𝗪𝗵𝗲𝗻 𝘄𝗲 𝗮𝗿𝗲 𝘁𝗼𝗴𝗲𝘁𝗵𝗲𝗿 ~
********
"Shaolin! Kung anuman ang nasa isip mo, itigil mo na. K-kailangan natin pumunta kay mama. Kakausapin ka nya, tatanggapin nya na tayo kaya alisin mo na'to!" Pinigilan nyang matawa nang bahagyang manginig ang boses ni Matteo nang magising ito at makitang nakaposas sa hamba ng kama ang isa nitong kamay.
Itinago nya ang pag ingos pagkarinig sa huli nitong sinabi.
Tatanggapin? Hah!
Kumunot ang noo nya at pinagpatuloy ang paghahanap ng damit sa closet, "Teka, diba dapat ako ang galit kasi basta mo lang ako iniwan sa CR nung isang araw? Bakit ako ang sinisigawan mo ngayon, ha? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nakaposas sa kama ko. At kapag-" Mariin nya itong itinuro at namewang, " - kapag uminit ang ulo ko, may iba din na umiinit sakin. Kaya wag mo akong gagalitin, Matteo."
Kagabi ay ilang timbang tubig ang kinailangan nyang ipaligo, mapahupa lang ang init na iyon. Sya lang ang nakakaalam kung aling parte ng katawan nya pero alam nyang may ideya si Matteo kung saan.
"Ginagago mo ba'ko? Tingin mo, hindi nila malalaman kung nasaan tayo? Yung mga kapatid mo, yung daddy mo-"
"Si Portia na ang bahala sa dalawa ko pang kapatid, Matteo. Kaya hindi sila makakapunta dito hanggat nandito pa tayo. Kaya wala ka rin ibang gagawin, kundi isipin ako." Putol nya.
Bahagyang nagdikit ang mga kilay nito, "Kaya malakas ang loob mong dalhin ako dito dahil kay Portia? Baka nakakalimutan mong kasama ko si Chester kagabi, magsusumbong yun kay mama! At ano naman ang gagawin mo sakin dito, ha?"
"Wag mong binabanggit ang pangalan ng gunggong na yun." Malamig nyang sabi pero pilyong natawa sa kabila ng nakikitang kaba sa mukha nito, "Gusto mo ba talagang sagutin ko yan? O baka naman gusto mong gawin ko nalang sayo ngayon para hindi na ako magpaliwanag?"
Napalunok ito at namumula ang pisnging nag iwas ng tingin, "Subukan mo. Sasamain ka sakin." Banta nito na hindi nya binigyan ng pansin dahil nasa mukha nito ang mga mata nya. Sa namumula nitong mukha na pilit nitong itinatago sa pagpupumilit kumawala sa posas.
May dumaang kiliti sa dibdib nya at nangingiting kinuha ang napiling itim na damit sa closet, "At ano naman ang kaya mong gawin sakin?" Kumpyansa nyang tanong.
Nang magsimula syang humakbang palapit dito habang isinusuot ang damit pang itaas na hindi nya na sana isusuot para tuksuhin pa lalo si Matteo, ay napaatras ito ng upo. Bakas ang kaba pagkabahala sa mukha.
Wala syang nakikitang takot sa reaksyon nito, kaya hindi nya alam kung bakit umiiwas ito sakanya.
Siguro dahil...alam nito ang takbo ng utak nya at alam nito na hindi iyon maganda.
Naupo sya sa tabi nito at dumukwang palapit, kaswal ang kilos pero halos lumuwa ang puso nya sa lakas ng tibok. Gumalaw ang Adam's apple ni Matteo pero hindi nito inalis ang mga mata sakanya. Dahil kakagising lang, mapungay pa ang mga mata nito, parang inaantok pa, pero mas mabait tumingin at malambot, na parang kahit anong gawin nya ay tatanggapin lang nito iyon nang walang pag aalinlangan. Kahit itulak nya ito sa pader at halikan nang mariin, kahit gawin nya iyon na hindi inaalis ang suot nitong posas sa kamay...hindi ito tututol sakanya.
Mahina syang natawa at ibinagsak ang ulo sa balikat nito. "Matteo..." Aniya sa mahinang boses, sinadyang hipan ang balat nito at hindi naman sya nabigo dahil nakita nya nang magtayuan ang mga balahibo nito.
Ang simpleng pagsandal ay nauwi sa mahigpit na yakap nang iangat nya ang mga braso at ipaikot sa leeg nito, "Pano ba yan? Akin kana ulit.."
Bumigat ang paghinga nitong tumatama sa batok nya nang dumausdos ang mga kamay nya sa likod nito at naramdaman nya ang paghawak nito sa balikat nya, "Ah hindi..akin ka naman talaga." Ipiniling nya ang mukha paharap sa gilid ng leeg ni Matteo at nakapikit na ikiniskis sa balikat nito ang pisngi nya, "Akin ka naman lagi...kahit ayaw mo, akin ka pa rin. Kahit ayaw nila sakin, akin ka pa rin. Bibigyan ba kita ng pagpipilian?" Dinampian nya ito ng magagaang halik sa leeg, "Syempre hindi.."
"Ano ba..." Natawa sya sa padaing nitong pagtutol at pagtampal sa kamay nya nang ipasok nya iyon sa loob ng damit nito, "Shao.."
********
( To Be Continued )
BINABASA MO ANG
TACHYCARDIA ( Book 2 & 3 )
RomanceWhen the heart is in trouble..but the heartbeat remains.