas na ang puso nya sa lakas ng kabog.
Nasa labas si Shao at hinihintay lang syang tawagin ito kung sakali man na makinig ang mga magulang nya. Pero sa sitwasyong ito, imposible na yun mangyari.
Sa pagtingala nya ay nakita nya ang mama nya na nakatayo sa itaas ng hagdan. Nakatingin sakanya habang balot ng panghihinayang at pagkadismaya ang mukha.
"Pack your things. We're leaving in one hour."
Bumagsak ang balikat nya pagkarinig doon. Inaasahan nya na itong mangyari. Nasa sasakyan palang sya ay may kutob na sya sa pwedeng gawin ng mama nya, pero ang marinig pala iyon ay mas nakakatakot.
Parang mga eksena sa pelikula na sunod sunod na lumitaw sa isip nya ang mga pwedeng mangyari kapag umalis sya, ang takot sa dibdib nya na unti unting bumabalot sa katawan nya, ang takot na iwan ang isang taong isang linggo nya lang hindi makita ay para nang may kulang sa araw-araw nya.
Anong mangyayari sakanila? Sa relasyon nila? Anong mangyayari kapag iniwan nya itong mag isa?
Sa kabila ng mga tanong, wala syang ibang naiisip...kundi ang mararamdaman ng taong naghihintay sakanya sa labas.
***
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.